Nakita ni Kaira si Luke na nakadapa sa carpet at sa gilid nito ay ang bote ng alak.
Hindi na alam ni Luke ang gagawin niya alam niya sa sarili niya na mahal niya si Karol pero ayaw niyang baliwalain ang responsibilidad niya ngayon kay Kaira magpapakalasing siya sa araw ng kasal niya. Sa kanyang loob ay may namumuong puot sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay niya sa pagdating ni Kaira at sa pagkagulo nito.
Hindi alam ni Kaira kung ano ang uunahin ang pag asikaso sa asawa o magpalit muna. Inuna niya munang magpalit dahil hindi niya naman maaalalayan ng mabuti si Luke kung nakasuot siya ng gown, pagkatapos magpalit ay agad niyang inalalayan si Luke at inihiga sa kama. Pagkatapos niyang maayos si Luke ay nagising naman ito.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Luke
“Inaayos ka dahil nadatnan kitang nakadapa sa carpet” sagot ni Kaira.
“Sa susunod huwag mo akong pakialaman, at ayaw rin kitang katabi dito sa kuwarto” walang kagatul-gatol na sabi nito ng akmang tatayo na ito at aalis ay pinigilan niya ito.
“Ako na lang ang aalis, matulog ka na dito doon na lang ako sa guest room.” Sabi ni Kaira at mabilis na lumabas sa silid na iyon, pagkarating niya sa guest room ay doon niya na inilabas ang kanyang pinigil na luha.
Hindi alam ni Kaira kung bakit ganun ang inakto ni Luke marahil dahil lasing lamang siya naisip niya.
Mabilis na dumaan ang mga buwan at isang lingo nalang ay kabuanan na niya. Sabi ng mga kasambahay nila ay napakaganda niya pa rin daw kahit buntis. Masaya si Kaira dahil ang first baby nila ni Luke ay lalaki ngunit malungkot siya gaya na lang ng araw na iyon dahil hindi si Luke ang kasama niyang magpacheck-up kundi si Miguel.
“Kumusta na ang pinakamagandang buntis sa mundo” sabi ni Miguel na kararating pa lang.
“Ikaw talaga lagi mo na lang akong ginugulat” sabi ni Kaira.
“Magpapasama ka daw sabi ng secretary ko kanina ng tumawag ka, sorry ha nasa meeting kasi ako kanina.” Sabi ni Miguel. Sa kompanya ng mga Ramirez nagtratrabaho sina Miguel at Luke ito ang Ramirez Motors na isa sa mga kilalang nagbebenta ng mga mamahaling sasakyan dito sa Pilipinas at meron na rin sa ibang bansa. Si Luke ang president at CEO naman ang kanilang ama na si Don Roberto at si Miguel naman ay ang head ng accounting dahil ay ang kursong kinuha nito noong kolohiyo ay accountancy.
“oo, magpapasama sana ako kasi may check up ako ngayon eh” sabi ni Kaira.
“Bakit hindi si Kuya ang tinawagan mo?” tanong ni Miguel.
“Huwag na sabi niya kasi kanina marami siyang gagawin ngayon eh.” sabi ni Kaira.
“Ano ba Kaira masyado mong kinukunsinte si kuya.. Kahit pa marami siyang gagawin he should make ways para samahan ka” galit na sabi ni Miguel.
“Ok lang naman sa akin eh, hayaan nalang natin siya.”
Kakauwi lang ni Kaira kasama si Miguel galing sa kanyang check up.
“Sige uwi ka na baka marami ka pang gagawin, pasensya na sa pang iistorbo ha at thank you na rin.” Sabi ni Kaira nang maalalayan siya nito papasok sa kanilang bahay.
“Oh sige magpahinga ka na ‘wag kang masyadong magpapagod, tatawag ako dito mamaya para icheck ka mahirap na baka nagpapagod ka go straight to bed pagkatapos mong kumain” Sabi ni Miguel
“opo sir”
Kasalukuyan ng nakahiga si Kaira pero hindi siya dalawin ng antok dahil hindi pa rin umuuwi si Luke nag aalala siya para sa asawa. Tumayo si Kaira para kunin ang telepeno nang biglang sumakit ang kanyang likod at tiyan at kasunod na rin nun ng pagsakit ng iba pang bahagi ng kanyang katawan hindi niya alam ang kanyang gagawin, naramdaman niya ang mainit na likido sa kanyang paa, napaupo siya sa sahig hindi siya makagalaw sa sakit hindi niya maabot ang telepono para tawagan si Luke hanggang sa magring ang telepono pero hindi niya magawang sagutin dahil sa sakit na nararamdaman niya.
Tumatawag si Miguel sa telepenong nakatalaga sa kwarto ni Kaira pero busy ito labis ang kaba ni Miguel kaya halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan papunta sa bahay ni Kaira dahil sa sobrang kaba. Nang pagbuksan ng gwardiya ang gate agad niyang pinaarangkada ang kanyang sasakyan sa pagmamadali nagtaka ang gwardiya sa kanyang ginawi kaya ng pagbaba niya ay sinalubong siya nito.
“teka pa sir baka lasing po kayo?” tanong ng gwardiya
“hindi ako lasing, napasugod ako dahil walang sumasagot sa mga tawag ko kay Kaira” sagot ni Miguel habang ptuloy sa paglalakad patungo sa silid ni Kaira.
“baka po tulog na”
Nang buksan nila ang pinto nagulat sila sa nakita na si Kaira ay nakaupo sa sahig.
“Miguel tulungan mo ako dalhin mo ako sa ospital manganganak na ako.” agad na binuhat ni Miguel si Kaira at tinulungan din siya ng gwardiya isinakay nila si Kaira sa sasakyan upang isugod sa ospital.
NASA ospital na ang lahat at naghihintay sa paglabas ng doctor mula sa Operating room na pinagdalhan kay Kaira ngunit ang asawa ng buntis ay wala pa rin. Nakailang tawag na si Miguel pero walang sumasagot sa cellphone ng kanyang kapatid.
Galit na napamura si Miguel dahil nakailang tawag at text na siya sa kanyang kapatid pero wala siyang nareceive kahit text message man lang mula rito. Mahigit isang oras na ang nagdaan ay hindi pa rin lumalalabas mula sa pintuan ang doctor kaya labis na tensiyon ang kanilang nararamdaman. Nang biglang dumating si Luke.
“Asan si Kaira?” tanong nito
Happy new year po sa lahat J
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mistake (chapter 1)
RomanceMahal ni Kaira si Luke ginagawa niya ang lahat para maging isang mabuting asawa at ina sa kanilang anak pero bakit parang hindi iyon makita ni Luke. :(