Kabanata 4

41 2 0
                                    

Andrew

Pinapanood ko ang lalaking kumuha ng libro habang papalabas ito ng pintuan. Kung naging maganda lang ang aming pagtatagpo ay tunay na hahangaan ko ang kanyang pisikal na anyo. Matangos ang ilong, manipis at mapupula ang kanyang mga labi, may kaakit-akit na mga mata na kapag tinitigan mo ay parang ang daming emosyon ang gustong iparating, ang kanyang perpektong mga panga ay tila ba makakapag-ibig sayo ng walang pagaalinlangan. "Ang lalaki pa ba ang tinutukoy ko o ang lalaking mahal ko?" napabuntong hininga na lamang ako sa aking nasambit sa sarili.

Naputol ang aking pagiisip dahil sa isang tawag, matagal-tagal na din noong huli kaming nag-usap kaya napagpasyahan ko na itong sagutin pagkatapos ng tatlong beses na pagtunog nito.

"Why?"

"How are you?" gamit ang isang napakalamig na boses, buong buo masarap pakinggan.

"I'm perfectly fine." Paismid na sagot ko sa kanya.

"But you don't sound like one."

"Why did you call ba?"

"I'm checking on you, if you're still breathing ba?" and I'm sure he's smirking at the moment. jerk

"Get lost Miguel, will you?"

"Where's your manners young lady? I'm still eight months older than you."

"O'cmon shut up Migue-"

"Kuya. It's Kuya you brat."

"Fine. So ano ba ang pakay mo Kuya?" stressing the word Kuya.

"Did you get your allowance from Dad?"

"You know, it won't happen, never." And I feel myself rolling my eyes 360 degree

"Princess, stop being stubborn, I know you really need money so why not try to accept the money? He's our dad." I heard him laughing at the other line. JERK

"Yes, he's our dad ... ohhh but never a father to me. Sayo ba Miguel? Is he a father to you?"

"Celestine watch your words he's still our father." May inis at diin na pagkakasabi nito.

"So..sorry."

Parehas na paghinga lamang ang madidinig sa bawat linya ng aming telepono. Hindi ko alam kung sapat nab a ang sorry o may iba pa akong sasabihin.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Celestine, alam mo naman na kapatid kita kahit ano ang isipin ng iba kaya sana naman pagbigyan mo din naman ang sarili mo na mapalapit sa amin. Mahal ka ni Daddy."

Hindi ko na pinansin ang mga sinabi ni Kuya dahil alam kong hindi ko na naman mapipigilan ang sarili ko na sabihin ang mga hinanakit ko sa buhay. Hinanakit k okay Dad. "Goodbye Migs, I need to run some errands so I'll hang up na. Iloveyou. Take Care" paglalambing ko sa kanya.

"I love you to princess, take care of yourself okay?"

"I will. Send my I love you's kina Kuya, Bye"

Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya at dali daling pinutol ang tawag, ayaw ko sanang sagutin ang mga tawag nila ni kuya pero alam ko naman na iyon na ang kaligayahan nila ang makausap ang nagiisang kapatid nilang babae. Alam kong mali na ilayo ang sarili ko sakanila pero ito lang ang paraan na alam kong makakapagpabuti sa aming lahat.

Nagsakay ako pabalik sa aking sunod na klase wala pang labinlimang minuto ay nadating ko na ang building ko habang naglalakad ako papunta sa room ko ay panaka-naka akong nagmamasid sa mga tao sa lobby at nakasanayan ko na ang pagngiti pabalik sa mga tao, nakagawian ko na ito tila ba kulang ang araw ko kapag walang mga ganitong kaaganapan. May lumapit sa akin na babae at tumigil naman ako sa paglalakad."Ate George pwede po ba ako magpatulong sa inyo sa aking research, nakakahiya man po pero wala na po kasi akong malapitan?" nakayuko niyang sinasabi sa akin."Oo naman, bukas alas-tres ng hapon magkita tayo sa may library, sige maunana ako may klase pa ako." Sabay ngiti ko sa kanya. "Talaga po? Sige po salamat po talaga Ate ganda." Nakakagaan ng loob kapag ganoon lalo na kapag pupurihin ka pa. Natatawa na lang ako sa aking mga sinasabi. Nagmamadali na ako patungo sa klase ko at pasasalamat na wala pa ang prof namin at katulad noon pinili ko ang pwesto na malapit sa bintana, malayo sa magugulo kong kaklase. Inilabas ko ang aking calligraphy pen at sketch pad para may pagka-abalahan ako habang wala pang klase.

May nadinig akong mga yabag papalapit sa akin ng lumingon ako ay si Andrew pala. Andrew Fortalejo. Masugid kong manliligaw first year college pa lang. Kunot noo ko siyang tinitigan kahit na halos mapunit ang kanyang labi sa pagngiti.

"Hi George. Alam kong malungkot ka, baka gusto mo na tulungan kita na muling sumaya? Kaya kong ibalik ang dating mga ngiti at kislap sa iyong mga mata kung pagbibigyan mo ako." Mayabang niyang pagkakasabi sa akin.

"Ilang taon na ba kitang tinanggihan Andrew? Hindi ka pa ba nagsasawa sa paghindi ko palagi sayo? Dahil ako ang napapagod na tumanggi palagi sayo. Tanging pagkakaibigan lamang ang kaya kong ibigay sayo, wala ng mas higit pa doon."

"Georgy baby, alam mo naman na ang pagmamahal ko sayo ay parang pag-agos ng tubig galing ilog papunta sa dagat. Walang tigil at nagpapatuloy."

"Hindi na maganda ang simula ng araw ko, so please shut up and leave me alone. I don't have time for your shits. Stop messing with me."

"What? shits? What the .. You called it shits? George Im inlove with you for so long and everytime na may chance ako I show it to you, hindi lang sa salita pa din sa gawa. I invested so much in you then you're telling me to stop and leave you alone? Fuck." Pagalit niyang sabi sa akin at eto nga unti-unti na kaming nakakakuha ng atensyon. Paano ba naman isang Fortalejo ang lalaking ito.

Hindi na din ako nakapagtimpi at sinagot ko siya pabalik kahit na wala akong plano na pansinin pa siya pagkatapos sabihin iyon. "How dare you Andrew? Did I asked you to invest something for me? Did I asked for your sweet words and gestures? For the record Andrew you did all those things for yourself, for your goddamn ego. Why? Because you want me to be one of your collections?. I'm not like those girls Andrew, matino akong babae at hindi ko papatulan ang pustahan ninyo ng mga barkada mo. Asshole." Pabulyaw kong sagot. Pakiramdam ko ang daming ugat na mapuputol sa akin.

"No-no George. It's not what you think George, Fuck ano ba itong nagawa ko. Tangina." ginulo gulo pa niya ang kanyang buhok.

"Get out of my face Andrew. Please" malalim ang bawat hingi na pinapakawalan ko.

Pilit niyang inaabot ang aking kanang kamay pero maagap ang mga kaklase ko at inilayo siya sa akin. "Sorry George, hear me out please?"

"Kami na bahala dito George."

"Sagot ka namin dude." Dinig kong sabi nina Allen at Carl.

Iniiwas ko na lang ang aking tingin at hindi sinasadyang nahagip ng paningin ko ang lalaki kanina sa bookstore. Anong ginagawa niya dito? Nagaaral din ba siya dito? Anong kurso niya kung ganoon?

Nahuli niya akong nakatingin at mas ikinapula pa ng aking mukha ang ginawa niya. Ang angas, talagang nagawa pa niyang ikaway ang librong hawak-hawak niya at pagtaasan ako ng kilay.

"Gago." Bulong ko sa sarili ko.

Unchained LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon