~Poseidon's POV~
I'm currently staying at garden... I like refreshing and peaceful places. Nagpapalamig ako ng ulo dahil sa sobrang galit ko sa sinabi ni Kuya Grae kay Ate Joshane. Nang dahil lang sa kasinungalingan ng maldita nyang girlfriend, sasabihan nya na ng ganun si Ate? Aba! Matindi!
"Sei..." May tumawag sa akin mula sa likod ko kaya nilingon ko iyon at doon ko nakita ang pinsan ko.
"Oh Pilak, bakit ka nandito?" Tanong ko kay Silver.
"Magpapalamig lang nang ulo." Sabi nya at tumahimik na kaming dalawa.
There's something off with that girl. I wonder, what is it?
~Xyrene's POV~
Nandito ako ngayon sa rooftop ng high school department at hinihintay ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong reaper...
"Milady Xyrene." Tawag ng isang babaeng tinig sa akin mula sa likuran.
"Angelica... Do you got some information?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah... But not that much." Sabi nya sakin. And yeah, she is Angelica Swan. Yung nambully sakin nung first day. Kung bakit? Malalaman nyo din kung bakit.
"Report it now." Sabi ko sa kanya ng hindi sya tinatapunan ng tingin.
"She came for revenge. She is a ghost from the past. Yan lang po ang nalaman ko." Sabi nya sakin at nagbow na sya at linisan na ang lugar.
She came for revenge? A ghost from the past? May kinalaman ba sya sa nangyari 16 years na ang nakakaraan? I'm sure about one thing... May koneksyon sya sa nangyari noon. Konektado ang bawat pangyayari sa bawat isa at kasama na sya doon.
Now, time to face you bastard. Umalis na ako sa rooftop at maingat na pumuslit sa likod ng high school department building, tinawagan ko muna si Shia para tulungan akong hulihin ang insektong ito.
["Shia, pumunta ka sa likod ng high school deparment building. Make sure na makapunta ka ng maingat at walang makakapansin sayo. Mag ninja mode kang bruha ka. Mamaya na ako magpapaliwanag."] Sabi ko sa kanya at binabaan na sya ng tawag at di sya binigyan ng pagkakataon na magtanong.
Tumuloy na ako sa likod ng insekto at tagumpay akong nakarating sa likod nya ng di nya namamalayan. Hinead lock ko sya na syang ikinagulat nya at hinampas ko ng kamay ko sa batok nya kaya nakatulog sya. Ano ba yun? Ang bilis mawalan ng malay nitong lalaking ito. Lalaki ba talaga ito?
"Dyosang Shia at your service! Do you need my help Shaney?" Tanong ng babaeng ang lakas ng hangin.
"Let's bring this insect to torture room at our HQ." Sabi ko sa kanya.
"Where? Our HQ here?" Nanlalaking matang tanong nya sakin.
"Osige! Sa HQ natin dito mo ilagay ito! Boba! HQ ng Mafia natin! Tsaka may torture room ba yung HQ natin dito?" Sarcastic na sabi ko sakanya.
"Sarreh naman~" sabi nya at naka peace sign pa sakin. Inirapan ko lang sya at hinila na yung insekto sa kotse ko para madala na ito sa torture room sa HQ.
~Tristan's POV~
Pauwi na ako ng bahay dahil bored na ako sa school. Mangha-hack nalang ako ng database ng kung sino sa bahay.
Habang nagdadrive ako, may biglang sumulpot na babae sa gitna ng kalsada na muntikan ko ng masagasan. Mabuti nalang at naapakan ko kaagad ang brake.
Bumaba ako ng sasakyan at tinulungan yung babae...
"Miss... Miss, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya at tinulungan ko syang tumayo.
"M-mhira S-sebastian... E-ezekiel S-sebastian." Nanghihinang sambit nya marahil sa gulat na muntikan na syang masagasaan. Pero... Anong kailangan nya kela mama at papa?
"Anong kailangan mo sa kanila?" Tanong ko sa babae pero bigla na lamang syang hinimatay. Hala naman!
Isinakay ko kaagad sya sa sasakyan ko at pinaandar papuntang bahay namin baka kilala ito nila mama at papa kaya sila hinahanap.
Pagkarating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Uncle Eros dahil nasa living room lang sya at nanonood.
"Oh Tristan, sino iyang kasama mo?" Tanong sa akin ni Uncle.
"Muntik ko na pong masagasaan sa daan kanina... Nung tinanong ko kung okay lang sya, bigla nyang binanggit ang pangalan ni mama at papa." Sabi ko kay Uncle.
"Huh? Paano naman nakilala nitong dalaga na ito si kambal at Zeke? Mabuti pa at dalhin mo sya sa guest room para makapagpahinga sya at pag gising nalang nya natin sya tatanungin." Sabi ni Uncle at tumango naman ako at dinala na ang babae sa guest room namin dito sa bahay.
~Xyrene's POV~
Pinauwi kaagad ako nila mama at papa kaya nag half day lang ako at sinama ko na din ang grupo.
Pagkadating namin sa bahay, may nakita akong isang hindi pamilya na babae kasama nila. Sino naman ito? Pero parang nakita ko na sya. Di ko lang maalala kung saan.
"Sino sya?" Tanong ni Sei kay papa habang nakatingin dun sa babae.
"Iha, magpakilala ka sa amin kung okay lang sayo." Sabi ni papa dun sa babae.
"A-ako po si Victoria Lerwick." Sabi nya.
"Lerwick?" Nakakunot noong tanong ni mama sa kanya na sya namang tinanguan ni Victoria daw.
"Anak po ako nina Arien Pristine at Seven Lerwick. Mga myembro sila ng Mafia group na tinatawag na Blood Death at pinapahanap nila sa akin sina Mhira Sebastian at Ezekiel Sebastian." Paliwanag nya at napansin kong lalong naging seryoso si mama.
Ah... Arien Pristine at Seven Lerwick. Mga missing members nang organisasyon.
(a/n: refer to That Artist Is A Mafia Boss na book. Mga chapter 7 ata hanggang ending, hindi na sila nabanggit. Malalaman nyo naman soon kung bakit sila nawala ng parang bula.)
"Bakit nila kami pinapahanap?" Seryosong tanong ni papa kay Victoria.
"Kailangan ko daw makipagtulungan sa organisasyong ito. Wag kayong mag-alala, natrain nila ako maayos at wala kayong magiging problema sa akin. I mastered both short and long ranged type of fighting. Mahilig din akong magtanim ng bomba." Sabi nya.
"May pinapasabi din si mama sa inyo...
'The new war will begin...
There are enemy from the past that have left...
The ruined group will rise again...
Protect your members because that person is a great pretender.
You'll never guess it, until the untold secrets unveil.'Yun lang po ang sinabi nya. Pero lagi po silang nakasusubay sa organisasyon." Dagdag nya kaya niyakap sya ni mama.
Enemy from the past? A ghost? Bingo! I finally got you.
~Someone's POV~
Let's play a game. A game called Hide and Seek. I'm going to hide, and you guys were the seeker. But I'm sure that this game will be difficult for you because one of your member is temporarily mine. Hahaha!
~*~
a/n: kilala na ni Xyrene kung sino? Oh my vegetable! Haha. Support, Vote and Comment.
-Kirsten_Park
BINABASA MO ANG
The Next Heiress (TAIAMB 2) [COMPLETED]
AcciónThat Artist Is A Mafia Boss book 2. Read the book 1 first dahil baka may malito kapag ito ang unang binasa. Read and explore the story of the Mafia Heiress.