Chapter 23

207K 5.5K 432
                                    


PINAKIRAMDAM ni April ang bawat kilos ni Kylar mula sa pagpasok nito ng silid hanggang sa makapagbihis at humiga sa tabi niya. Hating gabi na itong umuwi. Mula sa kanyang likuran ay yumakap si Kylar. Napapikit siya nang mariin at muli ay gusto na naman niyang maiyak. Halos maghapon siyang nagkulong lang sa kuwarto at umiyak, at hindi niya gustong makita nito ang namumugto niyang mata. Hinawi ni Kylar ang buhok niya at isiniksik nito ang mukha sa kanyang batok.

"Sweetie, tulog ka na ba? Nasaan ang phone mo? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Hindi nga niya sinasagot ang tawag nito. Pinatay niya rin ang cell phone niya. Sa halip na sagutin ni April ang tanong ni Kylar ay iba ang lumabas sa bibig niya.

"Kailan ang balik ng tatay mo mula Mexico?" Natahimik si Kylar, matagal bago ito sumagot. 

"Malapit na sweetie." She cried her heart out on hearing his lies. Those words are like swords that sliced her heart into pieces. Ramdam na ramdam niya ang sakit na gumuhit sa kanyang dibdib. Muli'y naluha na naman siya.

Muling hinalikan ni Kylar ang batok niya.

"Kumain ka ba ng marami kanina? I'm sorry if I came home late."

"Bakit nga ba?" She tried to keep her voice steady. Pinahid niya ang kanyang luha at humugot ng isang malalim na hininga para kalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso niya at paninikip ng dibdib.

"Birthday kasi ni Errisse ngayon, pumunta ako sa kanila."

Muli niyang ipinikit ang kanyang mata. "Inaantok na ako."

Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya, naramdaman niya ang palad ni Kylar na masuyong humaplos sa kanyang tiyan.

"I love you so much!" Sinungaling! Gusto niyang isigaw pero hindi niya magawa.

Halos hindi nakatulog si April. Sobrang babaw ng tulog niya. Maiidlip siya pero agad din siyang nagigising sa kaunting pagkilos ni Kylar mula sa pagtulog. Nakahiga siya paharap kay Kylar habang nakatitig sa mukha nito mula sa dilim. Naaanig lang ng bahagya ang mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin? Hindi siya makapag-isip nang maayos. She feels burned out, emotionally drained and mentally exhausted at nag-aalala siya sa ipinagbubuntis niya na baka maapektuhan dahil sa stress na pinagdaraanan niya.

Tumunog ang cell phone ni Kylar at kasabay niyon ang agad na pagising ni Kylar na ikinataka niya. Madalas na may tumatawag dito sa umaga pero hindi nito iyon pinapansin kaya madalas ay siya ang sasagot ng tawag at pilit itong gigisingin. Agad na kinuha ni Kylar ang cell phone na nasa nightstand katabi ng glow in the dark digital clock. Alas singko pa lang.

"Hello, Errisse." Nahigit niya ang paghinga at agad na bumilis ang tibok ng puso niya sa narinig.

"Okay. Just wait for me. Papunta na ako." Bumangon si Kylar at binuksan ang wall sconce light shade. Agad niyang ipinikit ang mata saka humarap sa kabilang bahagi ng kama. Nagbihis si Kylar sa madaliang kilos. Lumapit ito at niyuko siya. Marahang hinaplos ang gilid ng kanyang ulo at dinampian siya ng pinong halik sa labi bago ito lumabas. Tuluyan niyang ibinulalas ang kanina pa niyang pinipigil na pag-iyak.

Hindi na nakatulog pa si April at hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiiyak lang. Bumangon siya at kinuha ang cell phone mula sa loob ng drawer at in-on iyon. Alas siete na ang oras sa cell phone niya. Matagal siyang nakatitig lang sa screen ng cell phone at nagpasyang tawagan si Geoff. Kailangan niya ng makakausap at si Geoff lang ang naiisip niya. Hindi niya puwedeng sabihin kay Jeralyn ang pinagdadaanan niya dahil tiyak na susugod iyon dito at baka malaman pa ng kanyang tatay. Siguradong mag-aamok iyon. Denial niya ang numero ni Geoff na hinihiling niyang sana ay iyon pa rin. Matagal na siyang walang kontak kay Geoff. Nagkausap na sila nito at maayos na naghiwalay.

The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon