Beki eight!

11.6K 312 4
                                    

"Umiinom ka ba? Baka malasing ka ah?" ang sabi ni Kipp ng ininom ko deretso yung alak sa baso.

"Uhm.. Hindi? Pero okay lang,atleast nakatikim ako ng alak." ang sabi ko matapos uminom. Pinilit kong ngumiti,mapait pala ang beer? Bakit sila pag umiinom parang wala lang.

"Naku! Baka malasing ka talaga? Patay ako." aniya na ikinangiti ko na talaga.

"Its okay,I can handle myself,hindi naman ako babae eh." sagot ko at dinugtungan ko pa ng tawa.

"Sabi mo yan ah? Pero kung malasing ka,ako ang bahala sayo." nakangiti nyang sabi at uminom na.

Binaling ko ang tingin ko sa dancefloor. Ang daming sumasayaw,tapos pagtingin ko sa bar counter madami ding tao,pinapanood si Bless sa flairing na ginagawa nya. Napangiti ako,proud talaga ako na maging bestfriend sya.

"Matagal mo na bang kilala yung dalawang lalaki na lagi mong kasama?" ang tanong ni Kipp na ikinalingon ko.

"Si Bless at Keez? Oo,magkakasama na kami mula pagkabata. Si Bless kasama ko sa bahay,magkaibigan kasi mga nanay namin,at si Keez nakilala namin nung bata pa kami. Mula nun hindi na kaming tatlo mapag hiwalay." nakangiti kong sagot. Naalala ko kasi ang mga itsura naming tatlo nung mga bata pa kami.

"Ah,inseperable pala kayong tatlo. Ako wala akong kaibigan. Mahirap pag lumaki ka sa mayamang pamilya. Dapat ang kaibigan mo din mayaman,at ayaw ko ng ganon. Kaya nga laking pasalamat ko na nawala ang iba kong alaala." aniya at ngumiti ng mapait. Naawa tuloy ako sa kanya.

Ngayon naniniwala na ako sa sinasabi ni Keez na hindi masarap maging mayaman kung wala ka namang totoong kaibigan. Napaka ironic talaga ng buhay.

"uhmmm.." ang sabi ko lang at napalagok ulit ng alak.

"Kaya nga kinaibigan kita,dahil meron ka na wala ako." seryoso pa nyang dagdag at uminom ng sunod sunod. Hindi ko naman sya mapigilan dahil baka magalit sya. Kaya ang ginawa ko ay sinasabayan ko ang bawat inom nya para hindi naman ako magmukhang KJ.

"Woohhh! Ang galing talaga ng alak,sino kaya nag imbento nito?" ang nahihilo ko ng sabi. Shit lang,gusto kong sumuka pero parang hindi ko na kayang tumayo at maglakad. "Nasusuka ako."

"Damn! Bakit kasi pinainom pa kita. Patay ako nito sa mga bestfriends mo. Tara alalayan kita papuntang CR." dinig kong sabi ni Kipp. At sa isang iglap naramdaman ko na lang na parang naglalakad ako na hindi. Ayokong dumilat dahil mas nahihilo ako. "Nandito na tayo sa cubicle,suka na Lai."

Pagdilat ko ay nakita ko ang bowl. Dinutdot ko ng isa kong daliri ang lalamunan ko at nailabas ko na nga ang dapat,maluha luha pa ako. Pero nararamdaman ko ang bawat hagod ng palad ni Kipp sa likod ko.

"Tara,maghilamos at mumog ka." inalalayan nya akong tumayo at at nagpunta sa sink. Agad akong naghilamos at nagmumog. Kinapa ko ang bulsa ko. Buti may menthol candy pa ako.

"Pasensya na at naabala pa kita." ang nahihiya kong sabi. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Ang nakakahiyang araw ng buhay ko.

"No. Its okay. Ako nga dapat ang humingi ng pasensya,its my fault at nalasing ka. Mukhang hindi mo na mahihintay ang bestfriend mo. Ihahatid na kita." aniya na seryosong nakatingin sakin.

"Huh? Uhm sige?" ang nasabi ko lang. Kahit nahimasmasan na ako,mukhang wala pa din ako sa sarili. Bahala na,basta gusto ko ng umuwi at magpahinga.

Inalalayan ako ni Kipp palabas sa banyo. Deretso ang lakad namin,nakita ko pa sa bar counter si Bless at mukhang nagtataka sya. Pero mabilis din kaming nakalabas ng bar at dumiretso sa parking. Ng makasakay kami sa kotse nya at makasandal ako ay muli akong napapapikit lalo na nung tumama ang hangin ng aircon sa mukha ko.

He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon