Romantic
Nakahalumbaba akong pinapanood ang mga kapwa ko iskolar dito sa main library na masayang nakikipag-usap sa kanilang mga friends o kaya mga boyfriend.
Dapat pinagbabawalan ang mga ganitong tagpo sa library eh. Nakakawalang gana kaya magaral kapag may mga naglalampungan sa harapan mo o kaya naman sa gilid. Imumungkahi ko nga kay bestfriend na sabihan ang mga guard dito na hindi lang yung mga walang ID ang hulihin pati na din yung mga haliparot na mga iskolar.
Ang sakit sakit ng mata ko, kundangan ba naman na umiyak ako buong afternoon kahapon. Iyakan session ang nagawa ko imbis na magreview sa quiz ko later sa English Literature. Napatingin naman ako sa babaeng nasa harapan ko na sobrang abala sa pagta-type sa laptop niya or I must say sa macbook niya ng kung anu-ano.
Bakit kaya hindi ito nawawalan ng mga gawain? Kung ako siguro ang president ng Student Government matagal na akong sumuko at naglupagi.
Patuloy ko siyang pinagmamasdan habang pinupuri ang lahat sa kanya.
Sobrang ganda nitong babaeng ito pero nasaktan pa din. Wala talagang pinipili ang mga lalaking peste nang babaeng sasaktan. Kaya dapat maging okay lang ako. Haller, ang magaganda nga nasasaktan at iniiwan eh ako pa kayang sobrang maganda ang hindi umiyak.
Napapabuntong hininga na lamang ako sa mga naiisip ko at natatawang mag-isa ng napasigaw ako sa sobrang sakit ng binti ko. "FUCK." Masama kong tiningnan si George na nakatingin na pala sa akin habang nakataas ang kilay. Hinimas ko ang binti ko habang nahihiyang nilingon ang mga tao sa library na may mga nakakamatay na tingin.
"Bakit mo naman ako sinipa?" Pabulong pero may diin kong pagtatanong kay George.
"Tinititigan mo ako habang may mala-demonyong ngiti dyan sa labi mo. You are freaking me out. Hindi ako ganyan noong iniwan ako ni Augustus." Nakakunot at dire-diretso niyang sabi.
Bastos talaga bibig nito eh, maldita at bruha talaga. Sus! Saan pa ba mamana sa kapatid niyang gago at haliparot pero malibog. Bwisit. Pero syempre loves ko ito.
"Mapanakit palagi ang mga salita mo ano? Nasaktan lang ako kagabi bes konting harsh lang naman sa akin ngayon. Maawa ka naman." Natatawa kong sabi habang tinataas baba ang kilay ko.
"Nasasaktan ka din naman ngayon. What's the difference kung dagdadagan ko pa yung sakit?" Nakangisi niyang sabi.
"Aish. Bitch" nakanguso kong bulong sa kanya.
"Feel the pain Alena Katniss nasabihan na kita noon na wag ang kapatid ko pero nakinig ka ba? Syempre hindi kaya nga nasasaktan ka diba. Pero now you've witnessed how cruel and jerk Kuya Art is sana naman isipin mo ng ilang ulit kung tatanggapin mo agad ang sorry ng kapatid ko." Tumango na lamang ako at isinarado ang libro ko at pilit itinatabi ang macbook ni George.
"Alena may ginagawa ako will you stop?"
"Ano ba kasi iyan at mukhang sobrang pinagkakaabalahan mo?" halata sa boses ko ang sobrang kuryosidad kaya naman napapagod siyang tumango at isinarado ang laptop at hinarap ako.
"Wednesday asked me to help the school newspaper. I had no choice kawawa naman yung bata kailangan daw matapos ang drafts ng mga articles para masimulan na ang publishing."
"Siguro pumayag ka dahil kapatid yon ng ex mo ano?" Tinitignan ko siya ng may mapanuring mata pero nakakapanibago na wala akong makita sa kanyang kakaiba.
"That's nonsense Alena anong logic ba yan? You think ganon ako ka-pathetic at desperate huh?"
Kakamot-kamot akong tumango sa kanya. Nanlisik ang mata niya at hamba akong hahampasin ng laptop niya.
BINABASA MO ANG
Unchained Love
RomansaLumaki ako na puno ng pagtatanong, paghahanap at pagpapalaya. Bawat pangyayari inaasahan ko na may sagot pero hanggang ngayon lahat ay nanatiling tanong. Maging ang pang-iiwan, pagdating at pananatili ay isang palaisipan. Pero ang pagmamahal ay hind...