"K-keez?!" ang hysterical kong sabi kaya napalakas ang boses ko. Dahilan para magising si Keez.
"Goodmorning Nicolai." nakangiting sabi ni Keez at tumihaya.
"H-hoy! Anong nangyari?! B-bakit nakahubad ako at nakahubad ka din? May nangyari ba sa atin?" ang kinakabahan kong sabi.
Humagikgik ito at bumangon,kaya nagtaka ako.
"Pwede ba Lai? Huwag kang mataranta?! Walang nangyari sa akin. And damit ko lang ang hinubad ko,hindi ang pang ibaba ko. You were too drunk last night,nag ha-halucinate ka na. Im not like Kipp." ani Keez at bumangon. Naka pantalon pa nga sya.
Medyo nakahinga ako ng maluwag. Ibig sabihin,panaginip lang yung kagabi? Pero parang totoo.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Mukhang wala nga,dahil hindi ko naman nararamdaman yung lagi kong nararamdaman tuwing may mangyayari sa amin ni Kipp.
Si Kipp.
Muli na naman akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Paulit ulit kong nadidinig sa aking isipan ang mga sinabi nya.
Pinagsamantalahan nya ako,ginamit nya ako dahil alam nyang gusto ko sya. Akala ko mga babae lang ang nagagamit,ngayon naiintindihan ko na ang pakiramdam nila,sobrang sakit nga talaga.
"Magbihis ka na,kakain na tayo at ihahatid na kita sa inyo." ani Keez na nakapag suot na ng t-shirt. Iniabot nya yung damit ko na iniwan dito noon. Actually may mga damit kami dito ni Bless.
Bigla akong may naalalang itanong.
"D-diba galit ka sa akin? P-pano ako napunta dito?" ani ko at nagpalit ng damit kahit nakatingin sya.
"H-hindi naman kita matitiis. Bestfriend kita,at alam mong mahal kita ng higit pa dun." seryoso nyang sabi. Ramdam kong pinamulahan ako ng mukha. "I was with Kyso and Finn last night,sa isang bar,tas biglang may tumawag kay Finn,telling him na naglalasing daw ang isa nilang kaibigan,tinanong ni Finn kung sino,at sinabing ikaw nga daw,kaya dali dali ka naming pinuntahan. At yun nga,bangag ka na sa alak."
"Si Chase." ani ko,sya lang ang pwedeng tumawag kay Finn,maaaring magkaibigan sila.
"Sya nga. Anong nangyari Lai? Bakit nagpapakalango ka sa alak? Its not like you." aniya. Napalunok ako at hindi nakasagot,yumuko ako.
Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ito malalaman nina Bless at Keez,pero paano na ngayon? Wala akong maisip na alibi.
"Fuck! Sinaktan ka ba ng Kipp Castillo na iyon? Anong ginawa nya?!" biglang bulyaw ni Keez ng hindi ako makasagot. Napaangat ako ng tingin at kitang kita ko ang pagtatagis ng kanyang mga bagang,kitang kita din sa mga mata nya ang nag uumapaw na galit.
"Please! Pabayaan nyo na sya! Its my fault,kasalanan ko,kaya please? Ayoko na ng gulo!" ang pagmamaka awa ko kay Keez. Unti unti namang bumalik sa pagiging maamo ang kanyang mukha.
"Palalampasin ko sya sa ngayon. I'll do it for you." aniya at hinawakan ang kamay ko at lumabas na kami ng kwarto.
Sa hapag ay panay ang daldal sa akin ni Tita Roan,syempre matyaga ko namang sinagot ang mga tanong nya,minsan sinusuway ni Keez ito dahil nakakapraning ang mga sinasabi.
Ipapahatid na lamang ako ni Keez sa driver nila dahil may importante pa daw syang pupuntahan.
"Subukan kong pumunta sa inyo mamaya. Namiss kita ng sobra,ang sakit sa dibdib nung mga panahong iniiwasan kita,pero hindi ko din pala talaga kaya." ani Keez ng nasa tapat na kami ng kotse.
"Namiss din kita. Pangako,hindi na ako gagawa ng bagay na hindi nyo magugustuhan." totoo sa loob na sabi ko. Naisip ko kasi na hindi naman pwedeng magmukmok ako palagi at iyakan ang ginawa sa akin ni Kipp.
"Mahal kita Lai,at hindi na ako mahihiyang sabihin sayo yan ng paulit ulit. Huwag kang maiilang." ani Keez at niyakap ako ng mahigpit. Yumakap din ako,nagpapasalamat ako na kahit hindi ko masuklian ang pagmamahal nya ay nandito pa din sya,sana ganon din si Bless. "I love you! Ingat ka." at mabilisan nya akong hinalikan sa pisngi.
May kung ano sa dibdib ko ang parang nag init at kumalabog. Nanibago lang siguro ako.
Nang makarating sa bahay ay nagtaka ako at bukas ang front door. May bisita ba si Nanay?
"Nay! Pasensya na po at--" natigil ako sa pagsasalita habang papasok sa pinto. Parang gusto ko maiyak. There he was,standing and smiling at me. "Bless!!" agad kong sigaw at tumakbo papunta dito at niyakap ng mahigpit.
"Woah?! Ganyan mo ba ako ka miss?" gulat na react ni Bless pero niyakap din ako. Isinubsob ko pa ang mukha ko sa matigas nyang dibdib,I can hear his heartbeat,napaka bilis.
"Patawarin mo ako! Bati na tayo! Hindi ko na susuwayin ang mga gusto nyo ni Keez! Ang hirap mag isa at walang kakampi. Ang hirap hirap." ang umiiyak kong sabi. Lumabas din ang totoo,na I really need them,na hindi ko kayang mag isa.
Naramdaman kong mas humigpit ang yakap sa akin ni Bless. "Hindi kita kailangang patawarin dahil wala ka namang ginawang masama. Naiintindihan ka namin ni Keez,ang ayaw lang namin ay nasisira ka ng pagmamahal mo kay Kipp. Nawawala ka sa dating ikaw."
"Wow! Sabi na at may hindi kayo pagkaka unawaan eh!" biglang sabat ni Nanay,naghiwalay kami ni Bless at pinunasan ko ang mga luha ko at humarap kami sa kanila.
"Si Keezue na lang ang kulang,buo na ang trio! Pero teka,sino yung Kipp?" masayang sabi ni Nanay Beth. Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong kinabahan.
"Ang tsismosa mo Nay! Sige na,mag usap lang kami ni Nicolai! Dyan na kayo." at hinila ako ni Bless papunta sa kwarto nya.
"Salamat at tinanggap nyo ulit ako ni Keez." nahihiya kong sabi. Sana balang araw masuklian ko man lang sila.
"Upo ka dito sa tabi ko." aniya habang naka upo sa dulo ng kama. Bakit parang mas gumwapo sya? Si Keez din kanina napansin ko parang mas gumwapo din pero nahihiya lang akong sabihin.
Umupo ako sa tabi nya,hinapit nya ako at inakbayan. "Bata pa lamang tayo ay tinanggap ko na sa sarili ko na ikaw ang gusto ko,matagal ko iyong tinago,hanggang sa dumating nga sa punto na umamin ako sayo diba? Hindi ko na kasi kaya,ang bigat na sa dibdib."
"Tungkol dyan--"
"Makinig ka muna." pamumutol nya sa akin kaya tumahimik na lang ako ulit. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,parang gusto ko na lang bumalik sa panahong hindi pa sila umaamin sa akin para hindi ganito ang nararamdaman ko. "Alam ko ding mahal ka ni Keez,I can see the way he looks at you dahil ganon din kita tingnan."
"B-bakit mo sinasabi ito?" ang taka kong tanong.
"Dahil gusto kong malaman mo na nag usap kami ni Keez. Okay lang na malaman mo ang nararamdaman namin para sayo,pero hindi namin ipipilit ang sarili namin. Dahil kung magmamahal ka ay susuportahan ka namin,kung saan ka masaya. Dibale ng hindi mo masuklian,basta mananatili tayong magbestfriend." aniya at isinandig ang ulo ko sa balikat nya.
"Pero nagmahal nga ako,hindi nyo sinuportahan."
"Kasi alam namin na sa maling tao. Ngayon na nabigo ka,sana may natutunan ka. Yang kabiguan mong iyan ang gamitin mo para bumangon,kung sa pag ibig ka nadapa,sa pag ibig ka babangon. Kaya kung magmamahal kang muli,sana sa tamang tao. Huwag mo akong intindihin,o ang damdamin namin ni Keez." mahaba nyang sabi.
Natahimik ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko,at napaisip din ako bigla.
Kung may nararamdaman sila sa akin,bakit hindi sila sumubok? Parang nalungkot tuloy ako. Pero naisip ko din agad na napaka selfish ng naisip ko. At saka sa tingin ko din naman hindi na ako magmamahal ulit pagkatapos ng nangyari sa akin. Dahil ako mismo natatakot ng sumubok ulit,natatakot na masaktang muli.
Pagkatapos ng araw na iyon ay naibalik ang dati naming samahang tatlo. Ang pinagkaiba lang,alam ko na ang nararamdaman nila sa akin,at magiging maingat na ako,ayaw ko silang masaktan kahit hindi sadya.
"Umiikot na nga ang mga mata nya nun. Buti nung nagpakilala sya ay natandaan ko agad na naipakilala na sya sa akin dati." ang kwento ni Chase habang nasa cafeteria kami. Hiyang hiya tuloy ako,pero buti na lang hindi na nya sinabi yung mga hinaing ko nung lasing ako.
"Hindi naman kasi sya umiinom talaga!" ani Keez.
"Sa amin kayo magpapa alam kung isasama nyo sya sa inuman." dagdag pa ni Bless.
"Nakakainggit kayo!" ani Kyso habang ngumunguya ng burger,ang cute lang ng mokong.
"Sus! Sila nga ang dapat mainggit sa atin!" nakangising sabi ni Finn,inakbayan si Kyso at hinalikan sa pisngi. "Aylabyu so mats!"
"Bromance activated! Warning!" sabi ng isa sa mga tropa kaya nagtawanan kami. Ganun nga talaga siguro pag mag bestfriend,para na din kayong magka relasyon.
Nasapawan ang tawanan namin ng mga tawanan ng mga pumasok sa cafeteria. Si Kipp kasama yung mga tropa o kaklase nya. Napalunok ako at pinigil ang sarili.
Bakit ganun? Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko ngayong nakikita ko sya? Bakit namimiss ko pa din sya? Nung mga nakaraang araw hindi ko naman sya naiisip. Pero ngayong nakikita ko ulit sya,parang bumalik ang lahat sa akin,pati ang sakit ay bumalik.
Hindi ko namalayan ang nangyari. Sobrang bilis at nakita ko na lang na inaawat nina Kyso,Finn at Chase sina Bless at Keez. Nagkakagulo na pala sa cafeteria.
"The fuck?! Anong problema nyong dalawa?!" ani Kipp ng bumangon at sapo ang panga,may dugo din ang gilid ng labi nya.
"Ikaw ang problema! Manggagamit!" bulyaw ni Keez,lalapit sana kay Kipp pero pinigilan ni Bless.
"Pabayaan nyo na yan. Mabilis ang karma." kalmadong sabi ni Bless,kahit nangangatog ang aking mga tuhod ay lumapit ako.
"Dahil ba to dyan sa baklang yan?! Huh! Patas lang kami,pareho lang namin ginamit ang isa't isa!" sabay turo sa akin ni Kipp.
Napapikit ako. Ang sakit,talagang balewala ako sa kanya.
"Mag ingat ka sa pananalita mo Castillo!" banta ni Bless na mukhang susugod na pero pumagitna ako.
"Please? Tama na?! Huwag kayong mag away!" ang maiyak iyak kong pakiusap.
"See? Sya ang habol ng habol sa aki--" hindi na natapos ni Kipp ang sasabihin nya ng hilahin ko si Kipp palabas ng cafeteria.
Patawarin nyo ako,Bless at Keez.
"Bitawan mo ako." ani Kipp. Binitawan ko sya ng malayo na kami. "Pwede tigilan mo na ak--" hindi nya naituloy ang sasabihin nya.
I kissed him.
And he kissed back.
BINABASA MO ANG
He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!
General FictionBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ NOTE - Wala po itong kinalaman sa He's Dating a beki na nauna,hindi lang po si Kellan ang nakikipag date sa beki :) kung lalabas man sila dito,for short period lang. Enjoy reading! . . . . ----- Si Nicolai "LAii/LYE" Jav...