Model
Lumapit ako sa aking kama at nahiga, doon ako tulalang tumingin sa puting kisame habang iniisip kung ano ba talaga ang totoong tumatakbo sa isip ni Augustus. Komplikado siyang mag-isip, malayo sa karaniwang paghinuha ng isang tao. Muli ay binasa ko ang text niya.
"Hindi ko gustong saktan ka. I hope you'll understand Celestine. I'm Sorry and Goodbye." I mouthed.
"Ang gulo mo Gust. Bibitaw ba ako o ano? Hihingi ng closure tapos gumaganito ang gago, gulo masyado."
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nakakapanibago na kahit may mensaheng ganoon sa kanya si Augustus ay hindi siya umiyak o nakaramdam man lang ng sakit at panghihinayang. Kaba lang sa pagbubukas ang nadama nya dala ng anxiety.
"Anong gusto mong sabihin ko Art? Na nagbabahay-bahayan lang tayo kaya nandito ako sa condo mo? Tangina Art hindi kahapon pinanganak ang bestfriend ko." Pabulyaw na turan ng babae.
Dahan dahang lumapit ang lalaki sa babae at mahigpit na hinawakan ang balikat ng babae kaya hindi naiwasan nito na mapaigik sa sakit. "A-ano ba Art nasa...nasasaktan ako." Pilit inaalis ng babae ang kamay nito pero lalo itong nagpalingas sa nagbabagang galit ng lalaki kaya humigpit pa ang hawak nito.
"I told you to shut your mouth, but what you did earlier was bullshit. I told my sister that WE.WILL.TALK not you two, you made everything worst." May diin ang bawat salitang binitiwan niya na nagpakabog sa dibdib ng dalaga.
"Maybe if I am Lualhati you'll not dare to talk and shout at me like that."
Naramdaman ng binata ang panlalamig nito kaya bigla siyang napabitaw at tinalikuran ang babae.
Para namang nauupos na kandila ang babae kaya dali-dali niyang tinungo ang pinto at umiiyak na umalis.
Nagising si George sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto kaya minadali niya ang pagbangon. Hindi pa siya nakakatayo sa kama ng tuluyan ay bumukas na ang pinto. Tumambad sa kanya ang seryosong mukha ng kapatid niya at nagtataka siyang tumingin pabalik dito.
Nilingon ko ang likuran niya. "Why are you alone? Where is Alena? Anong oras na nga pala Kuya?" Naglakad kami palabas ng kwarto at palinga-linga kong inilibot ang ang paningin sa sala pero wala ang babaeng iyon.
Nilingon ko siya at masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.
"Hey Kuya I'm just asking where is my bestfriend and out of the blue you'll look at me like you want to wreck my neck. What's going on" I rolled my eyes and smirk at him.
"She left after you two talk. 11am pa lang, wala ka bang klase? Pwede kita ihatid sa LB. May dadaanan din ako sa may Sta. Rosa"
"Wala free cut ako ngayon but I need to go to school kaya thanks." Diretso akong nagpunta sa kusina at naupo doon.
"Your bestfriend left-" I interrupted him and shook my head.
"You shouted at her, am I right? Babae pa din siya. Treat her better." Kinain ko ang mga inorder na pagkain sa Mcdo.
"Initial reaction ko 'yon, daldal eh."
Dito ata ako mana tipid magsalita.
"But you love hearing her dirty talks lalo na last night?" Nginisian ko siya at kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya.
"Oops did I step on the land mine?" Humagalpak ako ng tawa kaya naman hindi na maipinta ang mukha niya.
"Masaya ka ha? Bakit dahil hindi na kayo magkakabalikan ng gago mong ex?" He plastered his unfamous smirk kaya nagngitngit ako sa inis.
BINABASA MO ANG
Unchained Love
RomanceLumaki ako na puno ng pagtatanong, paghahanap at pagpapalaya. Bawat pangyayari inaasahan ko na may sagot pero hanggang ngayon lahat ay nanatiling tanong. Maging ang pang-iiwan, pagdating at pananatili ay isang palaisipan. Pero ang pagmamahal ay hind...