Naalimpungatan ako,masakit ang ulo at katawan ko kaya nagmulat ako ng mga mata,may kakaiba din kasi akong naaamoy,amoy gamot. Ngunit pagkamulat ko ng mga mata ko eh nabigla ako sa mga nakita. Mga taong hindi ko kilala,inilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa ospital nga ako.
"Sino kayo? Nasan sina Bless at Keez? Anong nangyari?" ang magkakasunod kong tanong at pilit binabalikan sa isipan kung ano nga ba ang nangyari at nandito ako sa ospital.
"Kalma lang, ako nga pala si Lyle,at ito ang asawa kong si Kellan,at ito naman si Amiel,kaibigan ni Bless." nakangiting sabi ng isang baklang napaka ganda. Namangha ako. Napatingin ako dun sa Kellan,asawa nya yang gwapong yan? At itong Amiel,kaibigan ni Bless? Bakit hindi ko kilala?
"Alam kong nagtataka ka,naging kaibigan ko si Bless sa bar,pinayuhan nya ako nung broken ako sa tol ko." pagkuway sabi nung Amiel. Tol ko? Ibig sabihin lalaki ang dyowa nya?
"G-ganon ba? Nasan sila? Alam na ba ito ng mga nanay namin? Pano ako napunta dito?" sunod-sunod ko uling tanong.
"Pauwi na kami,nakita naming binubugbog ka,galing kasi kami sa Club Ford,tapos namukhaan nitong si Amiel si Bless kaya bumaba kami at lumapit. Kaso,matigas ang mukha ng dalawa mong manliligaw,ipinakiusap samin na dalhin ka dito dahil grabe ang bugbog mo." mahabang paliwanag nung Kellan.
"At dahil nga matigas ang ulo nila,igaganti ka daw nila. Teka,masakit pa ba katawan mo?" sabi nung Amiel.
"Ha?! Gaganti! Naku hindi pwede!" gulat kong sabi at a-ambang tatayo pero nanakit at kumirot ang katawan ko.
"Huwag kang masyadong kumilos baka lalong lumalala yan. Papunta na dito nanay niyo ni Bless." pag awat sakin nung Lyle at hinawakan ang mga kamay ko.
"Pinasundan na namin sila kay Kyroo kasama ng iba naming tropang lalaki para walang maganap na gulo. Mag relax ka at magpagaling." sabi pa nung Amiel.
"Hindi mapapahamak mga manliligaw mo,huwag kang mag alala,mukhang kakayanin din naman nila yung mga bumugbog sayo eh." dagdag nung Kellan.
"Hindi ko sila manliligaw,mga bestfriends ko mga yon. Haay,ayokong napapahamak sila dahil sa akin." malungkot kong sabi. Biglang hinawakan nung Lyle ang mga kamay ko at ngumiti.
"Matatapos din lahat ng to,maging matapang at pakatatag ka lang. Madami pang dadaang pagsubok sa inyo. Bastat magkakasama kayo,kakayanin nyo yan. Kami nga ni Kellan at ng tropa kinaya namin,walang bumitiw sa amin hanggang sa huli."
Napa maang at humanga ako. Sino ba ang mga to at ang babait nila? Napaka swerte naman ni Bless at nakilala nya ang mga ito. Parang bigla akong nainggit na tapos na sila sa mga paghihirap sa buhay. Sana kami din kayanin namin.
Bumukas ang pinto ng kwarto,magkasunod na pumasok si nanay at nanay Beth.
"Anak! Anong nangyari?" agad na lumapit si nanay na mangiyak ngiyak pa.
"Grabe anak ang dami mong galos at pasa! Uhm si Bless?" segunda naman ni Nanay Beth.
"Magkasama po sila ni Keez,babalikan daw yung nagtrip sa amin. Pero huwag po kayong mag alala,may mga kasama silang pipigil sa gulo."
"Pati si Keezue? Tsk! Tigas talaga ng ulo ng dalawang yon! Pati ba sila nabugbog din?" ani nanay Beth.
"May mga pasa at galos din po."
"Naku! Grabe talaga mga yon,makikipag patayan para sa inyong tatlo,sana ayos lang sila." ani nanay at umupo sa tabi ko,hinaplos ang mukha ko. "Baka magalit si Maam Roan" dagdag ni nanay na ang tinutukoy ay ang Mommy ni Keez.
"Sya nga pala Nay at Nay Beth,silang tatlo ang nagdala sa akin dito,mga kaibigan sila ni Bless,sina Lyle,Kellan at Amiel." pagpapakilala ko sa kanila. Magalang namang tumugon ang tatlo at hindi nagtagal ay nagpaalam na din.

BINABASA MO ANG
He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!
Ficción GeneralBOYXBOY GAY BROMANCE YAOI ~ NOTE - Wala po itong kinalaman sa He's Dating a beki na nauna,hindi lang po si Kellan ang nakikipag date sa beki :) kung lalabas man sila dito,for short period lang. Enjoy reading! . . . . ----- Si Nicolai "LAii/LYE" Jav...