CHAPTER 5

274K 6K 254
                                    


INIWAN ni Kylar si April sa mga kaibigan nito nang tawagin ito ng isang lalaki at nagpunta sa isang pasilyo. Medyo na-a-out of place siya. Kanina medyo okay pa kasi kinakausap siya ni Rufus pero bigla ring nawala ang lalaki at nobya nito.

"Hey, everyone!" Bigla ang pagdating ng isang babae. Napatanga si April sa ganda ng isang ito. Halata ang foreign blood sa itsura nito. Ang fashionista at may class at hindi mukhang pa-walk katulad ng mga babaeng kasama niya sa mesa. Isang distressed jeans ang suot nito at isang black crop top na pinatungan ng distressed denim jacket at may suot itong malapad na black choker. Rugged, yet classy. She had her hair in messy beach curl na hanggang balikat. She wondered kung ano ang kulay ng buhok nito. Hindi sapat ang liwanag na nagmumula sa dim lighting para matukoy ang kulay ng buhok ng babae. Ang sigurado lang siya ay napakaganda nito.

"Brat!" Bulalas ni Earth nang makita ang babae.

"Hi, Earth, where's Kuya Rufus?" Ang cute rin ng boses nito.

"Wow! Kailan ka pa dumating?" Tumayo si Earth na mukha talagang nagulat.

"It's none of your business, small dick. Now, where's my Kuya Rufus?" Nagtawanan ang lahat sa sinabing iyon ng babae. Maging siya ay natawa rin.

"You are still a brat, Kriszantha!"

"Kriz!" Pinangdilatan ng babae si Earth.

"Still irritated to hear your own name, huh? Kriszantha?" Pinagdiinan pa ni Earth ang pangalan nito.

Kriz rolled her eyes. "And I bet you are still uncircumcised." Muling bumunglahit ng tawa ang lahat na humalo sa musika.

"Of course not! Why do you keep making stories about my dick?"

"Excuse me! I'm not just making a story. It's a fact. You were uncircumcised the day I saw that." Inginuso pa nito ang umbok ni Earth sa pagitan ng hita.

"Kung hindi ako nagkakamali nasa second year college ka na nang makitaan kita." Tumiim ang mukha ni Earth at siguro kung maliwanag ay namumula na ito sa pagkapahiya.

"Gusto mong patunayan ko sa 'yong mali ang sinasabi mo?"

"Then prove it!" hamon ni Kriz.

"If I prove you wrong, pagbabayaran mo ang mga pinagsasabi mo."

Isang marahas na singhap ang kumawala mula kay April nang makitang sinisimulan na ngang buksan ni Earth ang pantalon nito. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang mata gamit ang dalawang palad nang hugutin nga nito ang pagkalalaki sa loob ng briefs nito.

"O-oh! Congrats! Hindi ka na takot sa karayom. But that's still small." Narinig niyang sabi ni Kriz. Pinakita nga siguro ni Earth ang ari nito sa dalaga sa sobrang pagkapikon.

"Smile, small dick..." Narinig niyang sabi ni Kriz at sinundan ng mura ni Earth at tawanan ng mga kaibigan nito.

"Bumalik ka rito, Brat!" Noon niya tinanggal ang kamay na nakatakip sa kanyang mata. Nagsasara ng pantalon si Earth at si Kriz ay tumakbo sa pasilyo na pinasukan nina Kylar.

"Paano mo naipasok ang cell phone rito? Give me your phone! Humanda kang babae ka sa 'kin!" Tumakbo si Earth para habulin si Kriz.

"Kriz is stil Kriz. She's still a little brat of Cimafranca family," ani Era at uminom ng alak. Mukhang kinuhanan ni Kriz ng larawan si Earth. Paano nito iyong naipasok, eh, ang higpit-higpit ng security.

The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon