"Im sorry,hindi ko na control ang sarili ko,nagseselos kasi ako."
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nya. Hindi ko na alam san patungo ang pag uusap naming ito. At bakit may ganito?
"Nagseselos? Bakit ka nagseselos? Sinong pinagseselosan mo?" taka kong tanong.
Mas lalo syang parang na rattle. At ngayon,ayoko man mag assume,pero nage-gets ko na. Patuloy ko syang tiningnan,hinuhuli ko ang tingin nya pero mabilis syang nag iiwas ng tingin.
"Just forget it." pagkatapos ng mahabang katahimikan ay sabi nya.
"Okay. Pwede na ba akong umuwi?" sabi ko na lang at tumayo na.
"Malalaman nila na hindi tayo pumasok."
"Sinong may kasalanan? O sige,bumalik na lang tayo sa school,may mga class pa akong pwedeng pasukan." sabi ko naman at nauna ng lumabas sa kwarto nya. Nakasunod lang sya sa akin hanggang makalabas ng bahay. Tahimik kaming pumasok sa kotse nya.
"San kayo galing?" ang agad na salubong sa amin ni Bless pagkababa pa lang namin sa kotse.
"Kumain kami sa labas." sagot ni Keez,ako naman ay tahimik lang.
"Nang hindi nagsasabi sa akin? Tapos na ang break nyo kanina pa. Baka nakakalimutan nyong may copy ako ng mga sked nyo." ang seryosong sabi ni Bless,kinabahan ako at napakagat sa lower lip ko.
Kailangan kong gumawa ng alibi. Napaka grade concious talaga nito ni Bless.
"Hala!! Male-late na ako sa next class ko! Bye Keez! Bye Bless!" bulalas ko at nagtatakbo na palayo sa dalawa. Sa bahay na lang ako magpapaliwanag kay Bless.
Wala naman akong ginawa dito sa last class ko kundi ang liparin ang isip. Iniisip ko si Bless,pano ako magpapaliwanag,iniisip ko si Keez at yung kanina. At iniisip ko din si Kipp kung anong nangyari na sa kanya.
Kaya ng matapos ang klase ay agad agad akong lumabas ng class room. Gusto ko makita si Kipp,gusto ko ulit sya makausap. Si Keez naman kasi biglang sumulpot eh.
"San ko kaya hahanapin yon?" tanong ko sa sarili habang naglalakad lakad. Ngayon medyo komportable na akong maglakad sa campus na ito,wala ng mang aaway o mambu-bully sa akin. Salamat talaga kay Kipp. Ang hindi ko lang pa din magustuhan ay ang mga pairap,matalim at pailalim na tingin nila sa akin. Alam kong campus crush sina Bless at Keez at hinahangaan nila ang dalawa,pero kasi naman,bakit kailangan nila akong pagselosan? Theyre my bestfriend for almost a decade.
Papunta na ako sa may tapat ng gymnasium ng mapansin ko na si Kipp kasama mga kaibigan nya. Pinapalibutan sya ng mga ito at nagtatawanan sila. Bigla tuloy akong nagdalawang isip kung tutuloy pa ako o hindi.
Ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya? Anong pag uusapan namin eh kanina lang kami pormal na nagkakilala at nagkausap.
Tumalikod na lang ako at naglakad na palayo. Sina Keez at Bless na lang hahanapin ko.
"Lai! Nicolai!!" napatigil ako sa paglalakad dahil sa pagsigaw na yon. Nagtinginan tuloy sakin ang mga tao. Nilingon ko ito,si Kipp pala,humahangos habang palapit sa akin.
"Ang bilis mo maglakad." aniya ng makalapit sa akin.
"Nagmamadali kasi ako eh." ang sabi ko naman.
"Pauwi ka na ba? Sabay na tayo,wala na akong klase eh." nakangiti nyang sabi. Bakit kaya may mga nilalang na ganito kagwapo?
"Huh? May kasabay ako eh,yung dalawa kong bestfriend." sagot ko naman at pasimpleng tiningnan ang paligid. Ngayon nagbubulungan na ang mga tao. Hindi ba sila nagsasawa?
BINABASA MO ANG
He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!
Ficción GeneralBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ NOTE - Wala po itong kinalaman sa He's Dating a beki na nauna,hindi lang po si Kellan ang nakikipag date sa beki :) kung lalabas man sila dito,for short period lang. Enjoy reading! . . . . ----- Si Nicolai "LAii/LYE" Jav...