chapter 5

4K 99 1
                                        

“What!!!” sabi nito na parang nabuhusan ng nagyeyelo sa lamig na tubig sa pagkagulat.

“Sinong ama?” tanong nito nang matauhan

“Si Nathaniel Luke Ramirez”

“Oh my God yung lalakeng ipinipilit ng daddy mo na pakasalan mo?”

“Yes” Matipid niyang sagot.

Mabilis na inilahad ni Kaira ang buong  kwento sa matalik na kaibigan. Pagkatapos ng kanilang kwentuhan parang natuwa na rin ang kanyang kaibigan dahil gusto daw nitong maging ninang sa binyag at nagyaya pa itong pumunta sa mall at ibibili daw siya ng maternity dress.

Nasa bahay ng mga Ramirez si Kaira at ang kanyang daddy, kahit gusto niyang hindi na pumunta ay wala siyang nagawa dahil mapilit ang kanyang daddy. Habang nag-uusap ang kanyang daddy at ang mga magulang ni Luke ay nakayuko na lamang si Kaira dahil hindi niya makayang masalubong ang mga matatalim na tingin ni Luke at dahil nahihiya na rin siya sa mga pinag-uusapan ng kanilang mga magulang na tungkol daw sa kanilang pagpapakasal kahit na sa tingin niya ay hindi sangayon si Luke.

“Luke what can you say about the plan.”

“bahala na kayo mag-plano pa”

Nagpasalamat si Kaira dahil nakauwi na rin sila. Pag dating ng gabi ay walang magawa si Kaira nanatili siyang nakaupo sa swing sa kanilang garden at iniisip ang mangyayari kinabukasan na magpasukat para raw sa kanilang kasal nagtataka man si Kaira dahil sa hindi nagpapahiwatig ng pagtutol si Luke. Kinabukasan. Nanginginig man si Kaira ay pinilit niya ang kanyang sarili na pumasok sa shop ni Mickey ang baklang designer na sinabi ng mama ni Luke na pupuntahan niya, napansin ni Kaira ang itim  na BMW 760LI  sa labas ng shop may kutob si Kaira na kay Luke ang sasakyan na iyon kaya naman napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Kahit nanginginig ay pumasok na si Kaira sa shop agad siyang sinalubong ni Mickey at nakipagbeso-beso

“Hello, Honey buti naman at nakarating ka na kanina pa naghihintay ang iyong husband-to-be” sabay tingin kay Luke nakaupo at tumitingin sa isang folder na sa tingin niya ay mga sketches ng mga gown.

“pasensya ka na traffic kasi” pagdadahilan niya.

“ok lang sa akin, dun ka sa husband--to-be mo mag sorry” sabay ngiti sa kanya.

“Patay kanina pa pala siya naghihintay” nasabi ni Kaira sa isip. Hindi alam ni Kaira kung ano ang nagtulak sa kanya na lapitan si Luke natagpuan na lang niya ang kanyang sarila na nakatayo sa harap ng lalaki.

“Hi, sorry nalate ako” pagpapaumanhin niya.

“Buti naman ay nakarating ka” sabi nito sabay bigay sa folder na kanina ay tinitignan nito sabay sabing “mamili ka na”

Binuksan ni Kaira at hindi siya nagkamali mga sketches nga iyon ng gown. Nakapili na siya ng gown at sinukatan na siya ni Mickey. Nagtataka pa rin si Kaira sa agad na pagpayag ni Luke na magpakasal sa kanya.

 Hanggang sa dumating ang araw ng kasal ay hindi pa rin mapakali si Kaira. Dahil sa tingin niya makukulong siya sa pagsasama na sa umpisa palang ay mali na.

“You may now kiss the bride” sabi ng pari, hinalikan siya ni Luke ngunit sandali lamang yun. Nakita ni Kaira na humarap sa mga panauhin si Luke at ngumiti pa. Nagtataka man sa ginawi ni Luke ay pinilit niya na ring ngumiti.Hanggang sa nasa reception na ng kasal si Kaira. Nang nasa kalagitnaan na ng pagsasaya,  napansin ni Kaira na biglang nawala si Luke.

“Hija, nasaan na si Luke?” tanong ni Mr. Rodolfo Singson isa sa mga ninong nila sa kasal.

“Andyan lang po baka nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.”

Hinahanap ni Kaira si Luke nakita niya ang mama ni Luke si Donya Lucia.

“Ma nakita niyo po ba si Luke?”

“Hindi nga hija eh… hindi ba nagpaalam sa iyo?”

“Hindi po mama eh..” napayuko si Kaira dahil nahihiya saiya sa nanay ni Luke dahil parang ang dating ng pagpapakasal nila ni Luke ay dahil pinikot niya ito.

“Hija halika maglakad-lakad muna tayo may ikwekwento ako sayo.”

Ano kaya ang pagkwekwentuhan nila haha sa totoo lang nag-iisip pa lang ako basta something about kay Luke haha..

Thank you sa support  kambal ko haha Lab you much <3 J

A Beautiful Mistake (chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon