~Xyrene's POV~
Three days have passed at kilala ko na ngayon ang kalaban. Artemis Spaghntt Fomaho it is... You're a good player Ms. Krystal Liu. Ngayong alam ko na ang tunay na identity ng kalaban, oras ng magplano para sa Mafia War.
"Mara, pinapatawag ka ng head master sa office nya." Sabi nung kaklase ko at agad akong pumunta sa office ni Uncle Clark. Anong kailangan nun sa akin?
Pagkarating ko sa office nya, kumatok ako ng tatlong beses at sinipa pabukas yung pintuan at agad na pumasok.
"Kailangan mo, Uncle?" Tanong ko sa kanya.
"Alam mo na ba ang gagawin mo sa misyon nyo?" Tanong nya sa akin.
"Of course, It's me whom you're talking to. We'll do the mission tonight." Sabi ko at tinanguan nya ako kaya agad na akong lumabas ng office nya. Dahil late na ako sa second period class ko, napagdesisyunan ko nalang na pumunta sa garden at umakyat sa isa sa mga puno dito at doon naupo atsaka ko ipinikit ang mga mata ko. Hindi nagtagal, nakaramdam ako ng presensya ng tao sa kaliwang bahagi nitong garden kaya nagtago ako ng maigi sa sanga ng puno at itinago ko ang presensya ko para hindi ako mapansin nung taong yun.
"Uncle Hades, natapos na ba ang negotiation with the Jungs?" Tanong ng isang boses na kinaiinisan ko. Krystal.
"Oo, Krystal. Nakuha na din ang mga baril at droga at ishi-ship na yun sa Germany." sabi ng may hindi naman kahalagahan na tao pero nung sumilip ako, si hudas at lucifer ang nakita ko. Hmmm... Alexander Hades. Wrong move. Sana hindi ka nalang lumabas ng lungga mo dahil ikamamatay mo iyan.
"Umalis na kayo Uncle at baka may makakita sayo na taga Blood Death Organization." Pagpapaalis ni Krystal kay Alexander. Ha! You've already caught, my dear. I already saw the two of you. And not just by the members, but the ruler itself.
Matapos nung pag-uusap nila, agad naman silang umalis pareho sa lugar at tinahak ang magkasalungat na daan. Kaunting hintay nalang Alexander Hades Grande at katapusan na ng maliligayang araw mo. Pagkatapos mo, isusunod ko ang nagtayo muli ng inyong organisasyon. Nagkamali kayo ng binangga... Maling-mali.
~Alexander Hades Grande's POV~
Umalis agad ako sa garden sa school na pinapasukan nila Krystal dahil nalaman namin na may nag aaral dun na myembro ng Blood Death at may mga reapers din silang nakakalat sa buong lugar kaya patago kaming nag-usap ni Krystal dahil oras na matunton ako ng bago nilang pinuno, paniguradong papatayin nya ako.
Kasalukuyan akong palabas sa pinasukan ko kanina ng mapalingon ako sa puno sa gawing kanan ko at may nakita ako dun na babaeng nakatingin sa akin na may mala demonyong ngiti at nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya, kinawayan nya ako at nginisihan naman ng pang demonyo tsaka agad na tumalon pababa sa puno at nilisan ang lugar. Nang mga oras na iyon, nakaramdam ako ng sobrang kaba at takot ng masilayan ko ang paraan ng pag ngisi at pag ngiti sa akin nung dalaga kaya agad agad akong umalis ng eskwelahan.
~Xyrene's POV~
You're really digging your own deathbed, Grande. Lumingon ka pa sa kinalulugaran ko. Lumingon ka pa sa demonyong papatay at tatapos sa buhay mo. Well, pasensyahan nalang dahil wala akong konsensya kapag pumapatay. Patay kung patay.
Agad akong bumaba mula sa puno na kinalulugaran ko at dumiretso ako sa HQ ng Blood Death. Tinawagan ko ang lahat ng myembro ng Blood Death at sinabihan silang may meeting dito. Di naman talaga kailangang pagplanuhan ang pagpatay kay Grande dahil masyado naman syang mahina. Kahit si Naomi lang, mapapatay nya yun pero dahil nangangati ang mga kamay ko na madanakan ng dugo nya, papatayin ko sya with my bare own hands. Slow and painful death would be grant to him.
Makalipas ng tatlong minuto, nagsidatingan na din sa wakas ang mga makukupad kumilos.
"Sit down. This meeting would be all about our next mission and that is to kill Alexander Hades Grande. The traitor at our company. Well, if you ask me regarding to this mission... I can easily handle it because Hunter's Crown and Grande is just a bunch of weaklings. But because I want some fun, I will tag you all with this f*ckin' mission. Well literally, we don't have to do a plan on how to kill that bastards. We'll just go to their hideout and kill all person that were going to block our way but make sure that you don't lay a hand on that f*ckin' Hades bastard because I'm the one that going to f*ckin' kill him with my own bare hands. Now, meeting adjourned." Sabi ko sa kanila at tatayo na sana ng magtanong si Naomi sa akin.
"Kelan natin gagawin ang mission?" Tanong ni Naomi sa akin.
"Tonight at 8 pm." Sagot ko at tuluyan ng nilisan ang lugar. Can't wait to get my hands on you Hades. Just wait and Satan is going to f*ckin' fetch you, bastard.
~*~
a/n: Sorry sa super late na update. Pabebe kasi yung internet kaya ngayon lang nakapag update.
And by the way, please read my other stories...
*The Heartless Jerk
*Language Barrier
Completed story/stories
*That Artist Is A Mafia Boss
-Kirsten_Park
BINABASA MO ANG
The Next Heiress (TAIAMB 2) [COMPLETED]
AksiThat Artist Is A Mafia Boss book 2. Read the book 1 first dahil baka may malito kapag ito ang unang binasa. Read and explore the story of the Mafia Heiress.