~Xyrene's POV~
Nakauwi na kami ng bahay at agad na nag reunite yung dating mga myembro ng Blood Death sa sala namin. Ngayon alam ko na kung bakit hindi nawawalan ng baril si mama sa tabi nya. At bukod sa dating mga myembro ng Blood Death, nandito din ang mga bago...
"So, na-miss mo ba ako baby Yaoto?" Tanong ni Uncle Seven kay Uncle Clark.
"Oo naman baby Lerwick." Sabi ni Uncle Clark at nagyakapan silang dalawa. Eew. Bromance.
"Baby Rupert, niaaway ako ni Silver oh." Sabi naman ni Stephen kay Rupert. Gosh! Meron ding bromance sa grupo ko!
"Oy Silver, Bakit mo inaaway si baby Stephen ko?" Sabi naman ni Rupert kay Silver at niyakap si Stephen.
"Luh? Baby Grae oh! Pinagtutulungan nila ako!" Sabi naman ni Silver at agad namang niyakap ni Grae si Silver. Gosh! Mas masakit sa ulo yung sa akin! Isa lang ang kay mama, sa akin dalawa! Gosh! So gay!
At dahil nagkakagulo na ang dalawang pares ng bromance sa grupo ko at yung pares ng bromance kay mama, masyado na akong narindi kaya hinugot ko ang baril ko ikinasa ito...
"HINDI KAYO MANANAHIMIK?! O GUSTO NYONG MAKIPAG USAP NALANG SA BARIL KO?! DO YOU WANT TO F*CKIN' KNOW WHAT'S THE F*CKIN' VIEW ON THE F*CKIN' HELL?!" _Ako
"DO YOU TWO WANT TO F*CKIN' DIE?! OR I'LL JUST F*CKIN MAKE YOUR F*CKIN' NOISY F*CKIN' MOUTH OUT OF YOUR F*CKIN' USELESS FACE?!"_Mama (Mhira)
Halos sabay na sigaw namin ni Mama na may nakatutok na baril sa mga sinigiwan namin.
"Woah! Walang duda. Mag-ina nga kayong dalawa! Carbon copy eh?" Sabi naman ni Uncle Youngjae.
"Manahimik ka Choi Youngjae kung ayaw mong mamatay agad. Ngayon mismo... Malakas pa iyang si Ice at ano pa si Luci? Pustahan tayo, malingat lang ako mapapatay ka agad nyang batang iyan." Bulong ni Uncle JB kay Uncle Youngjae na nadinig ko naman. Ngumisi lang ako. Yung ngising makakapagpanginig sa kanila makita pa lang nila at gugustuhing magpakamatay nalang sila. In short, ngising demonyo.
"L-luci, a-anong b-binabalak mo?" Utal utal na tanong sa akin ni Shia. Nilingon ko sya ng hindi pa din tinatanggal ang ngisi sa mga labi ko.
"Isang exciting na laro." Sabi ko at tinignan ko si mama at nakuha nya naman ang gusto kong mangyari. Binaba namin ang baril namin at hinugot ko ang twin katana ko na sina Apollo at Hades. Tapos ang single katana ni mama na si Zeus. Agad kaming nagtanguan ni mama.
"I'll give you 3 seconds to run. If you go outside of this house, we'll kill you. No one can hide from us and of course, you can fight us back. My enemy would be my current mens. While mama's enemies would be the former Blood Death members... No exception. Even papa should fight and of course, my brothers too. Kapag nadaplisan or nasugatan kayo, it's game over for you." Nakangisi kong sabi at lahat sila ay may takot na mukha sa umpisa pero nung ngumiti na ako, napalitan ng determinasyon ang mukha nilang lahat.
"3... 2... 1... Run!" Sigaw ko at nagsitakbuhan na sila. This would be one hella fun game.
Naghiwalay kami ni mama para hanapin ang mga kalaban namin which is our own mens. Ang unang kong nakita ay si Eris... dahil nakatalikod sya, tinawag ko sya kaya agad syang napaharap sa akin. May hawak syang dagger.
"Sorry couz." Cold na sabi ko at dali-dali syang sinugod at nadaplisan sya ng katana ko sa may hita nya. Mababa lang naman yung daplis nya kaya hindi yun magpepeklat.
Pagkatapos ko sa kanya, agad akong naghanap ng iba pang myembro ng grupo ko. Nakita ko si Rupert... Naglaban kami ng mahigit 3 minutes. Not bad. Pero mahina pa din sya... Nadaplisan sya ng katana ko sa braso nya at dumugo iyon. Malamang.
Lumagpas ang mahigit sampung minuto at si Grae nalang ang hinahanap ko. Tumakbo ako sa ground floor nang bahay at nakita ko si Grae sa garden na parang hinihintay ako. Sa kabilang banda ay si mama at si papa na naglalaban at yung mga myembro ng organisasyon na out na sa laro. Nanonood sila sa laban nina mama at papa.
"Oy mokong... Nanood ka pa talaga ah." Sabi ko kay Grae at agad syang sinugod. Tinabi ko na yung isa kong katana. Mamaya umiyak pa ito, sabihin madaya ako.
Agad ko syang sinugod at sinalag naman nya ang mga atake ko... Hanggang sa mapatid nya ako pero sinalo nya rin naman ako. Ang... Ang lapit...
"Hoy mokong! Bitaw na! Ang lapit nang mukha mo! Bwisit ka Grae Yaoto!" Sigaw ko sa kanya at tinulungan nya akong tumayo habang tumatawa sya... Napansin kong tapos na palang maglaban sina mama at papa at kanina pa nila kami pinapanood. Agad kong naramdamang uminit ang mukha ko.
"Uwaaaa!!! Nag-blush si Shane!!!" Manghang sigaw ni Naomi kaya lalong namula ang mukha ko at tinago ko ang mukha ko sa pamamagitan ng pagyakap kay Grae at pagbaon ko ng mukha ko sa dibdib nya.
"Aaaahhhh!!! Ang sweet!!" Sigaw nila at mas hinigpitan ko ang yakap ko kay Grae dahil sa hiya. Naramdaman kong niyakap nya ako pabalik at narinig kong tumatawa sya. Nakakahiya!
-----
Matapos nung laro at nangyari dun sa garden, tahimik kaming nakatambay sa sala ng bahay. Lahat kami, may sari-sariling mundo.
Si mama at papa, nagyayakapan.
Si Uncle Clark at Auntie Lianne, nagbabangayan tapos maya maya maglalambingan.
Si Uncle Seven, naglalambing kay Auntie Arien.
Si Uncle Eros at Auntie Amber, naglalaro ng nanay tatay. Parang bata. Tch.
Si Uncle Youngjae at Uncle JB, naglalaro ng cellphone.
Si Jamil at Naomi, naglalandian. Oh, mag boyfriend-girlfriend iyang dalawa na iyan.
Si Eris at Stephen, nagpupustahan. Lettuce itong dalawa na ito... Mag fiancé silang dalawa.
Si Rupert at Victoria, natutulog. Isa pa itong dalawa na ito... Magaling ding magtago. Nalaman ko lang last week na sila na pala. Bwisit sila, pinagtataguan na nila ako ng sikreto.
Si Silver at Shia, nagliligawan. Pakipot pa si Shia mga madlang pips!
Si Sei, walang kasama dahil ang girlfriend nyang si Angelica... May ginagawa. Kawawang bata.
Si Grae naman, pinaglalaruan yung buhok ko. Tapos maya maya, pipisilin yung pisngi ko tapos hahalikan ako sa pisngi! Anong nasinghot nito?! Gosh! Wag kang ganyan, Grae! Rereypin kita dyan! Teka... Bakit ang bipolar ko ata ngayon? Eh kasi naman si Grae eh! Kung hindi ko lang ito mahal, sinapak ko na ito. Tsk!
Natigil lang ang kanya-kanya naming ginagawa ng pumasok sa mansyon si Angelica ng sugatan at napansin kong may hawak syang papel. Nilapitan ko sya at inilahad ang kamay ko at agad nyang inabot sa akin yung papel. Pagkaabot nya nung papel sa akin, agad naman syang nilapitan ni Sei at tinulungang iupo sa sofa.
Lahat sila ay nakaabang sa akin sa kung anong laman nung papel. Binuksan ko ito at binasa...
** One Blood Death Organization's HQ down! You guys were next! Get ready for my revenge.
Love,
Hunter's Crown Queen**
Ayun yung laman nung letter. Di ko pa alam kung sino ang namumuno sa mga kalaban pero isa ang sigurado ko. Kasabwat sya ni Alexander Hades Grande. Ang tatay ni Emerald Grande at ang nagnakaw sa kumpanya namin years have passed.
Hide yourself. Dahil sisiguraduhin kong kayo ang matatrap sa sarili nyong laro.
~*~
a/n: Omo! May mga love team naaaa!!
#XyGrae
*Kilig* *kilig*
-Kirsten_Park
BINABASA MO ANG
The Next Heiress (TAIAMB 2) [COMPLETED]
ActionThat Artist Is A Mafia Boss book 2. Read the book 1 first dahil baka may malito kapag ito ang unang binasa. Read and explore the story of the Mafia Heiress.