Chapter 24: Confession

1.7K 29 3
                                    

~Xyrene's POV~




"Xy, pwede ka ba mamaya?" Out of the blue na tanong ni Grae sa akin.


"Saan?" Tanong ko pabalik.


"Secret." Sabi nya naman.


"Edi secret. Ayokong sumama." Sagot ko pa.



"May mahalaga lang akong sasabihin sayo." Pahabol na sabi nya.


"Gaano kahalaga?" Nantatantya kong tanong.


"Kasing halaga ng babaeng mahal ko." Sabi nya na ikinakunot nang noo ko. Ouch yun.


"Pake ko sa babaeng mahal mo? Wala naman akong mapapala dyan." Sabi ko at naglaro sa cellphone ko.


"Please? Patulong lang ako. Sige na, Xy." Sabi nya sa akin at dahil naiintriga ako kung sino ang minahal nitong mokong na ito, pumayag nalang ako.


"Ge. Anong gagawin ko?" Sabi ko ng naka poker face.



"Dadalhin mo lang sya sa park." Nakangiting sabi nya at tumango naman ako.


"May kapalit ang pagtulong ko sayo, Yaoto. Hindi mo basta bastang mauutusan ang mafia leader ng walang kapalit." Sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin at mula sa peripheral vision ko, nakita ko syang tumango.


Kakailanganin ko nang ihanda ang feelings ko mamaya dahil paniguradong bago matapos ang araw na ito, broken hearted ako.


----

Ngayon na ang oras na kailangan kong dalhin sa park ang babaeng sinasabi ni Grae sa akin. Cute sya, balingkinitan ang pangangatawan, long curly hair na naka pig tails. Mukha syang elementary student pero sophomore na sya sa college. Well, di naman sya mukhang matanda. Cute naman sya.

"Ate, saan po tayo pupunta?" Tanong nung babae sa akin.


"Basta. Wag ka ngang masyadong maraming tanong dyan. Isa pang tanong mo at susungalngalin kita dyan." Inis kong sabi sa kanya. Nang makarating kami sa park, imbis na yung babae ang lagyan ng piring, ako ang nilagyan nila...


"Oy! Hindi ako ang pipiringan nyo mga bugok. Si Alissa (name ni cutie girl) ang lagyan nyo ng piring mga gunggong!" Sabi ko sa nagpipiring sa akin na walang iba kundi si Silver.


"Chill, Xy. Masyado kang hot. Maupo ka muna, kailangan mo din ang piring na yan para iwas sakit sa puso." Sabi nya sa akin na ikinalaki ko ng mata kahit nakapiring ako.


"Paanong..." Alangan kong sabi.


"Paano ko nalaman? Well, bukod sa pinsan kita, basta alam ko lang." Sabi nya sa akin.


"Huh?! Problema mo?! Anong klaseng sagot yan Pilak?! Gusto mong tunawin kita?!-- KALAGAN MO KO! TANGNA! BAKIT MO KO IGINAGAPOS?! LET ME F*CKIN' GO BASTARD! LET ME GO OR I'M GOING TO F*CKIN' KILL YOU IF I GET RID OF THIS STUPID ROPES?! CHOOSE MY DEAR COUSIN!" sigaw ko habang pilit na umaalis sa gapos.


"Stay put, cousin. Ayaw ko lang na masaksihan mo ang ka maisan ni Grae." Sabi sa akin ni Silver.


"Edi sana hindi mo na ako iginapos! Kaya naman na kahit piring lang hunghang! Ang shonga mo talaga! Pinsan ba talaga kitang hudas ka?!" Nagpipigil galit kong sabi kay Silver at tumigil din naman ako sa pagpiglas dahil napapagod na din ako.

"Just behave, Xy. Good luck." Sabi nya sa akin and with that, nakarinig ako ng yabag papalayo sa kinaluluguran ko.


Hudas talaga ang peste! Head phones at piring lang, okay na! Bakit kailangang may tali pa?! Igapos daw ba ako?! Humanda ka sa akin mamaya Silver Matthew Dela Cruz kapag ako naka alis dito. Humanda kang hayuf ka.




Makalipas ang ilang minuto, nakadinig ako na may nag- "Hello... Mic check 1..2..3..."



"Ehem! Diversion lang talaga yung plano ko kanina na dadalhin mo dito sa park si Alissa. Ang totoo, hindi naman sya ang mahal ko. Kasabwat ko lang sa pagpaplano ko si Alissa kasi kapag sinabi kong pumunta ka dito, hindi ka rin naman makikinig at pupunta. So, Xyrene Joshane Sebastian, I have something to say to you. Alam kong ang corny nito pakinggan kasi hindi ako yung tipo ng tao na magmumuster ng courage para mag confess sa taong mahal nya. Xy, I love you, it all started when I leave to go for a mission at America. Nung unang linggo ko dun, ayos lang naman ang stay ko. Wala akong namimiss, pero nung tumagal ako nang isang buwan dun... May namiss akong isang particular na tao at ikaw yun, Xy. Araw-araw kitang hinahanap, maya't-maya ako nag-aalala sayo. Masakit para sa akin na malayo sayo. Until one day, I realized that I already love you. Lagi kong pinapanalangin na sana, makauwi na ako para makasama na kita... Sana makita na kita... Sana mayakap ulit kita... Hindi ko kinaya na wala ka sa tabi ko kaya agad kong tinapos ang misyon ko para makauwi agad ako dito. Xy, I love you. Can you go out with me?" Sabi ni walang iba kundi si Grae.




"We're already at the outside, bastard." Sagot ko. Hanggang ngayon ay nakagapos pa din ako at may piring pa din ang mga mata ko. Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa pwesto ko.



"Yeah, I know, but what I'm asking is can you be my girlfriend? I know that this is too fast, but I really love you. I can court you everyday if you want. Just please be my girlfriend." Sabi nya ulit sa akin. Hay, how can I handle this cold-blooded man if he became my boyfriend? I wonder if it will work? Well, I think it's worth a try.



"Okay. Pumapayag na ako." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya. Naramdaman kong hinawakan nya ang mukha ko at may naramdaman akong may malambot na bagay na dumampi sa labi ko.
Hinalikan nya ako... That's my freakin' first kiss.



Tinanggal nya ang piring ko at inalis sa pagkakagapos at nakita ko ang gwapo nyang mukha. Mapupungay na mga mata, matangos na ilong, mapupulang mga labi, makinis na mukha, may suot din syang salamin na bumagay sa kagwapuhan nya. Maswerte ako na gwapo ang naging boyfriend ko.


"Salamat, Xy. I love you." Sabi nya ulit sa akin. Nginitian ko sya at sinagot ko sya na syang ikinagulat nya.



"I love you too, Grae Yaoto." Sabi ko at hinila nya ako para yakapin. I really love this man whose hugging me right now.






~Krystal Liu's POV~



Magpakasaya ka ngayon, Xyrene. Dahil hindi magtatagal ang kasiyahan na iyan. Bawat kasiyahan ay may kapalit na sakit at pighati.



"Emerald, i-train mo ang mga tauhan ng organisasyon. Sa susunod na buwan, aatakihin natin ang hideout ng Blood Death Organization." Utos ko kay Emerald na syang pinagamit ko ang aking pangalan nung umpisa.



"Masusunod, señorita." Sagot nya at agad na umalis ng silid.




Maghintay lang kayo. Nalalapit na ang pagtatapos ng alitan na ito... At sisiguraduhin kong mabubura ang lahat ng kasapi sa Blood Death Organization. Walang matitira. Mapa bata, sanggol, matanda at mga dalaga't binata. Sisiguraduhin kong mauubos kayong lahat.








~*~

-Kirsten_Park

The Next Heiress (TAIAMB 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon