Kabanata 9

30 2 0
                                    

I had you


Para akong binomba sa sinabi niyang iyon.

Unti-unti ay lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya hanggang sa tuluyan na akong bumitaw at pinakawalan siya umatras ako ng tatlong beses papalayo sa kanya. Biglang nahiya ako sa inakto ko kanina, wala sa lugar ang pagyakap ko sa kanya.


Pinagmasdan ko siya habang nakatalikod sa akin at pansin ko ang pagbubuga niya ng malalalim na paghinga tila ba ilang taon niyang nakalimutan gawin iyon.


Ganoon ba ako kabigat na isipin at dalahin para sa kanya?


Napansin ko ang papalapit na paglingon niya pero inunahan ko na siya at tuloy tuloy na nagsalita. "Huwag kang lilingon pakiusap."


I don't know what to feel, kakaawaan ko ba ang sarili ko o ano dahil sa mga oras na ito wala akong makapang kahit anong pakiramdam. Namanhid na ata ako sa lahat ng sakit. Akala ko ay napakatagal ng dalawpu't apat na oras pero para sa mga naganap ngayon ay kulang ang isang araw para makayanan niya lahat ng aking emosyong nararamdaman na pilit kumakawala.


Pero simula ng maghiwalay kami nawala na ang kapangyarihan kong pasunurin siya kaya heto ako nakatingin sa mga mata niyang walang kahit anong sakit na mababakas.


Pain demands to be felt pero tangina quota na ako sa buhay.


Tiningnan ko siya na parang wala isa man sa kanyang mga sinabi ang naintindihan ko. Para bang napakahirap intindihin ng mga salitang iyon para sa akin. Ganoon na ba kadali iyon sa kanya? Wala na ba sa kanya ang matagal naming pinagsamahan.


Akma niya akong hahawakan pero iniiwas ko ang mga braso ko at matalim siyang tiningnan para naman siyang natauhan at bumalik ang kanyang paningin sa puno sa harapan namin, ang saksi sa batang pag-ibig namin at patunay na minsan sa lugar na ito ay nagmahal ako.


"Hindi ko alam kung saan at paano hihingi ng tawad sayo Celestine, sa lahat ng babaeng nakilala ko ikaw ang nakapagpabago sa akin. You changed me... You help me to be the best version of myself ... You filled the absence growing in my heart ... you complete me pero heto ako sinisira ang taong nagawa akong buoin at mahalin."


Parang mga punyal sa aking puso ang kanyang bawat salita, sinasaksak ako ng talas ng mga ito. Damn! Totoo pa lang words cut deeper. Doon ko naramdaman ang pagkabasag ko, isa .. dalawa ... tatlo hangga't nagpatuloy ang pagtulo ng luha ko. Hindi ako makahinga, kinakapos ako ng hangin sa aking sistema. Mahirap. Masakit.


"Tangina ang gago ko." Sinabi niya ito at ginulo ang kanyang buhok sabay sipa sa bato sa kanyang paanan.


"Ba-bakit? Para saan ang closure Augustus?" Hindi ko na makilala pa ang boses ko habang nagsasalita.


"Simple lang naman iyon. Gusto ko ng lumaya sa lahat lahat. Gusto ko ng bitawan ang mga alaala ... ang sakit na ginawa ko sayo ... ang lahat ng bagay na nag-ugnay sa atin. I want to forget. I want my freedom back ... completely." Sinabi niya iyon na para bang matagal na niyang ninais bitawan sa akin.

Unchained LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon