Closure
Walang pinagbago ang kabuuan ng mansyon ang dating ayos ng mga kagamitan ay ganoon pa din. Ang mga dekorasyon na nakapalamuti sa tanggapan ay nanatiling ganoon, walang kahit anong nadagdag o nabawas man.
Naupo ako sa sofa na nakaharap sa direksyon patungo sa ikalawang palapag ng mansion. Nakadagdag elegante sa bahay ang kurtina na puti at itim na tema na binagayan naman ang napakagandang chandelier sa ceiling.
Napatingin ako sa west wing ng mansion at umagaw sa aking pansin ang napakalaking mga portrait na nakalagay sa dingding ng bawat miyembro ng kanilang pamilya. Napako ang tingin ko sa portrait ni Augustus, napakaseryoso niya doon. Misteryoso ang tamang idepina sa kanya, nagsusumigaw ng karangyaan at kapangyarihan ang portrait na iyon. Nilipat ko ang aking tingin sa lalaking pababa ng hagdanan, napakapino ng kanyang galaw at kilos para sa isang lalaki.
Tumingin siya sa akin at ipinagpatuloy ang kanyang pagbaba, hanggang sa makalapit siya ay itinuon ko ang atensyon ko sa napakagandang kopita na nasa may mini bar nila kumikinang ito sa palamuti. Biglang tumikhim si Augustus na nasa aking tabihan na pala.
"Hey, here's the towel. You're soaking wet baka magkasakit ka pa. Ipagtitimpla lang kita ng hot choco para mainitan ang sikmura mo pagkatapos mo mag-shower." Tuloy-tuloy na pagsasalita niya habang hindi makatingin sa akin ng diretso.
"May problema ba? Namumula ka. Hindi ka naman nabasa para magkasakit agad." nalilitong pagtatanong ko sa kanya.
"Don't mind me. You go upstairs Celestine the second room to the left the white door. Kumpleto na lahat doon may spare clothes and disposable stuffs na. Take a quick bath, huwag ka ng gumamit ng tub baka makatulog ka pa."
Ibinalabal ko sa aking balikat ang towel at tinanguan siya. Naglakad ako papuntang hagdanan, mababagal ang bawat hakbang na ginawa ko tila ba inaaliw ko ang aking sarili sa maliit na bagay na ginagawa ko pero matapos ang ilang hakbang ay nagsimula na akong kabahan at masaktan.
Dinagsa ako ng iba't ibang alaala namin noong kami pang dalawa, akala ko tapos ko ng iluha lahat sa labas kanina pero mukhang mali ako. Tumingin ako sa ceiling at pilit pinigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Nakadating na ako sa second floor ng mansion at eto na naman ang puso ko parang binibiyak sa sakit, tinatambol sa bilis ng tibok at tumakbo ng napakalayo dahil sa kakapusan ko sa paghinga.
Pakiramdam ko parang pinapatay ako unti-unti ng mga alaalang bumubuhay sa akin. Tama pala na ang mga bagay na mahalaga ang siyang mananakit sa atin. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sobrang sikip ng pakiramdam ko, hindi ako makahinga nanlalabo na ang aking tingin dahil sa mga luha ko. Napahawak na din ako sa pader dahil parang mawawalan ako ng balanse ilang minuto na lang.
"Na-nasa..nasa" tanging iyak lamang at hikbi ang nagagawa ko hindi ko magawang matapos ang isang salita dahil sa hirap ng sitwasyon ko. Pinahid ko ang aking mga luha at nagpatuloy sa pagbaybay sa napakahabang pasilyo ng lugar.
"Wa-wa..wala-wal..walanghi...hi..hi-hiya na-nama..naman.. nasa-nasa..nasaan na ba ang ... ang kwarto .. na-na ..i-iyon?"
"Pati ba na..nam-naman i-i..iyon ay papahirapa-pan ako." napahagulhol na lang ako at napasandal sa pader.
Hindi ko mapiligilan ang aking sarili. The memories of us makes this whole damn situation complicated, more complicated in what I expected. Fuck myself for being a cry baby.
George you're only good at crying. If the situation gets more complicated you will just lock yourself the whole time and cry. When will I learn to be strong and not a weakling pathetic desperate girl chasing her ex in the middle of the road?I'm silently crying and scolding myself for all the stupidity that I have done and how stupid I am for doing so when I heard some footsteps heading this way. Im sure it's Augustus so I hurriedly stand and find the guess room and shit the room is just in front of me. Wow I need a perfect praises from people because of my nonsense dramatic outburst earlier.
BINABASA MO ANG
Unchained Love
RomansaLumaki ako na puno ng pagtatanong, paghahanap at pagpapalaya. Bawat pangyayari inaasahan ko na may sagot pero hanggang ngayon lahat ay nanatiling tanong. Maging ang pang-iiwan, pagdating at pananatili ay isang palaisipan. Pero ang pagmamahal ay hind...