"Wala ka bang naaalala sa ating dalawa?"
"What are you talking about?" ang gulat na sabi ni Kipp.
No,hindi pwede. Dumating na ang araw na kinakatakutan ko. Panaginip lang ito,panaginip lang.
"W-wala talaga? Yung tungkol sa atin? Yung mga nangyayari sa atin?" maluluha ko ng tanong. Nagsalubong ang mga kilay ni Kipp at saglit na nag isip.
"Yeah. I remember now. Ikaw yung ginagamit ko pag tinatamaan ako ng libog. Salamat ah? I had a good time." aniya at tumalikod ng pagkakahiga. "Makaka alis ka na." ang dagdag pa nya.
Labag at mabigat man sa kalooban ko ay tumayo na ako at lumabas na lamang ng clinic.
Hindi ko na napigilan ang mga luhang naglandas sa aking pisngi mula sa aking mga mata. Ang sakit,harap harapan nyang sinabi na ginagamit nya ako.
Pero paano nangyari yon? He was telling me that he likes me. Kung bumalik na yung alaala nya,hindi naman mawawala yung alaala nya nung mga time na nawala yung dati nyang alaala.
Was it true? Totoo ba ang mga sinabi nya na ginagamit nya lang ako? Ganun na lang ba nya kadaling kalimutan ang tungkol sa amin porket nagbalik na ang mga alaala nya?
Napakasakit,ang sikip at bigat sa dibdib. Parang unti-unting hinihiwa ang puso ko. Bakit sa akin nangyari ito? Kung kailan na ibigay ko na ang buong ako,kung kailan naibigay ko na ang buong pagmamahal ko?
Wala sa sariling napa upo ako sa isa sa mga benches.
Sinisi ko ang sarili ko dahil masyado akong nagpadala sa bugso ng damdamin ko. At ito nga ang kinabagsakan ko.
Dahil sa nangyari ay sumama na ang pakiramdam ko. I don't feel like staying pa dito sa campus. Ayokong makita at mapansin ng lahat kung gaano ako kamiserable.
Umuwi ako. Naabutan ko sina Nanay na naglilinis sa bahay. Nilampasan ko siya,tinawag ako ni Nanay pero hindi ko sya pinansin.
Pagdating sa kwarto ay agad kong ini-lock ang pinto. Dumapa ako sa kama at ibinuhos ko lahat ng sakit ng damdamin.
Saan ba ako nagkamali? Minahal ko naman sya ah? At nung mga panahon na yon nararamdaman ko din naman na pinapahalagahan nya ako. I tried to reason with my self na baka dahil nga talaga sa amnesia. Pero hindi,sa kanya mismo nanggaling na naalala nya,sa kanya mismo nanggaling na ginamit nya ako.
Kung sana ay nakinig lamang ako kina Bless at Keez. Pero wala na akong magagawa. Kailangan huwag ko na lang ipahalata sa kanila,kailangan ipakita ko pa din na matatag ako. Kahit na ang totoo ay nadudurog na ako.
Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung isang kanta,na kung sino pa daw ang marunong magmahal ay sya pang madalas maiwan.
Napahagulhol na naman ako. Naaalala ko kasi yung mga panahong nagkakilala kami ni Kipp,hanggang sa mga panahon na nagkakaintindihan na kami,hanggang sa may paulit ulit ng nangyayari sa amin.
Ginamit nga lang ba talaga ako ni Kipp? Ginawang katuwaan at pampalipas ng libog nya? I don't know. Hindi ko na alam ang dapat isipin.
Nagising na lamang ako na parang nilalamok. Napadilat ako ng mga mata,gabi na pala. Tumayo ako at binuhay ang ilaw,saka lumapit sa bintana at isinara ito.
Naging maginhawa nga ang buhay namin pero may kapalit pala. At ang bigat lang dahil sabay sabay. Umamin sa akin ang dalawa kong bestfriend na mahal nila ako,pero pinili ko si Kipp kaya nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan. At ngayon nga,ang taong pinili ko at ipinaglaban ko ay harap-harapan akong idinespatsa na parang isang bagay na wala ng silbi.
Ano pa ba ang mas masakit na mararanasan ko?
"Anak,hapunan na! Kumain na tayo!" sabay katok sa pinto.
"Sige Nay,mauna na kayong bumaba,susunod na ako." ang sagot ko naman at tinungo ang cabinet,kumuha ng damit pang bahay at nagpalit.
Pagbaba sa komedor ay nakahanda na ang pagkain. Nakakapanibago dahil dalawa lang kami ni Nanay na kakain ng hapunan. Buong buhay ko mula pagkabata ay kasabay na namin sa hapunan sina Bless at Nanay Beth.
"Hindi ka pa ba titigil sa trabaho mong iyan anak? Mukhang pagod na pagod ka na ah? Pwede namang bumalik ako sa pagtitinda." nag aalalang sabi ni Nanay matapos magdasal.
"Kaya ko pa Nay,after graduation ni Bless ay maghahanap na ako ng ibang trabaho." ang sagot ko naman at nagsimula na ding kumain.
"May problema ba anak?"
"Bakit naman po?" ang taka kong tanong.
"Eh kasi,hindi man lang nagpaalam sayo bago umalis. At napapansin ko din na ilang araw ng hindi pumupunta dito si Keez." sabi ni Nanay. Nalungkot na naman ako pero nginitian ko na lamang sya.
"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay magpapansinan at magkakasama kami Nay. Kayo talaga." sabi ko na lang at tinapos na namin ang pagkain dahil papasok pa ako sa trabaho.
Pagdating sa trabaho,kahit gaano ko kagusto magfocus ay hindi ko magawa. Lagi na nga ako nasisita ng mga kapwa ko Crew.
"Nicolai,kung ano man ang problema mo sa bahay ay huwag mong dalhin dito. Naaapektuhan ang trabaho mo eh."
"Pasensya na po."
Hindi katulad dati ay walang masyadong costumer ngayon. Pag ganitong wala masyadong tao ay napapatingin na lang ako sa entrance,umaasang dadating si Kipp,ngingiti at kakausapin ako.
Hanggang sa sunod sunod ang pagkurap ko dahil sa nakita.
Totoo ba ito? Nananaginip ba ako?
Nakatayo sa labas si Kipp at parang may hinihintay. Pero ganon na lamang ang pagbagsak ng mga balikat ko ng may dumating na babae.
Lumapit ito kay Kipp,naghalikan sila saglit at pumasok dito sa loob.
Kahit parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko ay umayos ako. Kahit pa gusto ng pumatak ng mga luha ko ay pinigilan ko.
Nakalapit na sila kaya kailangan ko ng gawin ang trabaho ko.
"Welcome to Mcdonalds. Anong pong order nyo?" pilit ang ngiting sabi ko.
"Hindi ko alam kung anong kakainin." ani ng babae. Maganda sya,maputi,makinis,straiht ang makintab na buhok.
"Kahit ano,yung mabubusog ka. Baka magutom ka mamaya." nakangiting sabi ni Kipp sa babae. Pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ako dapat magpakitang mahina.
"Maam?" ang pagpukaw ko dito. Tiningnan ako ni Kipp. Kumalabog na naman ang puso ko. Pero ang pagtingin nya sa akin ay parang wala lang talaga sa kanya,kahit man lang recognition ay hindi ko makita sa mga mata nya.
"Ay sorry! Ito na lang order ko." sinabi na nito ang order at inihanda ko na. Nang nakapwesto na sila sa napili nilang mesa ay hindi ko sila maiwasang tingnan.
Dati ako ang lagi nyang kasama. Hindi ko inintindi ang mga bestfriend ko dahil mahal ko sya,pero ganun kadali lang nya pala akong itatapon.
Nang natapos na ang shift ko bandang 1AM ay napagdesisyunan kong uminom. Diba nga ang taong problemado sa pag ibig ay umiinom ng alak?
Sa bar na pinagtatrabahuhan ni Bless ako nagpunta. Napansin ko agad na may iba silang barista.
"Maglalasing ako." ang sabi ko sa sarili ko at tinungo ang bar counter.
"Bigyan mo nga ako ng pinaka matapang na alak na timpla mo." sabi ko ng makaupo sa stool.
"Right away,Sir!" anito at ngumiti. Gwapo itong bago nilang barista at mukhang ka edad namin nina Keez at Bless.
"Anong pangalan mo? Pwede ka bang maka kwentuhan? I just need someone to talk to." ang malungkot kong sabi.
"Im Chase sir! Sure!" nakangiti nitong sabi at iniabot ang alak.
"Sir ka ng sir! Obvious naman sa ichura ko na bading ako diba?,just call me Lai." sabi ko. "Wow! Mukhang matamis!" sabi ko pa dahil mukhang matamis na candy ang itsura ng alak.
"Im sorry! Naku Lai,dahan dahan! Matapang yan."
Ngumiti ako at tinungga ang alak. Napangiwi ako ng gumuhit ang pait at init sa lalamunan ko. "Ang tapang nga! Pero ganito gusto ko! Para makatulog agad."
"Nako Lai,hindi solusyon ang alak sa problema!"
"Haay! Ang bigat na Chase! Parang sasabog na ang utak at puso ko." maiyak iyak kong sabi. "Isa pa!"
Nakangiting napailing si Chase pero tinimplahan nya pa din ako ng alak. Hanggang sa napadami na ang inom ko at naidaldal ko na sa kanya lahat.
"Tama na yan! Ang dami mo ng nainom at magsasara na din ang bar o." dinig kong sabi ni Chase. Nakayuko na ako at sobrang nahihilo. Pero kahit pala nakainum ka na,mararamdaman mo pa din ang sakit,hindi pala mawawala yon.
Naramdaman kong may bumuhat sa akin,hindi ko na maidilat ang mga mata ko at wala na din akong masyadong madinig. Matapang nga yung timplang alak ni Chase,pero hindi naman nawala yung sakit na nararamdaman ko. Naiisip ko pa din si Kipp,at kung paano nya harap harapang sinabi na ginamit nya lang ako.
May mga nadidinig akong boses pero dahil lango na ako sa alak ay hindi ko na makilala. Hanggang sa maramdaman ko na lamang na sumandal na ang likod ko at may bumuga na malamig na hangin.
Naisip ko na baka ihatid ako ni Chase,tutal naman naidaldal ko sa kanya kanina kung saan ako nakatira. Gusto kong dumilat at magpasalamat pero hindi ko na talaga kaya. Naisip ko din na kung may gagawing kalokohan si Chase ay ayos lang siguro,tutal nagago at nababoy na din naman ako ni Kipp ng maraming beses.
Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Hindi ko alam kung gaano katagal pero naramdaman ko na lang na parang may humahalik sa akin. Kahit hindi ko pa naididilat ang aking mga mata ay tinugon ko ang halik,hanggang sa makaramdam na ako ng kakaibang init.
Lumalim ang halik at naramdaman ko na lamang na kapwa na kami walang saplot. Idinilat ko ang mga mata ko,madilim ang paligid,pero sigurado akong nasa kama kami.
Hanggang sa iangat nito ang mga paa ko at ipatong sa mga balikat nya at dahan dahan akong pinasok.
Nanlaki ang mga mata ko kahit madilim. Damang dama ko ang laki at taba nito na dahan dahang bumabaon sa akin,hindi ko mapigilan ang mapa ungol.
Nagising ako na parang may mainit na tumatama sa mukha ko at parang may nakapatong sa akin.
Pagdilat ng mga mata ko ay kumalabog ang dibdib ko. Siya yung katalik ko kagabi? Sya yung nakayakap sa akin ngayon habang tulog.
Si Keez.
Anong nangyari?
BINABASA MO ANG
He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!
General FictionBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ NOTE - Wala po itong kinalaman sa He's Dating a beki na nauna,hindi lang po si Kellan ang nakikipag date sa beki :) kung lalabas man sila dito,for short period lang. Enjoy reading! . . . . ----- Si Nicolai "LAii/LYE" Jav...