"Nag inquire na ako sa isang subdivision,by next month pwede na tayong makalipat." ani Bless habang nag aagahan kami. Araw ng linggo kaya lahat kami nandito lang sa bahay.
"Ha?" ang tanging nasabi ko,ni nanay at nanay Beth.
"Teka! Bakit hindi mo ako sinabihan? Tayong dalawa dapat diba?" pagkuwa'y sabi ko ng maka recover. "Malaki na din ang ipon ko."
"Lilipat tayo? Pano hanap buhay namin ni nanay mo anak?" pagsabat na din ni nanay habang hinahalo ang gatas nya.
"Nay Lydia,matagal na naming plano yon ni Lai,kaya nga lang,hindi na ako makapag hintay." sagot ni Bless at tiningnan ako. Inirapan ko lang sya,naiinis ako eh,kaming dalawa nagplano nun pero sinolo nya.
"Eh pano nga ang hanap buhay namin anak?" wika ni nanay Beth at tiningnan din ako.
"Sa bahay na lang kayo nay,panahon na para magpahinga kayo." nakangiting sagot ni Bless. "Nicolai,huwag ka ng magalit,malaki naman ang perang naipon ko,nakapag down na ako ng kalahati at next month ang kalahati para makalipat na tayo,pero kung gusto mo,at para huwag ka ng magalit ikaw na magbayad sa kalahati."
"Sabi mo yan ah?" nawala inis ko dahil dun. "Oh nay,nay Beth,makakapag pahinga na kayo,yaan nyo ng kami naman ang kumayod para sa inyo."
"Itong mga batang ito talaga. O sige kung yan ang gusto nyo." ani nanay.
"Napaka swerte talaga namin sa inyo." dagdag pa ni Nanay Beth.
"Goodmorning mga mahal!!" napalingon kami sa sumigaw. Si Keez pala kasama si tita Roan.
"Ang aga mo mambulahaw!" sita dito ni Bless,tumayo at niyakap si tita Roan,ganun din ang ginawa ko.
"Nagpasama si Mommy eh!" nakalabing sagot ni Keez,nakipag beso naman sina Nanay at Nanay Beth kay tita Roan tapos yumakap si Keez sa mga nanay namin.
"Lydia,Beth gusto ko sanang samahan nyo ako ngayong araw,girls day,alam nyo na." nakangiting sabi ni tita Roan. Nagkatinginan kami. Maganda si Tita Roan at hindi mo iisiping 40 years old na,ganon din naman sina Nanay at nanay Beth kung maayusan lang.
"Aba'y oo naman! Saan ba?" sagot ni Nanay. Samantalang ako,si Keez at Bless ay umakyat muna sa taas.
-----
Sakto sa semestral break ng lumipat kami. Tumulong din si Keez,medyo nanibago ako pagkalipat. Maayos ang bahay,townhouse style. Sakto para sa aming apat.
"Parang dito ko na gustong tumira." ani Keez nung gabi. Natutulog na ang mga nanay namin. Napagod siguro sa paghahakot.
"May sarili kang bahay at mas malaki dito. Halos magkapit bahay tayo." sagot ni Bless.
"Oo nga,sa katapat na subdivision ka lang." sabi ko naman.
"Pinagkaka isahan nyo talaga ako ah? Anyway,anong plano nyo next sem?" sabi na lamang ni Keez na tinawanan namin.
"Ganun pa din siguro. Sabay ulit tayong mag enroll at pare pareho ng schedule. Mabuti nga at nawala at natahimik ang mga tarantado. Nakakapagtaka talaga." ani naman ni Bless. Bigla tuloy akong napaisip.
Mula nung insedenteng pinagtanggol ako nung Kipp,nawala na mga nambu-bully sa akin,hindi na din napapa away ang dalawa,yung mga taga hanga nila tuloy pa din silang hinahangaan,hindi nga lang nawawala na pagtaasan pa din ako ng kilay at pagbulungan,pero okay na yun kesa dati. At ngayon nga,palaisipan sa akin kung sino ang Kipp Castillo na yon,bakit sya kinakatakutan? Anak kaya sya ng may ari ng school kaya ganun ang pagbabanta nya sa mga nambully sa akin?
Magta-tatlong buwan na din mula ng mangyari yon at hindi ko pa yon nababanggit kina Bless at Keez. Hindi ko na din ulit nakita yung Kipp,hindi na din ulit sya naki seat-in. At ayaw ko namang magtanong tanong at mag usisa. Hindi ko naman ugali yon.
BINABASA MO ANG
He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!
Ficción GeneralBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ NOTE - Wala po itong kinalaman sa He's Dating a beki na nauna,hindi lang po si Kellan ang nakikipag date sa beki :) kung lalabas man sila dito,for short period lang. Enjoy reading! . . . . ----- Si Nicolai "LAii/LYE" Jav...