Pagkatapos nilang kumain hindi na niya nakita si Karol at si Luke. Nang lumabas si Kaira para magpahangin nakita niya ang isang kakapasok ng isang Porsche Boxster at bumaba doon si Luke nang magtama ang kanilang mga mata nakita ni Kaira ang madilim na anyo nito. Hindi namalayan ni Kaira na nakalapit na pala sa kanya si Luke.
“Bakit kayo nandito?” tanong ni Luke
“S-inama kasi ako ni Papa”
“Sinama, talaga?..... palang ang ganda ng timing mo no, dumalaw kayo sa araw pa kung kailan ko na balak Iannounce sa pamilya ko ang pagpakasal naming ng girlfriend ko.” Di namalayan ni Kaira na may tumulong luha sa kanyang mga mata. Natauhan lang siya nang magsalita mula sa likod nila si Don Roberto, agad na pinunasan ni Kaira ang kanyang luha.
“oh ano napag usapan niyo na ba ang kasal?” sabi ni Don Roberto.
“what!!,” gulat na sabi ni Luke. “Anong kasal ang sinasabi mo dad?”
“oh hindi pa ba sinasabi sayo ni Kaira ang kondisyon niya?”
“Can you please linawin mo ang sinasabi nila Miss Leviste”galit na tanong ni Luke”
“Buntis ako Luke at ikaw ang ama” di na napigilan ni Kaira at sunud-sunod nang naglaglagan ang mga luha sa kanyang mga mata. Tinalikuran ni Kaira si Luke at dumarecho na sa kanilang sasakyan, naabutan niya doon ni mang Ernesto ang driver niya mula pa nang nasa grade school siya.
“Mang Ernesto ihatid niyo na po ako sa bahay”
Agad na binuksan ng matandang lalaki ang pintuan at mabilis na pumunta sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan. Sa loob ng sasakyan inilabas ni Kaira ang kanyang sama ng loob nag-iiyak siya dahil sa nalaman na ang ama ng kanyang anak ay may nobya na at malapit nang ikasal.Samantalang si Luke ay tila nakapako sa kinatatayuan dahil sa nalaman.
Shock yun ang naging reaksyon ni Luke “damn I’m going to be a father” nasabi ni Luke sa kanyang sarili nalilito na siya sa dapat niyang gawin dapat niya bang panagutan si Kaira para hind imaging bastardo ang anak nila oh papakasalan niya pa rin si Karol dahi; ito ang nobya o fiancé niya.
Pagdating ni Kaira sa kanilang bahay nagtungo siya sa kanyang silid at nag-iiyak. Kaira was already 20 years old pero sa itsura niya para siyang batang umiiyak.
“Kaya kong alagaan ang anak ko kahit wala ang ama niya” sabi ng isip ni Kaira. Dahil na rin sa pagod sa kakaiyak nakatulog si Kaira hindi na rin siya nakakain ng dinner.
Nagising si Kaira ng bandang alas-tres ng hapon dahil na rin siguro sa sobrang pagod kaya masyado siyang natanghali at wala siyang magawa kaya naisipan niyang magpahangin na lang sa garden. Habang naglalakad papuntang garden ay nadaanan niya ang mini bar at kumuha ng wine. Nakaupo sa swing si Kaira nang may magsalita sa kanyang likod.
“bakit ka umiinom ng wine masama yan para sa pamangkin ko” Nang lumingon si Kaira nakita niya si Miguel na naglalakad palapit sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito” tanong ni Kaira.
“Wala binibisita ang future sister-in-law ko at ang future pamangkin ko”
Natawa siya sa sinabi ni Miguel.
“pano mo naman nasabi na magiging sister-in-law mo ako pakakasalan ba ako ng kuya mo?”
“Kilala ko si kuya I know gagawin niya ang tama para sayo at sa magiging anak ninyo.”
“ anyway salamt at binibisita mo ako buti pa ang tito ng anak ko may concern samantalang ang sarili niyang ama ay walang pakialam”
“Wag mong sabihin yan pinapunta ako ni kuya dito, para icheck ka”
“Ako? Ako ang pinapacheck niya, baka yung laman lang ng tiyan ko ang gusto niyang icheck kung ok”
“Don’t say that masama sa mga buntis ang laging nagtatampo, maawa ka naman sa pamangkin ko baka lumabas yan na nakakunot ang noo”
Natawa si Kaira kay Miguel, napapatawa siya ni Miguel kahit sa mga simpleng jokes lang nito. Walang ginawa si Miguel at Kaira kundi magkwentuhan magdamag. Umalis lang si Miguel bandang ala-siete.
Kinabukasan pumunta si Kaira sa kaibigang si Nicole Gomez, balak niyang mag-relax at kalimutan lahat ng problemang kinasangkutan at balak niya rin iopen sa kaibigan ang kanyang kondisyon.
“Hi” bati niya sa kaibigan nang pagbuksan siya na pinto na mukhang bagong gising
“Uy, Kaira napadalaw ka, tuloy ka?” tanong nito dahil hindi niya ugaling dalawin ito.
“Bakit ayaw mo ba?” pabiro niyang tanong.
“Hindi naman sa ganun, nakakapanibago lang. Bakit may problema ka ba?”
Nabigla si Kaira sa tanong nito dahil nahulaan nito agad ang sadya niya.
“Actually, sobrang laki ng problema ko, iready mo na ang sarili mo baka mahimatay ka” pabirong sabi ni Kaira
“o sige I’m ready, come on open up”sabay tapik nito sa kamay niya nang makarating sila sa sofa.
“Friend, Im pregnant”
--------------------------------------------------------------------------------------------
Salamat sa mga nagbasa hehe at sobrang thank you kay Jemy sa pag inspire sakin thx friend J
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mistake (chapter 1)
RomanceMahal ni Kaira si Luke ginagawa niya ang lahat para maging isang mabuting asawa at ina sa kanilang anak pero bakit parang hindi iyon makita ni Luke. :(
