NOTE: This is a collaboration with my dear @RomiePatootie to his story "HOW TO LOVE." Do read his works,suportahan po natin ang ating mga bagong manunulat. Maraming salamat po =)
-----
Isang linggo ang nakalipas at nag enroll na kami para sa dadating na sem. Syempre kasama ko na naman ang dalawa sa pag enroll,pero bago magtanghalian ay tumawag si Tita Roan kay Keez kaya nauna itong umawi at kami na lang ni Bless ang nagpasyang mamasyal.
Hindi ko binanggit kay Bless yung mga naganap nung namasyal kami na umalis sya. Parang nahihiya ako,hanggang ngayon nga eh naiisip ko pa din ang mga ka praningan ni Keez ng araw na iyon,kahit yung kiss nya hindi ko makalimutan,para akong nakikiliti na ewan pag pumapasok yon sa isipan ko.
"San mo gustong pumunta? Babawi ako diba? Ngayon ako naman ang ka date mo." naka ngising sabi ni Bless ng nasa labas na kami ng campus at nag aabang ng jeep.
"Date ka dyan? Sapak gusto mo?" amba ko sa kanya na ikinangisi nya. "Kahit saan basta huwag lang sa mall,nakakasawa kasi eh." dagdag ko pa.
"Okay! Edi mag foodtrip tayo,matagal na tayong hindi nakaka kain ng mga streetfoods eh." aniya at umakbay. Ang bango talaga ng bestfriend kong ito,hindi papatalo sa kabanguhan ni Keez.
"Maganda yan! Na miss kong kumain ng fishball! San tayo?" masaya kong sabi.
"Sa may plaza may mga fishball vendor dun,para date talaga ang dating. What do you think?" aniya at hinila na ako sa pinara nyang jeep,hindi na ako sumagot at sumakay na lang kami.
Hindi naman kalayuan ang park o plaza kaya nakarating agad kami dito. Medyo maraming tao,couples,mga tropa,mga bata,may mga solo din.
"Ayun! Dali! Dali!" ako na mismo ang humila kay Bless ng ma spottan ko ang fishball vendor.
"Hindi ka naman mauubusan nyan Nicolai." aniya habang hila-hila ko.
"Anong hindi? Tingnan mo nga ang daming bumibili! Bilis!" sagot ko at agad kaming nakalapit dito,medyo natagalan dahil maraming nabili,pero ng makabili na kami ay pumwesto na kami sa isang bench na nasisilungan ng sanga ng puno.
"Iba ka talaga pagdating sa fishball." nakangiting sabi ni Bless habang kumakain kami.
"Alam mo yan! Hindi ko papalampasin ang pagkakataon na makakain nito." nakangiti ko ding sabi at sabay kaming tumawa.
"Lai? Ikaw ba yan?" sabi ng isang boses na medyo pamilyar sa akin kaya nilingon ko.
Hmmn? Pamilyar sya,tapos maganda sya kung naging babae. At may kasama ding gwapong lalaki. Sino ba sila?
"Hindi mo na ba ako matandaan? Ako to si Raiven,yung kaibigan mo nung elementary! Nakakatampo ka!" aniya at agad nanlaki ang mga mata ko.
"Raiven? Ikaw nga! My god! Hindi kita namukhaan! Ang ganda mo!" ani ko,tumayo at nagyakap kami.
"Saktan kita eh! Kamusta na? Boyfriend mo ba yang kasama mo?" ani Raiven ng maghiwalay kami sa yakap.
"Hindi no! Isa sya sa dalawang bestfriend ko,yung mga lagi kong kasama dati." ang mahina kong sagot. Bigla kasi akong nahiya eh.
"Ganun? Sya pala yon,ang gwapo ah? Nasan yung isa? Anyway,ipapakilala kita sa kasama ko." aniya at hinila yung lalaking gwapo na kasama nya. "Xander,sya si Lai an old friend,at yung kasama nya si..."
"Im Bless,nice meeting you Raiven and bro Xander." ang pagsagot ni Bless at inilahad ang kamay na tinanggap naman ni Xander at Raiven.
"Cool!" nakangising sabi ni Raiven.
"Huh? Teka nga,mawalang galang na Xander ah,boyfriend ka ba ni Raiven?" ang agad kong sagot.
"Oy hindi no!!" depensa ni Raiven at namula. Napatingin ako kay Bless,nakangisi sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/8715856-288-k844308.jpg)
BINABASA MO ANG
He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!
Fiksi UmumBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ NOTE - Wala po itong kinalaman sa He's Dating a beki na nauna,hindi lang po si Kellan ang nakikipag date sa beki :) kung lalabas man sila dito,for short period lang. Enjoy reading! . . . . ----- Si Nicolai "LAii/LYE" Jav...