Still
Natapos ang klase na wala ako sa sarili hindi ko namalayan na tatlo na lang kaming naroon sa loob, napakadami ng mga problema na aking iniisip ngayon pagtatalo ng aking isip at puso ang nararamdaman ko sa aking sistema. Hindi ako magtataka kung mamaya laman na ako ng mga usapan ditto sa building. Ano ba naman ang pumasok sa isip ko at sinabi ko pa ang mga bagay na iyon kay Andrew. Isang modelo at nagsisimulang gumawa ng sariling pangalan sa industriyaang sinagot-sagot ko.
"Ang daming nangyari sa araw na ito. Nakakapagod masyado." Bulong ko sa aking sarili.
Inayos ko na ang aking relos at nagsimulang maglakad palabas ng room. Napatingin ako sa aking relos at hindi ko namalayan na malapit na pala mag-alas kwatro ng hapon. Lumipad talaga ang isip ko kanina sa klase. Mukhang hindi pa kalat ang balita, tahimik pa ang paligid at payapa akong naglalakad. Narating ko ang sakayan palabas doon, naghihintay ako ng jeep na dadaan pero nakakapagtaka dahil higit sa sampung minuto na ako nakatayo dito at wala pa din na dumadaan, unti-unti na akong nakakaramdam ng pagkainip.
May humawak bigla sa aking balikat bigla akong napapitlag at marahas na binalingan ito ang madilim kong ekspresyon ay napalitan ng pagkamangha dahil si Wednesday pala ang humawak sa akin at hingal na hingal na nakatayo sa aking harapan.
"At-Ate Ge..George pasen..sya ka na .. ha...ha...kung nabigla kita." Habol hininga niyang sabi sa akin.
"Ayos lang, Bakit mo pala ako hinahabol? May maitutulong ba ako sayo?"
"Ako ang napagbilinan ni Dean Alonzo na sabihin sayo na kailangan ka niyang makausap bukas para sa ilang revision at kadagdagan sa school paper."
"I don't have any concern about that matter Day. I'm the president of the Student Council not an editor." Kunot noo kong sagot sa kanya
"But you're a writer too so I suggested to Dean Alonzo that maybe you can help us."
"I'm a writer but I don't think so that I can write either articles or catchy headlines." I chuckled at the thought.
"Ate I know you can so please? Pretty please?"
"Fine, next time let me know first okay?"
"Yes oh my god thanks a lot Ate, I owe you this one." And she flashed her sweetest smile then gave me a sweet hug. How I missed this girl.
"Tapos na klase mo Day? 4pm na. "
"Nope. May two classes pa ako but vacant ko naman Ate 5:30 pa next class ko."
"Ahhh." Naubusan ako ng isasagot sa kanya dahil masyadong nakakasilaw ang mga binibigay niyang ngiti.
"Ate George." napatingin ako sa pagtawag niyang iyon. Parehas na parehas talaga sila ng kuya niya ng mga mata. Nilulunod ka ng mga ito sa sandaling mapatingin ka. Binigyan ko siya ng isang ngiti at saka muling tumingin sa mga taong salimbayan sa paglalakad.
"Ano yon?" mahinahon kong tugon sa kanya kahit na may kutob na ako sa papatunguhan ng pag-uusap na ito.
"I miss you Ate." Pabulong niyang sambit, sapat na para ako lang ang makadinig.
Tiningnan ko siyang muli at mapait na nginitian. "Bakit naman?" pinagmamasdan ko siya habang pinagsasalikop ang kanyang mga kamay halata sa kanya ang kaba, siguro nga hindi lang ako ang tensyonado sa tagpo na ito maging siya din.
"Kelan ka ulit bibisita sa bahay? Miss ka na ni Scarlet." Malungkot niya akong tiningnan,
"Namimiss ako ng aso mong si Scarlet? Nakakatuwa naman kung ganoon sabihin mo sa kanya sa susunod na mga araw ay dadalaw ako." Nagpakawala ako ng tawa na pinagsisihan ko din sa huli dahil nabakas lang ang pagiging peke nito. Nararamdaman ko ang pagbabara sa aking lalamunan.
"I thought your relationship with him was perfect." Sinundan ko ang direksyon ng kanyang mga mata at doon ko nakita ang dalawang magkarelasyon na masayang naguusap. Ganoon ba ako kasaya kapag magkausap kami noon? Ganoon ba kasigla ang mga mata ko habang pinapanood siya? Siguro. Maari. Ganoon daw talaga kapag nagmamahal ka.
"He cheated on me Day." Walang emosyon na sinabi sa kanya.
"My Mom once told me that if you love someone, you need to accept and forgive them." Tumigil siya at nagbuntong hininga. "kahit gaano pa kasakit ang ginawa sayo."
"Not all the time Day, minsan kailangan mo din kalimutan na mahal natin sila para maramdaman nila na nagkamali sila, hindi pang-no choice ang forgiveness tandaan mo yan."
"You said you love him?" kunot noo niyang sagot sa sinabi ko.
"Yes I do. I want him back and I hate myself for feeling this way, after what happened."
"You still love him Ate?"
I looked at my wrist watched and I was a bit surprised that it's 5 in the afternoon. "Day may next class ka pa. I'll go na, may mga gagawin pa ako."
"But Ate-"
Binigyan ko siya ng isang mainit na yakap at hinalikan siya sa pisngi. "Bye Day. Behave okay? Proceed to your class Day baka malate ka pa." She nodded and turned her back and continue to walk without saying goodbye.
"Hindi ka pa din nagbabago Day, matigas pa din pala ang ulo mo." Bulong ko sa aking sarili."
Ilang buwan na din noong huli naming pag-uusap, sa isang fastfood pa iyon.
Matagal na kaming hiwalay pero hanggang ngayon pakiramdam ko kahapon lang iyon. I thought one year is enough for each of us to moved on.

BINABASA MO ANG
Unchained Love
RomanceLumaki ako na puno ng pagtatanong, paghahanap at pagpapalaya. Bawat pangyayari inaasahan ko na may sagot pero hanggang ngayon lahat ay nanatiling tanong. Maging ang pang-iiwan, pagdating at pananatili ay isang palaisipan. Pero ang pagmamahal ay hind...