"Ha?" patay. Wala na akong lusot ngayon. Sooner or later malalaman din naman nila pero hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon.
"Alam kong si Kipp yon. Nakita ko kayo ng hindi sinasadya kaya naisip kong sumunod." halata kay Keez na galit na galit sya. "Ang tigas ng ulo mo Lai."
"Ginusto ko ito. Buhay ko ito at ako ang makakapagdikta sa sarili ko." ang matapang kong sagot. Na kahit sa totoo lang ay natatakot ako,maraming kahihinatnan ang pangyayaring ito.
"Ihahatid na kita sa inyo. Pag usapan natin tong tatlo nina Bless." aniya at pumasok sa kotse nya. Pagod na din ako kaya sumunod na lamang ako.
Tahimik lang kami sa byahe. Ang kaba ko ay hindi maalis. Pero ito na eh,kailangan ko na lang panindigan ang ginawa ko.
Pagka park pa lang ng kotse sa tapat ng bahay ay nakita ko na agad si Bless na nasa pintuan.
Okay na ba sya? Hindi na ba sya lasing?
"San kayo galing?" ani Bless ng makapasok kami. Naka boxers pa din sya.
"Sit,and we'll talk." seryosong sabi ni Keez,umupo na din ako sa sofa,nagtataka man ay naupo din si Bless sa couch.
"Anong pag uusapan?" ani Bless. Tiningnan muna ako ni Keez bago nagsalita.
"Lumalabas at nagkikita ng palihim sina Lai at Kipp para gumawa ng milagro."
Gulat na tiningnan ako ni Bless,napayuko ako. Hindi ko talaga pala kaya pag silang dalawa na ang kumakastigo sa akin.
"Totoo ba yun Nicolai?" mabigat ang boses ni Bless ng magtanong. Tumango ako. "Diba sinabi namin sayong iwasan mo sya? Shit!" at sinuntok nya ang lamesita,nagulat ako at lalong kinabahan.
"Ginusto ko naman iyon." mahina kong sagot at napatulo na ang mga luha ko.
"Delikadong tao si Kipp,Lai. Mapapahamak at masasaktan ka. Paano ka na namin ngayon mapoprotektahan nyan?" frustrated na pagsingit ni Keez.
"Kaya ko ang sarili ko." ang sagot ko naman.
"Kailan nagsimula ito? Ilang beses ng may nangyari?" namumula ang mga mata ni Bless,nagbabadya ng matinding emosyon na hindi ko maintindihan.
"Medyo matagal na din."
"Iwasan mo sya please?" sabi ni Keez na namumula na din ang mga mata. Why are they like this? Bakit dinidiktahan nila ako ng dapat kong gawin?
"Lilipat tayo ng school habang hindi pa huli ang lahat. Iiwas ka habang hindi ka pa napapahamak at nasasaktan." dagdag ni Bless na ikinanganga ko.
"Bakit ba nakikialam kayo? Hindi ko iiwasan si Kipp! Huli na ang lahat. Hindi ko sya lalayuan,lalo na ngayong mahal na mahal ko na sya!!" sigaw ko at tumayo. Pareho silang nagulat. Kitang kita sa mga mata nila na nasaktan sila,pero mas nasasaktan ako sa gusto nilang mangyari.
"Anong sinabi mo?" halos sabay nilang sabi.
"Narinig nyo diba? Huwag nyo na sana akong pakealaman dahil hindi ko kayo pinapakealaman. Sobra na kayo." at naglakad na ako paakyat sa hagdan. Pagpasok ko pa lamang sa aking kwarto ay ini lock ko agad ang pinto at humiga sa kama habang umiiyak.
Hindi nila ako pwedeng ilayo kay Kipp. Mahal na mahal ko na sya. At alam kong may nararamdaman din si Kipp para sa akin.
Kailangan kong dumistansya kina Bless at Keez. Sobra na sila,hindi kasi nila alam ang pakiramdam ng nagmamahal kaya ganun na lamang silang magsalita. They don't know anything about love.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok,tinext ko si Kipp kung pwede ba kaming magkita at pumayag sya. Bago umalis ng bahay ay sinigurado ko munang tulog pa ang lahat,gusto ko munang masolo si Kipp,pakiramdam ko mababaliw ako pag hindi ko sya nakita at nakasama. Love is really crazy.
BINABASA MO ANG
He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!
General FictionBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ NOTE - Wala po itong kinalaman sa He's Dating a beki na nauna,hindi lang po si Kellan ang nakikipag date sa beki :) kung lalabas man sila dito,for short period lang. Enjoy reading! . . . . ----- Si Nicolai "LAii/LYE" Jav...