Chapter two

346K 7.9K 364
                                    

KINABUKASAN din ay nagtungo si Kylar ng restaurant na pag-aari ng kapatid pagkatapos ng pag-uusap nila ng bayaw na si Tomi. At ngayon nga ay nasa opisina siya ng kapatid at nakikipagtalo dahil ayaw siya nitong pakinggan.

"Ate Katrina, tigilan mo nga ang kalokahan na 'to?"

"Kylar, please, huwag mo akong sermunan dahil hindi niyo na mababago ang desisyon ko. I've already hired a surrogate mother. End discussion," final na sagot ni Katrina.

"Ate, hindi niyo kailangan gawin ang natural way! Artificial insemination or vitro fertilization is much better than the natural way. Katulad ng ginawa niyo dati."

"No way! Hindi ako makikipagsapalaran ulit, Kylar. Ayaw ko nang mawalan ng anak!" Gumuhit ang lungkot at sakit sa mukha ni Katrina.

"Ate, nagkataon lang iyon. Your child had died due to SIDS at hindi makita ng mga doktor na ang dahilan niyon ay dahil sa proseso ng surrogacy. Ang anak ni Tita Melinda nabuhay, remember?"

"Yeah. They are alive but both kids have special needs at ayaw kong magkaganoon ang magiging anak namin ni Tomi or worst ay mamatayan na naman kami ng anak."

"Ate, may mga case ng successful surrogacy. Katulad ni Joel Cruz. 'Di ba, he has three sets of twins and all are healhty. Nagkataon lang na may deperensiya ang anak ni Tita Melinda at isinisi nila sa proseso ng surrogacy."

Napakunot-noo si Katrina.

"How did you know about Joel Cruz? Nag-research ka bago ka nagpunta rito 'no?" Ngumisi ang kapatid niya at pinatirik naman niya ang mata.

"At sana nakita mo rin ang mga negative results ng vitro fertilization."

Nakita nga niya ang ibang resulta ng surrogacy. Ayon sa ilang blog na nabasa niya about surrogacy, maraming naging successful pero marami rin siyang nabasang hindi successful. Ang ibang bata ay sakitin at ang iba ay lumalabas na special child, even though wala naman talagang nagpapatunay na ang ginawang procedure ng surrogacy ang naging dahilan kung bakit ganoon ang naging epekto sa mga bata. But those parents strongly believed na ang surrogacy procedure ang dahilan. Katulad ng paniniwala ng Tita Melinda niya na dalawang beses ginawa ang traditional surrogacy dahil katulad ng kapatid niya ay walang kakayanang mag-concieve ng bata. Parehas na lumabas na special child ang mga bata at ang paniniwala ng Tita Melinda niya ay dahil iyon sa ginawang procedure.

"Nakita mo rin ba kung paano alagaan ni Joel Cruz ang mga bata? The nannies were always wearing a mask to protect the children from catching illness dahil nga sensitive sila, mahina ang kanilang immune system. Hindi ko gusto na magkakaanak pero hindi niya mae-enjoy ang buhay at ang mas malala kung magiging katulad ng anak ni Tita Melinda o sapitin ulit ang katulad sa nangyari sa anak namin. So, please, Kylar, do understand me."

"Ikaw ang iniisip ko, Ate. Imagine this, makikipagtalik ang asawa mo sa ibang babae. Kaya mo bang sikmurain 'yon? They might be having sex multiple times hanggat hindi nakakabuo." Nag-iba ang ekpresyon ni Katrina. Kitang-kita ang lungkot sa mukha nito at nasasaktan siya dahil doon.

"Kakayanin ko. Mas hindi ko kinakaya sa tuwing nakikita ko si Tomi na malungkot sa tuwing may nakikitang bata. Alam kong gusto niya ng anak at ganoon din ako. Hindi kami lubos na magiging masaya kung wala kaming anak.

Napapailing si Kylar sa tigas ng ulo ng kapatid.

"Paano kung ma-attached ang asawa mo sa babae? Paano kung iwan ka at sumama sa babae kapag nabuntis ito."

Nanglaki ang mata ng kapatid.

"God, Kylar, ano ba ang pinagsasasabi? Hindi magagawa sa 'kin 'yan ni Tomi. At isa pa kaya nga ako kumuha ng babaeng matino at mapapagkatiwalaan. April is a nice person at hindi niya aagawin ang asawa ko." So April ang pangalan ng babaeng magiging surrogate mother.

The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon