~Mhira's POV~
---Minatorizawa's Assasination---
May mission na ibinigay ang organisasyon sa amin ni Eros. At yun ay ang patayin ang mag-asawang Minatorizawa dahil sa pagdidistribute nila ng droga sa ilang parte ng bansa at woman trafficking. Ang order sa amin ay patayin ang lahat ng myembro ng pamilya nila pero naawa kami sa nag-iisa nilang anak na babae na naging kaibigan na din namin ng kambal ko. Pareho kaming 18 palang ni Eros at ito na rin ang magsisilbing training namin dahil oras na ipasa sa amin ang organisasyon, kakailanganin din naming pumatay
"Sa tingin mo ba mapapatawad tayo ni Shimizuu?" Nag-aalinlangang tanong ni Eros sa akin.
"Siguro naman maiintindihan nya kung bakit natin gagawin sa mga magulang nya ito." Sabi ko naman kay Eros.
"Tara na... Wala na tayong magagawa dahil nakatadhana na ang lahat na mangyari. This is an order from the higher level. An order is an order and we need to obey them." Sabi ni Eros at tahimik naming pinasok ang bahay ng mga Minatorizawa.
Sa pagpasok namin, agad kaming naghiwalay ni Eros para mas mapabilis ang trabaho namin.
Nasa kusina ako ng bahay ng iwasiwas ko ang katana ko para patayin ang mga taong masasalubong ko... Pumasok ako sa maid's quarters at binigyan ang sampung katulong ng tig-iisang mabilis na saksak sa dibdib nila at agad na nagtungo sa kambal ko.
"Ice, clear na. Yung mag-asawa nalang ang natitira." Sabi ni Fire sa akin at agad kaming nagtungo sa kwarto ng mag-asawang Minatorizawa para mapatay na sila at makaalis na agad kami dahil baka may mga makakita pa.
Nang marating namin ang kwarto, nilabas na agad namin ang baril namin na may silencer at itinutok ito sa mga ulo nila at agad na pinutok na naging sanhi ng pagkamatay nila. Di lang dun natapos iyon dahil nilaslas din namin ang leeg nila at hiniwa ang tyan nila sanhi upang lumabas ang bituka nila.
Paalis na sana kami ng mapahinto sa isang tili... Tili ng pighati...
"MOM! DAD! NOOOOOO! NO! DON'T LEAVE ME! PLEASE OPEN YOUR EYES! I BEG YOU! PLEASE MOM! DAD! DON'T LEAVE ME! D-DON'T LEAVE ME HEREEEE!" sigaw nya at alam naming si Shimizuu ito.
"Come on, Fire. The damage has been done. We have nothing to do here anymore so let's go." Sabi ko at bago kami makaalis ng kambal ko... Eto ang mga huling salita na binitawan nya.
"Just wait and I'll hunt you two down. I'll don't stop until I make you pay for what you'd done. Mark my words, whoever you two are." Yun ang huling binitawan nyang mga salita at tuluyan na kaming umalis ni Eros. We're very sorry Shimizuu.
Pagkadating namin ng bahay, naging tahimik kami ng kambal ko at naging balisa ng ilang linggo. Hindi namin gagawin ang bagay na yun kung walang ginawang mali ang mga magulang nya. The fault is theirs, not mine. Pero kahit na ganun, hindi namin kayang maatim na harapin si Shimizuu matapos ang mangyari kaya lumipat kami ng kambal ko ng ibang school para mabawasan ang konsensya namin.
At lumipas ang mga taon at nalimutan na naming nagkaroon kami ng kaibigang nagngangalang Shimizuu Minatorizawa
At makalipas ang ilang taon, nakilala namin si Carmela Christine Corrine Forester... Si Shimizuu na nagtago sa katauhang ito.
BINABASA MO ANG
The Next Heiress (TAIAMB 2) [COMPLETED]
ActionThat Artist Is A Mafia Boss book 2. Read the book 1 first dahil baka may malito kapag ito ang unang binasa. Read and explore the story of the Mafia Heiress.