"What the? Nakita mo na? Paanong? Shit! Unfair!" aniya at biglang tinigil ang kotse. Nanlaki ang mga mata ko sa reaksyon nya.
"Ha? B-bakit ganyan ka makapag react? At anong unfair dun? Lahat naman yon hindi sinasadya!" ang sabi ko. Napalunok pa ako kasi naalala ko pa kung paano maglabas pasok sa bibig ko ang kay Kipp at kung paano laruin ni Bless ang sa kanya.
"Wala!" singhal ni Keez sa akin at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Hindi ko na lang sya pinansin,dahil hindi ko makuha ang punto nya.
Hanggang sa makarating sa school ay hindi na nya ako kinibo,kahit nung hinatid nya ako sa first class ko.
Minsan talaga ang mga lalaki mahirap espelengin. Mahirap maintindihan,may mga bagay na alam mong gusto nilang sabihin pero nananatili silang tahimik.
Kaya nga buong oras ng klase ay lumilipad sa dako paroon ang aking isip. Naiisip ko yung ginawa namin ni Kipp,iniisip ko yung ginawa ni Bless at iniisip ko yung inakto ni Keez.
Nang sumapit ang lunch break ay urong sulong pa ako sa pagpunta sa cafeteria. Baka kasi nandun si Kipp at nahihiya akong magpakita sa kanya. Pero nanaig pa din ang gutom ko. Pagpasok ko pa lamang ay nakita ko na sya na tumatawa kasama yung mga kaibigan nya.
Paano kaya kung biglang bumalik ang alaala nya at bumalik sya sa dati? Parang hindi ko na alam ang gagawin ko nun. Pakiramdam ko kasi kahit ilang oras palang ang lumilipas nung may nangyari sa amin ay may nararamdaman na akong hindi ko maipaliwanag.
Pumila na ako para bumili,at ng makabili na ako ay kinuha ko na ang wallet ko.
"Ate,ako na po magbabayad ng kanya." sabi ng boses,nilingon ko. Si Keez at seryoso pa din. Sya naman ang tumingin sa akin matapos magbayad. "Diba ililibre kita? Kahit inis ako sayo hindi kita matitiis."
"Ang sweet talaga ng bestfriend ko." nakangisi kong sabi.
"Tara na. Nagugutom na ako." ang pasuplado nyang sabi at sumunod na lang ako sa kanya.
Nang makaupo na kami ay nagsimula na kaming kumain pero palihim kong tinitingnan si Kipp. Nakita nya ba ako o hindi lang nya ako pinapansin?
"Ako ang kasama mo pero nasa ibang tao ang isip mo." ani Keez,nang tingnan ko sya ay nakatitig lang sya sa akin.
"Im sorry. Iniisip ko kasi ang bestfriend natin." ang pagsisinungaling ko at bumalik na sa pagkain.
"Mukhang hindi sya makaka pasok. Remember Hazel nung high school tayo?" aniya kaya muli akong nag angat ng tingin.
"Oo naman. Is she back?" hindi ko makakalimutan si Hazel,classmate dati ni Bless,maganda mayaman. Patay na patay iyon kay Bless,halos gapangin nga nya daw dito si Bless,gusto nyang mag pa divirginize kay Bless.
"Yep. And he invited Bless for his welcome back party. Who knows,baka pag uwi ni Bless ay sila na."
Napasimangot ako dahil sa sinabi ni Keez. Parang ang hirap isipin na may paglalaanan na ng panahon si Bless maliban sa pag aaral at trabaho.
"Hindi naman siguro. Kung nung high school nga ay natanggihan nya yon. Ngayon pa kaya?" sabi ko naman at sumubo ulit.
"You really don't know anything Lai. Pabayaan na lang natin si Bless,excited na akong magka pamangkin,"
At binato ko sya ng nilamukos na tissue. Napaka advance ng isip nya,tas ngingisihan nya lang ako,baliw.
"Tapusin muna ni Bless ang pag aaral bago sya mag anak. Baka mabigla si Nanay Beth!" ani ko at inirapan sya. Lumabas din ang totoo na possesive ako.
"Kalma lang! Eh paano kung ako makabuntis?" nakangisi nyang sabi.
"Do that and you'll be dead." pagbabanta ko at tumawa sya. Dahilan para pagtinginan kami ng lahat. Ngunit si Kipp ay saglit lang at muling ibinalik ang atensyon sa mga kasama.
BINABASA MO ANG
He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!
Fiksi UmumBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ NOTE - Wala po itong kinalaman sa He's Dating a beki na nauna,hindi lang po si Kellan ang nakikipag date sa beki :) kung lalabas man sila dito,for short period lang. Enjoy reading! . . . . ----- Si Nicolai "LAii/LYE" Jav...