Kabanata 6

36 2 0
                                    

Panaginip

Hinintay ko muna si Day na mawala sa aking paningin bago napagpasyahang sumakay sa jeep na tumigil sa harapan ko. Mabigat sa aking dibdib ang naging usapan namin ni Day pero wala naman akong magagawa para pagaanin ang loob niya dahil iyon naman ang katotohanan at maging and sarili kong nararamdaman ay hindi ko mapagaan.

Umupo ako sa pinakabukana ng jeep, pinakapaborito ko itong espasyo dahil damang dama ko ang hangin na dumadampi sa aking balat. Sinalikop ko ang aking buhok na nililipad ng napakalakas na hangin. Kumuha ako ng barya sa aking wallet para makapag-bayad na, "Makiki-abot po ng bayad, Salamat po." Ibinaling ko ang aking tingin sa bintana at dinama ang lamig na nagbabadya dahil sa pagsilip ng dilim at nakakadagdag pa ang papalapit na pasko. Naaaliw ako sa mga sasakyan na naguunahan sa kalsada, habang nakamasid ako ay napansin ko ang isang sasakyan na napakapamilyar sa akin. Di ako pwedeng magkamali kanya iyong pulang sasakyan. Inabangan ko ang likod na parte nito, at hindi nga ako nagkamali kanyang sasakyan iyon. Walang duda iyon ang plaka ng kotse niya.

Hindi na ako makapag-isip ng tama ng mga oras na ito at wala akong pakielam kung sa gitna man ng kalsada ay baba ako ng jeep.

"MANONG MANONG SANDALI PAKITIGIL PO NG JEEP BABA AKO.MANONG! MANONG" madiin at pasigaw kong sabi sa driver.

"Iha pasensya ka na pero nasa gitna tayo ng kalsada, bawal magbaba dito mahuhuli ako. Pasensya ka na ineng maghintay ka na lang na sumapit tayo sa may simbahan."

Hindi ko na iniisip ang mga tingin ng kasabay ko sa jeep, ang mahalaga ay mahabol ko siya.

"Manong, parang awa na ninyo kahit dito na ako baba basta manong pakitigil naman po. Please lang po. Importante lang po talaga. MANONG!" pabulyaw ko pa.

"Osya bilisan mo ineng mukhang emergency iyan. Naku sana naman walang makahuli sa akin dito, siya ineng baba ka na."

"Salamat po manong salamat talaga." Naglabas ako ng buong isandaang piso at ipinaabot sa katabing babae na nakatitig sa akin. "Sige manong salamat po at pasensya na."

Dali-dali akong bumaba ng jeep at hindi ko iniisip kung nasa gitna man ako ng nagsasalimbayan at nagbibilisang takbo ng mga sasakyan. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang mga bulungan ng mga pasahero sa sasakyan.

"Mga kabataan talaga sa panahon ngayon, mga walang magaw sa buhay."

"Aba ang batang iyon ata ay wala sa sarili."

"Nag-aaral pa naman sa isang kilalang unibersidad pero ganoon na lamang umakto kahihiyan siya sa institusyon."

Ipinagwalang bahala ko ang mga sinabi nila pero ewan ko ba at ang babaeng katabi ko ay nagsalita din na ikinatuwa ko. "Ang cool ni Ate."

Agad ay tumawid ako papunta sa kalye pero hindi ko pa nadadating ang dulo ay sunod sunod na busina ang nakuha ko at doon ay parang nagising ako sa aking kahibangan at katangahan. Napatigil ako sa aking kinatatayuan parang nabato ako ni hindi ko maihakbang ang aking mga paa.

"Aba miss kung balak mo magpakamatay huwag mo kaming idamay. Lumayas ka diyan."

"Tangina miss tumawid ka kung tatawid ka."

Naiiyak na talaga ako pero hindi ko alam kung anong meron sa akin at hindi ko magawang umalis sa gitna ng kalsada. Lahat ng ito nagagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Pagod na ako. Pagod na pagod na. Napalingon ako sa aking gilid dahil may mga padating na mga TMD dahil na din sa traffic na naidudulot ko. Napayuko na lang ako ng tuluyan silang makalapit. Hiyang hiya at awang awa ako sa aking sarili. Nanliliit ako. Pakiramdam ko tinatawanan na ako ng lahat ng nakakakita sa akin ngayon sa kalumos-lumos na estado ko.

"Miss, alam mo naman siguro na bawal bumaba dito? Violation iyon at isa pa nakakapagdulot ka ng traffic. Napakadelikado ng ginawa mo." Sabi saakin ngisang matabang lalake na may apelyido na "Chavez" Tumunghay ako at tiningnan siya ng diretso sa mata. Sinusubukan kong ibuka ang aking bibig para sumagot sa kanya pero hindi ko magawa. May bumabara sa aking lalamunan at nagsunod sunod na nga ang pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Doon ako nagbreak down.Naghalo halo ang mga emosyon na kanina ko pa kinikimkim, alam kong nakakahiya pero ang gusto ko na lang ay mawala ang bigat sa aking dibdib. Napaupo na ako sa aking pwesto at patuloy na humagulhol sa harapan nila.

"Miss, ayos ka lang ba? Gusto mo bang dalhin ka naming sa ospital? Mukhang wala ka sa sarili. Halika." Agaran ay umiling ako. Naramdaman ko na lang ang pagalalay niya sa akin at dahan dahan akong tinulungan tumayo at iginaya para makapaglakad patungo sa kabilang dako ng kalsada. Tuluyan na kaming nakadating doon at inalalayan niya ako maupo sa tabi ng poste sa isang kahoy na upuan. Naramdaman ko ang kanyang pag-alis, siguro babalik na doon sa pwesto niya dahil nagdulot ako ng traffic. Nakakahiya sa kanya. Hindi pa ako nakakapagpasalamat at humingi ng pasensya.

Lumipas ang ilang minute at ramdam ko na ang pagkalma ng aking katawan, hindi na ako umiiyak . Pinunasan ko ang mga luhang natuyo sa aking pisngi, inayos ko din ang buhok ko na magulong magulo dahil na din sa lakas ng hangin. Naramdaman ko na may tumabi sa akin sa upuan paglingon ko ay ang lalaki na tumulong sa akin. Hiyang hiya akong ngumiti sa kanya at siya naman ay inabutan ako ng bote ng mineral water. Napaamang ako at napahanga sa kanya, walang pag-aatubili kong kinuha ang tubig at ininom ito. Ilang sandal lamang ay nagsalita na siya.

"Miss ayos ka na ba?" sinsero niyang pagtatanong sa akin kahit na nandoon pa din ang awtoridad sa kanyang boses.

"O-opo. Pasensya na po sa komosyong nagawa ko. Salamat din po sa tu..tu...tulong at sa tubig." Sabay taas ko sa bote ng tubig na hawak hawak ko. Hiyang hiya ako kay Sir Chavez.

"Wala iyon isa iyon sa mga pangakong binitawan ko sa aking propesyon. Kung ano man ang pino-problema mo iha sana matapos na iyan dahil hindi ka makakaahon sa pagkakadapa mo kung patuloy mong iisipin na nadapa ka. Isipin mo lang laging may positibong mangyayari sa bawat negatibong pangyayari."

"Salamat po. Pasensya na po talaga."

"Sige papalampasin ko ang nangyaring ito basta hindi na mauulit labag sa batas trapiko ang ginawa mo. Aalis na ako at may trabaho pa ako. Hanggang sa muli Ms. Del Fuego."

"Napatingin ako sa aking ID dahil doon pero isinawalang bahala ko na iyon at sinuklian siya ng isang matamis na ngiti at kinawayan siya habang siya ay papaalis.

Tumayo na ako sa aking pagkakaupo, inayos ang damit at ang buhok pati na din ang aking mukha at naglakad na sa direksyon na tinahak ng sasakyan niya. Doon na lang siguro ako maghahanap ng masasakyan papunta sa bahay niya. May nabangga ako sa aking paglalakad dahil na din sa pagtungo ko, itinaas ko ang aking tingin at hindi ko inaasahan ang mukha na bumungad sa akin, isang madilim na ekspresyon an mayroon siya nagiigting na panga at mabigat na tensyon ang pinaparamdam niya sa akin. Ang lalaking nasa harapan ko ay ang laman ng aking araw-araw na panaginip, ang lalaking mahal ko si Augustus

Unchained LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon