Chapter 26: Last Part

1.9K 33 7
                                    

a/n: This chapter is dedicated to ShiaGrande sissy, fighting! Be strong! Saranghaeeee! Enjoy reading~




~Xyrene's POV~


Nang masiguro nang maayos ang kalagayan ni Jamil at Sei, agad akong nagpatawag ng meeting sa hide out dahil magpaplano na kaming sumugod sa hide out ng Hunter's Crown. Ang mafia group ni Mark Liu at Shimizuu Minatorizawa na sya namang mga magulang ni Krystal Liu.



"Xy, why did you call a meeting?" Bungad na tanong sa akin ni Shia. Seryoso sya ngayon marahil dahil sa nangyari sa dalawa kong kapatid.


"Pagpaplanuhan natin ang gagawing pagsugod sa hide out ni Liu. Shia and Tori, ihanda nyo ang mga kakailanganing bombs, poison and antidote. Stephen and Grae, hack their database and gather as many data as you can. Silver, Rupert and Sakura, bantayan nyo ang mga kilos ni Krystal Liu at nung buong grupo nya at wag nyong hahayaan na mawala sila sa paningin nyo. Sa makalawa tayo susugod sa hide out nila,, kailangan nilang magbayad sa ginawa nila sa mga kapatid ko. Meeting adjourned​." Agaran kong sabi at inilabas ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Angelica.





Nakaka ilang ring palang ng sagutin ni Angelica ang tawag, isa sa mafia reaper ng Blood Death at ally ng mafia.




"Angelica, tell your mens and the other reaper to get theirselves ready. Get the strongest one from the reapers and train them as much as possible. Susugurin na natin ang hide out ng Hunter's Crown sa makalawa. The other reapers may target their other hide outs. Ako and the rest of the members are going to attack tye main hide out. Relay my message to everyone." Sabi ko at binaba ko na ang tawag.




Let's end this now, Krystal Liu.



_______________________________

The day is already here. Ngayon na ang oras na sasalakayin namin ang main hide out ng kalaban. Nilagay ko ang ear piece sa tenga ko para magkaroon ako ng komunikasyon sa ibang mga myembro at reapers.




"Queen Luci, everything is set at our side. Our fellow reapers are on standby now waiting for the 'go' signal." Nadinig kong sabi ni Angelica.



"Good. Guys get ready to attack. Naomi and Rupert, how's the CCTV cameras?" Tanong ko kay Naomi at Rupert.



"We already hacked their CCTV cam, Queen Luci." Dinig kong sabi ni Naomi kaya tumango tango ako.



"Standby," sabi ko at bumilang ng ilang sandali bago nagbigay ng signal.


"Now." Sabi ko at maingat pero mabilis akong sumampa sa bakod ng gusali. May kataasan ito pero walang hirap ko lang itong tinawid.




Pagkababa ko sa bakod, may limang lalaki na agad na sumugod sa akin kaya pinaputukan ko sila ng baril. Walang mintis ang pagtira ko kaya tig iisang bala lang sila kaya limang bala lang ang nagamit ko.





"Shia, follow me." Sabi ko kay Shia na kasama ko at dapat ay hihiwalay sa akin ngayon ngayon lang. May silencer ang baril namin kaya hindi madidinig sa loob ang puntukan ng baril.



Pumasok kami ni Shia sa loob ng gusali at pinaputukan ng baril ang lahat ng makikita namin at hunaharang sa daan namin. Masyado silang marami dito sa baba kaya naubusan ako ng bala kaya naman ginamit ko na ang twin katana ko at pinagsasaksak ang mga lumalapit sa akin straight to their heart. Ilang minuto pa ang ginugol namin bago namin naubos ang mga kalaban sa unang palapag ng gusali.



Matapos namin kalabanin ang mga nasa unang palapag, agad kaming dumiretso sa ikalawang palapag at ganun nalang ang pagtataka ko ng madami ding kalaban ang nandito. Para bang inaasahan nilang susugod kami. Hindi ko nalang pinansin yun at nilabanan nalang ang mga sumusugod sa akin. Nilaslas ko ang leeg nung isang kalaban at tumalon ako at bumagsak sa likod ng susugod sanang kalaban sa akin at agad agad ko syang sinaksak. Napatingin ako sa gawi ni Shia at napansing may sasaksak sa kanya mula sa likod nya kaya kumuha ako ng kunai at binato ito sa lalaking sasaksak sana kay Shia. Natamaan ito sa vital part nya sa leeg kaya agad itong bumagsak.





Natapos agad namin ang laban namin dito sa ikalawang palapag kaya pumunta na kami sa ikatlong palapag, ngunit pagkadating namin doon at ganun nalang ang pagtataka namin ng walang sumalubong na mga kalaban sa amin. Parang pinapapasok pa kami. Eto yung palapag kung saan naroon ang kwartong kinalalagian ni Krystal kaya bakit walang mga bantay dito? Pero imbes na problemahin pa namin iyon, agad kaming tumakbo ni Shia sa dulong pinto ng palapag kung saan naroroon si Krystal.





Sinipa ko pabukas ang pinto at ganun nalang ang gulat ko nang biglang nay nagpaputok ng baril at dahil sa gulat ko, hindi ko naiwasan ang bala na tumama sa balikat ko. Si Shia din ay tinamaan ng bala at tinamaan sa hita nito. Tumingin ako sa loob at nakitang si Krystal ang nagpaputok ng baril at nakangising nakatingin sa akin.



"Good job on finding me, Sebastian. I underestimated your skills. I shouldn't done that right?" Nakangisi pa din na sabi sa akin ni Krystal na syang ikinainis ko. Magbabayad ka sa ginawa mo sa dalawa kong kapatid." Sabi ko at agad na hinugot ang isa ko pang baril na ang bala ay may lason kung saan na ang natamaan ng bala ay mapaparalyze at magsashut down ang respiratory system nila na syang magiging sanhi ng  pagkamatay nito. Tinutok ko ito sa kanya kaya tinutukan nya ako ng baril.





"Do you have any last words before bidding a goodbye to the mankind?" Tanong sa akin ni Krystal habang nakangisi kaya nginisihan ko rin sya at ibinalik ko ang pang aasar sa kanya.




"Maybe you should say that to yourself? Ikaw ang mabubura sa mundo na ito at hindi ako." Nakangisi kong sabi kay Krystal kaya mukhang nainis ito. Agad nyang ipinutok ang baril na hawak nya at ganun din ang ginawa ko. Natamaan sya dibdib nya habang ako ay sa tagiliran ko. Bago ako bumagsak sa sahig, nakita kong bumagsak din si Krystal sa sahig. Bago pa man ako bumagsak, nasalo na ako ni Shia at inilalayan nya akong makaalis sa lugar dahil activated na ang mga bomba.





Nang makalabas kami ni Shia sa gusali, doon na nagdilim ang paningin ko at tinakasan na ako ng ulirat.





______________



Matapos ang nangyaring pagasalakay, nagising ako isang araw sa lugar na puro puti. Sa hospital. Nagtagal lamang ako ng ilang linggo sa hospital at pinalabas na din ako ng doctor. Nang malaman ni Jamil at Sei ang ginawa naming pagsugod sa kalaban, ilang araw nila akong hindi pinansin kasi nagtatampo sila sa akin. Pero makalipas naman ng isang linggo, kinausap na din naman nila ako.




Patay na ngayon si Krystal Liu at tuluyan ng nabura sa mundo ng mafia ang Hunter's Crown mafia dahil naeliminate namin ang lahat ng myembro ng mga ito. Tatlong buwan na ang nakakalipas matapos mangyari ng insidenteng iyon at ngayon ay masaya akong namumuhay sa piling ng pamilya ko, mga kaibigan ko at ng nobyo ko. Ang pagtatapos ng istorya ko ay syang pagbukas ng panibagong mga problema pero sama sama namin itong haharapin at lulutasin. Mahirap man ay kakayanin pa din namin. Sa buhay nang isang mafia boss, ang pagpatay ay normal lang na gawin dahil if you don't kill, you will be killed instead. Mahirap man at magulong buhay, basta kasama ko ang mga mahal ko sa buhay ay kakayanin ko. I'm Xyrene Joshane Sebastian and this is my story.






~*~

a/n: Already done! Thanks for reading this story and for joining Xyrene and her company on their little journey on dealing with the problems that their organization needs to take care. Salamat sa mga bumasa, babasa, at bumabasa ng story ko.



Please do read and enjoy my other stories!

*When The Sun Goes Down

*The Heartless Jerk

*Language Barrier


Completed Story:

*That Artist is a Mafia Boss



Thank you for reading!

-Kirsten_Park

The Next Heiress (TAIAMB 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon