"B-bless." ang pag awat ko sa kanya. Pero parang wala syang naririnig. Hinahalikan na nya ang tenga ko pababa sa aking leeg na lalong tumutupok sa aking lakas.
"Ang tagal kitang inalagaan,ngayon hindi ko na kaya pang magkunwari na wala sa akin ang lahat." at iniangat nya ang damit ko. Nagulat ako kaya naitulak ko sya. Hindi tama ito.
"Lasing ka. Huwag kang ganyan please." ang naluluha ko ng sabi. Naguguluhan na ako sa nangyayari.
"P-pasensya na." aniya at naupo sa kama. Hawak nya ang kanyang ulo at para bang gulong gulo sya. Ang bilis ng tibok ng puso ko,hindi pwede ang gusto nya,may iba akong gusto.
"K-kalimutan nating nangyari ito Bless." sabi ko at lumabas na.
Tinext ko si Kipp na nasa byahe na ako. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari. Bakit naging ganon si Bless? Para na syang si Keez,nagiging wirdo,may mga sinasabing hindi ko maintindihan.
Oo,gusto ko si Keez at Bless,bilang mga kaibigan,maaaring overprotective kami sa bawat isa pero hanggang don lang yon. Napatunayan ko kasi sa sarili ko na si Kipp ang mahal ko. Oo masyadong mabilis pero wala naman yan sa bilis o tagal ng pagkakahulog mo sa isang tao,ang mahalaga ay nagmahal ka.
Ngayon,hindi ko na alam kung paano pa haharapin si Bless. Paninindigan ko na lang ang sinabi kong kakalimutan ko ang nangyari. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.
At kung dadating ang panahon na malaman nila ang sa amin ni Kipp ay haharapin ko sila,ipaglalaban ko si Kipp. Magagalit sila,oo. Pero alam kong pag nagtagal ay maiintindihan din nila ako.
"Buti na lang at hindi ako umuwi." ang nakangiting salubong sa akin ni Kipp ng dumating ako.
"Pasensya na kung late. Tinulungan ko pa kasi sina Nanay eh." ang pagsisinungaling ko at ngumiti.
"Napaka bait na anak. Tara sa bahay na lang tayo. Im sure kakadating lang ng parents ko." anyaya nya at binuksan na ang pinto sa frontseat ng kotse nya.
"Hindi ba nakakahiya?" ani ko at tiningnan sya.
"Bakit ka mahihiya. Diba ito na ang pangalawang beses mo?" aniya. Agad akong namula. Oo ito ang pangalawang beses na makakapunta ako sa bahay nya,pero yung una ay pareho kaming lasing.
"Youre blushing. Sakay na."
Nang makarating kami sa bahay nila ay naabutan namin sa living room ang kanyang mga magulang.
"Mom,Dad. This is my friend Lai. At may gagawin lang po kami saglit."
Tinitigan ako ng mga magulang nya. Natakot ako sa paraan ng pagtingin nila sa akin. Para bang nagsasabi na hindi ako kailangan dito.
"G-goodevening po." ang kinakabahan kong pagbati sa mga ito.
"Its very surprising na ngayon ka lang ulit nagdala ng kaibigan dito." ani ng Mom nya.
"Be careful son." sabi naman nung Dad nya. Natakot tuloy ako lalo. Bakit ganon silang magsalita? Bigla kong naalala ang sinabi nina Bless at Keez dati,na nakapatay na si Kipp.
Ipinilig ko ang aking ulo,hindi naman siguro ako ipapahamak ni Kipp.
"Are you okay Lai?" ani Kipp ng makapasok kami sa kwarto nya.
"Medyo natakot lang ako sa parents mo." ang pagsasabi ko ng totoo. Umupo sya sa kama kaya naupo na din ako.
"Pagpasensyahan mo na. Istrikto talaga sila kasi nga diba may nangyari sa akin?" aniya habang nagtatanggal ng mga medyas at sapatos.
"Sabagay." ang tangi ko lang nasabi. "Uhm,ano bang gagawin natin?"
Tumingala sya at nginisihan ako. Kumalabog ang puso ko bigla. "Yung ginawa natin dati,pero iba ng konti. Naadik ako eh." at humagikgik sya. Napalunok ako. Talaga bang pumapayag ako?
BINABASA MO ANG
He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!
General FictionBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ NOTE - Wala po itong kinalaman sa He's Dating a beki na nauna,hindi lang po si Kellan ang nakikipag date sa beki :) kung lalabas man sila dito,for short period lang. Enjoy reading! . . . . ----- Si Nicolai "LAii/LYE" Jav...