"Ugh!" ang sakit ng ulo ko. Anong nangyari?
Maingay,tunog ng mga busina,boses ng mga tao. Kaya agad akong nagdilat ng mga mata. Nakita ko na nakapatong sa akin si Kipp,duguan ang ulo,nagtayuan ang mga balahibo ko.
"K-kipp?!" iniligtas nya ako!
"M-mabuti a-at o-okay k-ka." aniya ng tingnan ako,ngumiti sya at muling pumikit.
"K-kipp!!" nagpalinga linga ako sa paligid. Ang dami ng tao pero wala man lang lumapit. "Tulungan nyo kami!!" sigaw ko pa.
"Nicolai!!" boses iyon ni Bless. Agad syang lumapit sa amin.
"Bless! Dalhin natin sa ospital si Kipp!" ang umiiyak ko ng sabi. Natatakot ako,natatakot ako na tuluyan ng mawala si Kipp. Hindi ko kakayanin.
"Sige,akin na sya." at maingat na binuhat ni Bless si Kipp. May dumating ng ambulansya. Dahan dahan akong tumayo kahit na nanlalambot ang aking mga tuhod.
Mabilis naming nadala sa ospital si Kipp. Agad syang ipinasok sa Emergency room,at ako naman ay ipinasok din doon para macheck at magamot ang mga sugat.
Nang malapatan na ng lunas ang mga sugat ko ay tiningnan ko si Kipp na inaasikaso pa din ng mga duktor at nurse.
"Kailangan syang masalinan ng dugo." sabi ng duktor.
"A-ako po. Pwede akong mag donate." ang pagpresinta ko kahit nakahiga pa.
"Hindi ka pwede,mahina ka pa. May kasama ba kayo?"
"Opo,nasa labas,si Bless." ang malungkot kong sagot. Wala man lang akong magawa para matulungan si Kipp.
Niligtas nya ako,ibig sabihin nun ay mahalaga ako sa kanya.
Lumabas ang duktor,at pagkalipas lamang ng halos 20minutes ay bumalik na ito kasama si Bless.
"Tapos na namin macheck ang dugo nya,pareho sila ng bloodtype." sabi ng duktor. Nagpasalamat ako.
"Magpahinga ka muna,pag gising mo ay tapos na ang lahat." ani Bless ng lumapit sa akin,hinalikan ako sa noo at napanatag na ako.
Matapos masalinan ng dugo si Kipp ay okay na din ako,nasa lobby lang kami ng hospital at hinihintay namin nina Bless sina Nanay pati na ang parents ni Kipp. Samantalang si Kipp naman ay inilipat sa private room.
Hindi ako mapalagay dahil alam kong dahil sa akin kung bakit nakaratay ngayon sa hospital bed si Kipp at walang malay.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo Nicolai. Aksidente ang nangyari." ani Bless at niyakap ako. Ang bigat lang kasi talaga sa dibdib,parang puro kamalasan na lang ang nangyayari.
May naalala ako bigla,pero hindi ito ang tamang panahon para kausapin si Bless tungkol dun sa narinig ko.
"Maaari na syang puntahan sa private room. Nakausap ko na din ang doctor nya at papunta na sila dito kasama ang Castillo family." sabi ng duktor,agad kaming napatayo ni Bless at sinundan ang duktor.
Pagpasok namin ay tulog pa din si Kipp.
"Anak? Lai? Ayos ka na ba?" napalingon kami ni Bless. Si Nanay kasama si Nanay Beth. Pumasok din sila sa loob.
"Okay lang ako Nay,galos lang ang natamo ko." ang sagot ko at agad akong niyakap ni Nanay.
"Natakot ako anak,kinabahan kami ni Nanay Beth mo." ang maluha luhang sabi ni Nanay matapos akong yakapin.
"Okay lang po ako."
"Anak sino yan?" sabi ni Nanay Beth sabay turo kay Kipp. "Akala namin si Nicolai maaabutan naming ganyan. Salamat talaga sa Diyos."
"Si Kipp po. Sya ang nagligtas sa akin." ani ko at naglakad palapit kay Kipp. Hinila ko ang isang monoblock at itinabi sa kama saka naupo dito. "At nagdonate din po si Bless ng dugo sa kanya,ang swerte nga,magkapareho sila ng bloodtype."
"Talaga? Ang bait talaga ng anak ko!"
"Nay,pag may nangangailangan ng tulong,dapat tulungan." sabi ni Bless. Napangiti ako,ang swerte nung Emerald. Sayang nga lang at hindi si Bless ang tinitibok ng puso ko.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang duktor,kasunod nun ay ang mga magulang ni Kipp,bigla akong natakot at nahiya kaya agad akong tumayo at tumabi kay Nanay. Hindi nila kami pinansin,ni hindi nila kami tinapunan ng tingin.
"How was he?" tanong ng Mom ni Kipp.
"He's in comatose. Kung kailan sya gigising ay hindi natin alam,nakausap ko ang duktor nyo kanina at nalaman kong nangyari na din pala ito kay Kipp noon." diretsong sagot ng duktor.
"My son!" at biglang umiyak ang Mom ni Kipp.
"Calm down," sabi ng Dad nito at inalo ito.
Nanlambot ako bigla. Comatose si Kipp at iyon ay dahil sa akin. Gusto kong umiyak pero idinaan ko ito sa paghinga ng malalim.
Napalingon sa amin ang Mom ni Kipp. Tiningnan ako nito ng masama.
"May kinalaman ka ba dito?"
Hindi ako nakasagot at tumulo na lamang ang mga luha ko.
"Ikaw lagi ang dahilan!"
"Merced! Calm down!"
"Teka ho,aksidente ang nangyari!" pagsingit ni Bless. Napatingin sa kanya ang Dad ni Kipp at natulala.
"Huwag nyo ho sanang sisihin ang anak ko." ani Nanay.
"kung masama sa inyo na nandito kami ay aalis na kami. Sana hindi na nagdonate ng dugo ang anak ko!" biglang sabi ni Nanay Beth,sa kanya nabaling ang atensyon namin.
"Maribeth?" sabi ng Dad ni Kipp. "Anak mo sya? Sya ang nagdonate ng dugo kay Kipp?" ang parang gulat nitong sabi.
"Ako nga Pete,at oo,anak ko sya!" matapang na sagot ni Nanay Beth.
Bigla akong naguluhan,nagkatinginan kami ni Bless,ang mga mata namin ay parehong nagtataka.
"What's the meaning of this Pete?" naguguluhan ding tanong ng Mom ni Kipp.
Hindi agad sumagot ang Dad ni Kipp,huminga ito ng malalim.
"Excuse me. Just call me if you need anything." biglang paalam ng duktor at lumabas na.
"Sya ba ang anak ko Maribeth? Sya ba?" ang sabi ng Dad ni Kipp,kasabay ng pagtulo ng mga luha nito.
"Anak?"
"Oo Pete,sya ang bunga ng pang gagamit mo sa akin! Tara na anak!" matapang na sagot ni Nanay Beth at hinila si Bless na naguguluhan at mukhang nagulat sa mga narinig. Maging ako ay parang umurong ang mga luha ko.
Magkapatid sina Bless at Kipp?
"I can't believe this! Niloko mo ako ng ilang taon Pete!" ang pag hysterical ng Mom ni Kipp.
"Calm down and shut up Merced! You knew na pangalawa ka! Kaya huwag kang umakto ng ganyan! Umpisa pa lang ay alam mo ng may nauna saiyo!" ani ng Dad ni Kipp at bumaling sa amin ni Nanay na gulat na gulat pa din. "Alam nyo ba ang bahay ng mag ina ko?"
"M-magkasama kami sa bahay sir!" ang natatarantang sagot ni Nanay. Napatingin ako kay Kipp na mahimbing pa ding natutulog. Magustuhan kaya nya ang nangyayari? Matanggap kaya nya na magkapatid sila ni Bless?
"Pete! Uunahin mo pa sila kesa sa anak mo?!"
"Merced! Youre being so selfish! Gusto kong maayos na ang lahat pag nagising na si Kipp!"
"Ah,eh. Sige po,aalis na muna kami." ang sabi ko at hinila palabas si Nanay.
Hindi pa din ako makapaniwala sa mga rebelasyon. Kaya pala nung unang dating nina Nanay Beth at Bless sa buhay namin ay hindi naman sila mukhang galing sa probinsya,kahit bata pa lang kami nun,alam ko ng mukhang mayaman si Bless pero hindi ko iyon binigyang halaga dahil bata pa nga kami.
Kahit nakakabigla ay masaya ako para kay Bless dahil alam nya ng buhay pa ang tatay nya,hindi gaya ko,bata pa lang ay namatayan na ng tatay. Sana magkaayos sila.
At si Kipp? Matanggap kaya nya? Sana magising na sya,gusto ko syang pasalamatan at iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko.
Pagdating namin sa bahay ay si Nanay Beth lang ang nandun,umiiyak sa sala kaya agad nilapitan ni Nanay,ako naman ay dumiretso sa kwarto ni Bless,pero wala sya dun. Kaya napagdesisyunan kong magpaalam kina Nanay na hahanapin ko lamang si Bless sa labas.
Nahirapan akong hanapin si Bless,hanggang sa makarating ako sa Basketball court ng subdivision. Nakita ko sya,mag isang nagdidribol saka nag shoot. Napapalakpak ako kaya napalingon sya.
Sumenyas syang lumapit ako,pagkalapit ko ay naupo kami sa pinakababang bleacher.
"Kamusta na ang pakiramdam mo Nicolai?" ang agad nyang tanong.
"Ayos lang,galos at sugat lang naman." ani ko.
"Magigising din si Kipp. Alam kong lalaban yon para saiyo." aniya na ikinagulat ko.
"Sana nga. Pero hindi pa din ako titigil. Alam kong mahalaga ako sa kanya kaya nya ako iniligtas." malungkot kong sabi.
"Matagal ko ng alam na buhay pa ang ama ko at may kapatid ako,pero hindi ko inaasahan na sila iyon." pagkuwa'y sabi ni Bless,tinitigan ko sya hudyat na nakikinig ako. "Ngayon mas makakapag paraya na ako,knowing that sa kapatid ko ikaw mapupunta. I know na mabait sya. Natakot lang siguro ako talaga noon na mapunta ka sa iba at mapahamak." dagdag nya.
"Sabi nyo ni Keez,at sabi din mismo ni Kipp sa akin na delikado syang tao. Dahil ba iyon sa sinabi nyo sa akin dati?" ang tanong ko naman.
"Oo. Pero ngayon naiintindihan ko na. Hindi naman sadya iyon ni Kipp siguro. Kahit ako ang nasa kalagayan nya that time ay baka yun din ang gagawin ko. Patawarin mo sana ako Nicolai dahil nagalit ako ng malamang naging kayo,mahal lang talaga kita,mahal na mahal." aniya,kita ko kung paano mamula ang kanyang mga mata,nakakapanghina,nasasaktan sya dahil sa akin. "Pero ngayon ay ayos na ako."
"Patawarin mo din ako,mahal kita bilang bestfriend,patawad kung hindi ko masuklian ang pagmamahal mo,si Kipp talaga ang tinitibok ng puso ko." ang sabi ko naman at niyakap sya.
Katahimikan.
"Ano ng balak mo?" ang tanong ko naman.
"Tatanggapin namin ni Nanay si Kipp at Tito Pete. Pero hindi kami makiki apid sa pamilya nila. Kailangan pa naming mag usap usap. At pag nagising ang kapatid ko,kailangan din naming mag usap."
Napangiti ako. Sana,katulad ako ni Bless na malawak ang pang unawa,napaka bait nyang tao,panigurado magugulat si Keez pag nalaman nya ang lahat ng ito. At isa pa,kung sino man ang Emerald na iyon,napaka swerte nya kay Bless.
"Teka,may dapat kang aminin sa aming lahat."
"Ano naman iyon? Wala akong inililihim sa inyo."
"Ang tungkol kay Emerald at sa magiging anak nyo."
BINABASA MO ANG
He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!
Fiction généraleBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ NOTE - Wala po itong kinalaman sa He's Dating a beki na nauna,hindi lang po si Kellan ang nakikipag date sa beki :) kung lalabas man sila dito,for short period lang. Enjoy reading! . . . . ----- Si Nicolai "LAii/LYE" Jav...