"What are you doing here? Bakit iniwanan mo ako ng hindi nagpapa alam." pagkarinig ko nun ay parang nangatog ako at naubusan ng dugo.
"Kipp!." ang gulat kong bulalas. Para akong naubusan ng hangin,hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"May problema ba Lai? Im just asking you,kung anong ginagawa mo dito at kung bakit hindi ka nagpaalam nung umalis ka." ang mahinahon nyang sabi at titig na titig sa akin.
Umiwas ako ng tingin. Guilty ako kahit hindi ako sigurado kung may nangyari ba sa amin o wala. Pero kahit ano pa man,pangit pa din dahil wala naman kaming relasyon.
"Ah..Eh..Uhm,"
"Lai. Kanina pa kita hinahanap." boses iyon ni Bless kaya mas lalo akong kinabahan. Naramdaman ko ang paglapit nya sa likod ko. "And its not a good idea na nakikipag usap ka sa ibang tao,at dito pa." matigas na dagdag ni Bless.
Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ni Kipp,at hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari.
"Anong ibig mong sabihin?" tiim bagang na tanong ni Kipp,parang ako ang hindi makahinga dahil sa tensyon.
"It doesn't matter. Tara na Lai." sagot ni Bless at hinila na ako palayo. Tinanaw ko na lang ang napabuntong hiningang si Kipp habang palayo kami ni Bless.
"Bakit ba ganyan ka? Bakit ganon na lang ang galit mo kay Kipp?" ang hindi ko maiwasang tanong kay Bless ng makalabas kami sa gate ng university.
Nilingon ako ni Bless at hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko sa mga mata nya,nagtatagis din ang kanyang bagang,nakaramdam ako ng takot.
"Dahil may dahilan." ang mariin nyang sabi.
"Ano bang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan." ang sabi ko naman.
"Nag take advantage sya! Hindi pa ba malinaw yon? Nilasing ka nya,tapos magkatabi pa kayong natulog. What is that supposed to mean?"
"Dahil lang dun? Ang babaw!" singhal ko din sa kanya.
"Is that true? Dun ka natulog kina Castillo? Magkatabi pa kayo?" boses ni Keez iyon. Wala akong nagawa kundi ang marahas na mapabuga ng hangin.
"Walang patutunguhan ang usapang ito." ang sabi ko at naglakad palayo. Nadinig kong tinatawag nila akong dalawa pero lumihis ako ng daanan at nagtago.
Ayaw ko munang makipag usap sa kahit kanino. Gusto ko munang mapag isa. Masyadong kumplikado para sa akin ang mga nangyayari.
Una,kung may nangyari ba sa amin ni Kipp o wala? Pangalawa,bakit ganon na lang ang mga reaksyon nina Bless at Keez? Dati si Keez ang umasta ng kakaiba nung magkasama kami ni Kipp,ngayon naman si Bless. Hindi ko sila maintindihan at wala akong maintindihan.
Nang masiguro kong wala na sila ay saka ako lumabas ng pinagtataguan ko. Kailangan ko muna mag isip,kailangan kong magpahangin,kailangan kong mapag isa.
Kaya ang ginawa ko ay nagpunta ako sa isang plaza. Naupo ako sa swing at nagmuni-muni.
Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi naman kami ganito dati. Masaya kami,walang gulo. Pero ng dahil kay Kipp umaakto sila ng kakaiba. Ano bang ayaw nila kay Kipp? Dapat nga intindihin nila ito dahil nga sa nangyari dito. Pero ano ba ang rason nila?
"Pag nahabol kita wala ka ng kawala!" sabi ng isang batang lalaki sa di kalayuan.
"Kung mahahabol mo!" sigaw ng isa ding batang lalaki at nanakbo sa harapan ko.
"Ang daya nyong dalawa!" sigaw ng isa pang batang lalaki. Napangiti ako. Ganyan din kami noong mga bata pa kami.
Tumayo na ako,hindi dapat naaapektuhan ang pagkakaibigan namin,kakausapin ko sila para maresolbahan,ayokong masayang ang pagkakaibigan namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/8715856-288-k844308.jpg)
BINABASA MO ANG
He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!
Ficción GeneralBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ NOTE - Wala po itong kinalaman sa He's Dating a beki na nauna,hindi lang po si Kellan ang nakikipag date sa beki :) kung lalabas man sila dito,for short period lang. Enjoy reading! . . . . ----- Si Nicolai "LAii/LYE" Jav...