Tinapos ni Kaira ang kanta lahat ng tao ay nagpalakpakan ang score na videoke machine ay 95 ang nakuhang score ni Rowena ay 90 dahil magnda rin ang pagkakanta nito at 87 naman kay Jena. Sa stage na yun ay sila Jena ang natanggal.
“Ok ito na ang last stage wow Karl dude ang tibay mo pala hah nakarating ka sa last round” sabi ni Lian kay Karl.
“Syempre pare ibahin mo to” turo nito sa sarili.
“Boss pano ba yan pasensya na at napasali pa kayo sa mga kagaguhan namin.” Baling nito sa kanila ni Luke.
“Ok ang ating last stage ay tatawagin nating ‘Are you a Gentlemen’. Bago ang lahat bubunot muna ang mga lalake at kung ano ang nakasulat sa mga nabunot niyo yun ang inyong gagawin patagalan ito hah kung sino ang unang bumigay talo.”
Ang nabunot ni Karl ay papasan sa likod nito si Rowena napangiwi ito dahil buhatan pala ng partner ang last stage dahil medyo malaking babae si Rowena at ang nabunot naman ni Luke ay papangkuin siya.
“Kaya mo ba akong buhatin ng matagal baka sumakit ang kamay mo mabigat ako Luke”
“Ok boys buhat na” sabi ni Lian.
“Ikaw mabigat” sabi nito na binuhat na siya nagulat pa siya at napakapit sa leeg nito “ang payat mo kaya pinapakain ka ba ni Kirby hah sabihin mo lang kung hindi at ibibigti ko ang timawang na yon” natawa si Kaira sa sinabi ni Luke. Parang tumayo ang balahibo ni Kaira ng biglang inilapit ni Luke ang bibig nito sa tainga at may ibinubulong ito “because for me you’re the sexiest”
Lumipas ang limang minuto ay wala pa ring bumibigay ngunit halatang nahihirapan na si Karl. Makalipas rin ang 8 minuto ay muntik nang mawalan ng balanse si Karl buti na lang at nahawakan ito ni Lian. Sila ang panalo ni Luke.
“Ok Sir Luke kayo ang panalo”
Nagpalakpakan ang mga tao may nagsimula magsabi ng Kiss na sinundan ng lahat.
“Pano ba yan sir pagbibigyan niyo ba”
Nagulat si Kaira dahil walang sabi-sabing hinalikan siya nito.
Pagbaba sa stage naka pwesto sina Kaira sa isang bakakanteng lamesa hindi gaano pansin dahil medyo nasa gilid iyon nang makaupo sila may nagsalita sa kanilang likod
Kinabukasan ay natanghali ng gising si Kaira ala-una na pala ng hapon wala si Luke sa kanyang tabi naisip niyang baka lumabas lang ito dumaretcho siya sa banyo at naligo medyo nagtagal si Kaira sa pagligo paglabas niya ay namili siya sa mga damit na dinala niya napili niya ang isang dress na puti na halter pinatuyo niya ang kanyang buhok at itinali iyon at naglagay siya ng kaunting make-up.
Naglalakad si Kaira papunta sa may seafood restaurant ng resort na iyon ang sabi ng nakasalubong na empleyado ni Luke na nakita daw nito ang asawa na pumasok sa restaurant. Pagpasok niya ay agad niyang inilibot ang mata upang hanapin ang asawa nakita niya itong nakaupo sa isang mesa lalapitan niya n asana ito ng mapansin niyang may papalapit na babae rito, sinalubong ng kanyang asawa ang babae at hinalikan sa pisngi ngunit iba ang dating ng babae sa kanya dahil sa higpit ng yakap nito sa asawa niya.
“Vanessa akala ko ba may importante kang sasabihin can we please go straight to business dahil naghihintay ang asawa ko” sabi ni Luke sa babaeng kaharap nito.
“I know Luke but can we have lunch muna di pa kasi ako kumakain eh.” Malanding sabi nito
“Yeah miss, cause I think his wife is waiting” pakikisawsaw ni Kaira sa usapan ng dalawa. “So Luke trabaho pa rin pala ang inaatupag mo ngayon kala ko ba Christmas party niyo?”
“Ahh so you are the wife ang pinakasalan ni Luke dahil nabuntis niya… balita ko inagaw mo daw siya? So kung nagawa mo siyang agawin sa tingin mo hindi ko magagawa? Bitch!”
Lumabas na ng restaurant si Kaira badtrip siya sa babaeng yon ambisyosa nakakairita ang sarap igudgod ang mukha sa inidoro. Inaamin niya nasaktan siya sa sinabi nito sa kanya, kaya lumabas na lang siya.
“Stop it Vanessa!! Don’t you dare call her that dahil ako ang makakalaban mo… makakaasa kang makakarating ito sa tatay mo.” Lumabas na si Luke at sinundan si Kaira.
“Kaira, babe wait”.
“bakit ba!”
“Sorry makulit kasi si Vanessa.”
“Ahh so kung may babaeng mangungulit sayo pinagbibigyan mo agad ng lunch.”
“No! ano ba hindi ko siya niyayang mag-lunch ang sabi niya may sasabihin lang siya about sa business kaya nakipagkita ako sa kanya.” Nakita ni Kaira na sincere si Luke bakit ba ganito ako? Tanong ni Kaira sa sarili niya pagdating sa lalaking ito lumalambot ako agad… kaasar ganun ko ba siya kamahal na handa kong kalimutan sa isang iglap ang lahat…. Hmmmp siguro nga…
“Sorry rin nasigawan kita nakakairita kasi ang impaktang yun eh malandi hmmmp nakakainis!”
“Relax babe, Im all yours” sabay yakap.
“talaga?”
“oo, I lov—I’m all yours Kaira”
Tapos na rin ang Christmas party ng kompanya nila Luke. 2 araw na lang Christmas Eve kaya nagplaplano na si Kaira ng mga lulutuin at ihahanda niya kakatapos niya lang mag-grocery naisipan niyang daanan si Luke sa opisina nito at sabay na lang silang kumain ng Lunch.
Narating ni Kaira ang building ng Ramirez Motors pagpasok niya sa lobby ay may nakita siyang pamilyar na mukha lumapit siya ng kaunti at hindi nga siya nagkamali si Karol ang kanyang nakita. Hindi nab a magiging tahimik ang buhay nila ni Luke pagkatapos ng sa malanding si Vanessa ay nagbalik naman na si Karol. Nakatitig siya kay Karol nang lumingon ito sa gawi niya ay nakita siya nito nakita niyang ngumisi ito at naglalakad na ito malapit sa kanya.
“Hi, Kaira long time no see. Siguro nasabi na sayo ng asawa mo na parte na ako ng kompanya niya… oh baka hindi?” nabasa marahil nito ang expression ng kanyang mukha. “I bought 8% share of this company to Mr. Singson… So asahan mong magkikita kami lagi ng asawa mo… oh by the way may pupuntahan pa ako sige bye and good luck na rin.”
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mistake (chapter 1)
RomanceMahal ni Kaira si Luke ginagawa niya ang lahat para maging isang mabuting asawa at ina sa kanilang anak pero bakit parang hindi iyon makita ni Luke. :(
