Beki fifteen!

9.9K 291 30
                                    

Hindi ko alam,pero para akong nabingi sa sinabi ni Bless,parang yung paghinga ko na lamang at tibok ng puso ko ang naririnig ko.

"A-anong sabi mo?" ang hindi ko makapaniwalang tanong kahit na malinaw naman ang pagkakadinig ko.

"Mahal kita. Noon pa Nicolai." ang malambing nyang sabi. Parang dinudurog ang puso ko.

"Mahal ko si Kipp." ani ko. Napapikit ako ng makita ko kung paanong namuo ang mga luha nya sa gilid ng kanyang mga mata. Ayoko nito,ayokong nasasaktan sya dahil sa akin kahit na sinasaktan nila ako ni Keez sa pagpigil sa pagmamahalan namin ni Kipp.

Nasira kami ng pagmamahal ko kay Kipp pero hindi ko kayang bitawan si Kipp. Ngayon lang ako nagmahal,pwede naman sigurong pag usapan namin ito. Pero alam ko sa sarili kong mahirap na. Lalo na at buo ang desisyon kong panindigan si Kipp.

Napamulat ako ng marinig ko ang malalim na paghinga ni Bless. At dun ko lang narealized na halos hindi na din ako humihinga.

"I understand. And Im sorry." aniya at lumabas na.

Nanghihina ako kaya umupo ako sa kama,hindi ko na mapigil ang sarili ko sa pag iyak.

Mahal ako ng bestfriend ko. Mahal ako ni Bless,pero bakit hindi ko man lang iyon napansin? Bakit sa maling pagkakataon at sitwasyon ko pa nalaman? Mahal na mahal ko si Kipp pero nasasaktan ako na nasasaktan ko si Bless. Sana hindi na lang nya ako minahal o di kaya ay hindi na lamang nya sinabi para hindi ako nakakaramdam ng ganito.

Humiga na ako at pumikit. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero ng magising ako ay ang bigat ng mga mata ko. Pagpasok ko sa banyo ay nagulat pa ako dahil namamaga ang aking mga mata.

Agad na akong naligo at nagtoothbrush. Pagbaba ko sa kusina ay si Nanay na lang ang nandun.

"Nasan po si Nanay Beth,Nay?" ani ko at naupo na. Tinitigan muna ako ni Nanay na parang sinusuri bago sumagot.

"Umuwi sa probinsya,namatay daw ang pinsan,kasama si Bless. Teka nga,bakit namamaga ang mga mata mo?"

"Nanood po kasi ako ng korean drama sa youtube. Uhm kailan daw po balik nila dito Nay?" sabi ko at nagsimula ng kumain. Hindi ko pinahalata na nagsagutan kami ni Bless kahapon.

"Baka dalawang linggo. Sige na bilisan mo na dyan at baka ma late ka. May kukunin lang ako sa kwarto ko." ani Nanay at umalis na.

Nalulungkot ako,ang bigat ng pakiramdam ko,hindi man lang kami nagka ayos ni Bless bago sila pumunta ng probinsya.

Kaya pagdating sa campus ay parang nanibago ako. Ni hindi din nagpaparamdam si Keez,at ramdam kong nagtatampo sya o galit dahil bigla ko nga silang iniwan. Naiintindihan ko,tetyempo na lamang ako para makausap sya,at pag galit sya,magpapalamig muna ako saka ko sya susuyuin.

Papunta na ako sa department namin ng matanaw ko si Keez na kasama sina Kyso,Finn at mga tropa ng dalawa na nagtatawanan. Napalingon sa akin si Kyso at sumenyas sya na lumapit ako.

Kaya kahit kinakabahan ay lumapit ako.

"Oy Lai,bakit bigla kang nawala?" ang agad na salubong ni Kyso ng makalapit ako.

"Mauna na ako guys,baka ma-late ako." ani Keez at umalis na. Gusto kong umiyak,ni hindi man lang nya ako tiningnan. Mas maganda na sana na awayin nya ako o pagalitan tulad ng lagi nilang ginagawa ni Bless,hindi yung ganito,ang bigat sa pakiramdam.

"Okay ka lang Lai?" ang pagpukaw sa akin ni Finn.

"H-ha? Uhm oo naman. Uhm kita na lang tayo mamayang break sa cafeteria." at tumalikod na ako. Agad bumagsak ang mga luha ko pagkatalikod ko pa lang. At dahil ayaw kong may makapansin ay tumakbo na agad ako.

He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon