~Xyrene's POV~
"Kuya Grae, totoo ba?" Nadinig kong tanong ni Sei kay Grae. Nasa HQ pa din kaming walo at lahat kami nasa sala pero malayo ako sa kanila dahil may iniisip ako.
"Totoo ang alin, Sei?" Nadinig kong tanong din ni Grae.
"Totoo ba na may girlfriend ka na?" Si Jamil ang nagtuloy ng tanong.
"Ah... Oo. Meron na. Papakilala ko sya sa inyo kapag nakalipat na sya dito next week." Halatang masaya na sabi ni Grae.
"Hala?! Paano na si Ate Xy?!" Gulat na tanong ni Sei at di na yata naisip ang sinabi.
"Oo nga Kuya Grae?!" Dagdag pa ni Jamil.
"I'm sure mas bagay kayo ni Ate Xy kesa nung girlfriend moooo!" Sigaw naman ni Eris.
"Mas boto ako kay Ate Xy." Simpleng sabi ni Stephen.
"Me too." Gatong ni Rupert.
"Me three." Sabi naman ni Silver.
"We like Ate Xy for youuuuu!!!" Sigaw ni Eris. Nilabas ko ang baril ko na nakatago sa ilalim ng skirt ko at kinasa iyon. Mukhang kahit sa kabila ng ingay nila, nadinig nila ang kasa ng baril dahil unti-unti silang humarap sakin.
"PWEDE BA?! MANAHIMIK NGA KAYONG LAHAT! DI NYO BA NAKIKITA NA MAY INIISIP AKO DITO?! PABAYAAN NYO SI GRAE KUNG MAY GIRLFRIEND SYA! BAKIT NYO IDADAMAY ANG MAGANDA KONG PANGALAN DYAN?! DI BA KAYO MAKAPAG-USAP NG TAHIMIK?! KUNG HINDI, LUMAYAS KAYONG LAHAT DITO SA HQ!!" Naiinis kong sigaw. Lahat sila ay napayuko ultimo ang dalawa kong kapatid at si Grae.
Marahas akong napabuntong hininga. Hinawakan ko ang bridge ng ilong ko tanda na nagpipigil ako ng galit ko.
"Lumayas kayong lahat sa harapan ko." Nakapikit kong sabi. Alam kong walang kumikilos sa kanila kaya tinapat ko sa kanila yung baril na hawak ko.
"PAGBILANG KO NG TATLO AT NANDYAN PA DIN KAYO, IPUPUTOK KO SA INYO ITONG BARIL NA ITO! ISA! DALAWA!" Bago ko pa matapos ang pagbibilang ko, agad na silang lumabas ng HQ pero naiwan ang dalawa kong kapatid.
"Sya nanaman ba ang iniisip mo?" Tanong ni Jamil sa akin.
"Masyado nya ng sinasaktan ang bestfriend ko. Gustong-gusto ko ng sumugod sa kuta nila pero di pwede dahil magiging Mafia boss na ako at ang bestfriend ko nasa kamay ng mga walanghiyang gangster." Nanggagalaiti kong sambit.
"Edi sumugod ka na ngayon palang. Hangga't hindi ka pa naitatalagang new queen... Puntahan mo na ang kaibigan mo. Tsaka isa pa... hangga't di ka pa naitatalagang queen, gangster ka pa din kaya malaya ka pang makakapasok sa kuta nila." Sabi ni Sei sa akin habang hinahaplos ang likod ko. Biglang nalinawan ang pag-iisip ko. Oo nga, maililigtas ko pa sya. Hintayin mo lang ako. Alam kong makakaya mo pang maghintay kahit saglit, Naomi.
~Grae's POV~
["Babe, nakapag-enroll na ako dyan sa school nyo. Next week na ako papasok."] Sabi sa akin ng girlfriend ko.
["Okay babe, we'll wait you here."] Sabi ko sa kanya.
[" 'We'?"] Nagtatakang tanong nya.
["Yep! 'We' ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."] Sagot ko sakanya.
["Talaga babe?! OMG! Can't wait to meet them!"] Masayang sabi nya.
["Haha. Yeah. See yah. Love you babe."] Pamamaalam ko sa kanya.
["Bye! Love you too babe."] Huling sagot nya sakin bago nya ibaba ang telepono nya.
Paniguradong makakasundo nila ang girlfriend ko kapag na-meet nila ito.
"Kuya Grae, alam mo ba kung bakit biglang nagalit sa atin si Ate Xy kanina?" Tanong ni Eris sa akin.
"Siguradong may iniisip talaga yun. Ganun yun kapag sobrang frustrated na sya sa iniisip nya tapos sasabayan pa ng ingay." Nakangiting sabi ko naman sa kanila.
"Sana may maitulong tayo sa kanya." Dagdag pa ni Eris.
"Di ko kailangan ang tulong ninyo." Malamig na sabi ng boses mula sa likod namin.
"A-ate X-xy!" Nanginginig na banggit ni Eris sa pangalan nya.
"Mauuna na ako. Wag nyo kong susundan o hahanapin." Sabi nya at nilagpasan na nya kami. May sinasarili ka nanaman bang problema Joshane?
~Her POV~
"Please kuya, nagmamakaawa ako sa inyo... Pakawalan nyo na ako dito." Pagmamaka awa ko sa mga gangster dito. Dapat sinusunod ko lahat ng paalala nya sakin. Dapat hindi ako naging pasaway at nakinig sa kanya. Shane, naghihintay lang ako sayo. Alam kong dadating ka at ililigtas ako dito.
Biglang may humila sa akin patayo at sinimulan nanaman akong bugbugin. Shane, alam kong dadating ka.
Malapit na akong takasan ng ulirat ng marinig kong marahas na bumukas ang pinto at dun ko nakita ang hinihintay ko.
"Dumating ka. Dumating ka talaga." Sabi ko at bigla nalang nandilim ang paligid ko.
~Xyrene's POV~
Nagmadali akong makapunta sa kuta ng mga gangster na kumuha sa kaibigan ko at marahas kong sinipa ang pinto kaya nasira ito.
Nakita ko sya na duguan at walang malay sa isang tabi.
"ANONG GINAWA NYO SA KANYA?!" galit na galit kong sigaw at hinugot ang baril ko at isa-isa silang pinaputukan. Wala akong pake kung mapatay ko man sila. Sa mundo ko, normal lang ang pagpatay. Ngayon lang ako makakapatay pero wala akong pake dahil ito na ang kinagisnan kong mundo.
Matapos ko silang mapatay lahat, agad akong lumapit sa kaibigan ko at nilagay sya sa hita ko at tinapik tapik ang mukha nya.
"Naomi... Dumating ako. Sabi ko sayo di kita pababayaan diba? Gumising ka nga dyan!" Parang tanga kong sigaw sa walang malay kong kaibigan.
"Para akong engot... Kinakausap ang walang malay." Sabi ko at binuhat si Naomi para madala ko sya sa ospital.
Naomi naman kasi eh! Sinabi nang kailangan nyang matutong lumaban para sa sarili nya pero di nakinig. Ano bang gagawin ko sayong babae ka!
BINABASA MO ANG
The Next Heiress (TAIAMB 2) [COMPLETED]
ActionThat Artist Is A Mafia Boss book 2. Read the book 1 first dahil baka may malito kapag ito ang unang binasa. Read and explore the story of the Mafia Heiress.