"WOW!" Paulit-ulit na napapabulalas si April sa pagkamangha habang pinagsasawa ang mata sa ganda ng tanawin habang lulan sila ng chopper na magdadala sa kanila sa The Hunk Society Camp, na nakakubli sa gitna ng isa sa mga isla sa Caramoan. Tuwang-tuwa ito nang malamang sa Caramoan ang tungo nila. Parang biglang nawala sa isip na hindi nito gustong umalis sa siyudad. Nawala na rin ang takot ni April sa pagsakay sa sasakyang panghimpapawid.
"Ang ganda! 'Di ba dito matatagpuan ang Isla de Amor?" April asked as she watched the ocean from above.
"Yeah," tugon ni Kylar habang nakatingin sa nasisiyahang mukha ni April.
"Isa iyon sa mga pangarap kong mapuntahan. Kaso mahirap daw makapasok sa resort na 'yon. Eh, kahit nga sa isa sa isla rito hindi ko afford." Pagkukuwento pa nito na hindi pa rin siya binabalingan.
"Alam mo bang sabi nila na kapag nagpunta ka sa islang iyon at kung sino raw ang makakasama mo roon ay siya na ang makakatuluyan mo." Nilingon siya ni April.
"Ikaw, naniniwala ka ba sa gan'on?" kapagkuwa'y tanong nito. Nagkibit-balikat lang siya. Hindi naman siya naniniwala sa kasabihang 'yon. Kasabihan lang iyon ng matatandang nagpupunta ng isla noong hindi pa iyon resort. It was just an ancient story from elders according to Herrick, his friend.
Muling tumingin si April sa paligid at panay uli ang bulalas ng "wow." Kylar didn't even realize that his eyes twinkled brightly as a beaming smile split his face from ear to ear as he looked at April intently. Nagkamali siyang hinusgahan niya ang pagkatao nito. Ang akala niya kasi isa itong prostitute. He hates prostitute. Walang pakialam ang mga ito sa mga nasisirang pamilya magkapera lang. Lahat ng pumapatol sa may asawa tingin niya ay isang bayarang babae katulad ng mga babae ng kanyang ama. Isang prostitute ang dahilan kung bakit gabi-gabing umiiyak ang kanyang ina.
Mas nakaramdam siya ng galit kay April dahil sa pagpayag nitong maging surrogate mother. That is worse than being a prostitute. Makikipagtalik sa isang lalaki para mabuntis at pagkatapos ay ipamimigay nito ang sariling anak. Sinabi sa kanya ng kapatid niyang ginagawa iyon ni April dahil may sakit nga ang ama nito. Pero mas pinaniwalaan niya ang sariling opinyon na kahit siguro walang sakit ang tatay ni April ay papayag ito sa ganoong kasunduan magkapera lang. Isang milyon ang ibabayad ng kapatid niya rito. Sino ba ang tatanggi roon, samantalang nagagawa nga nitong makipagtalik sa hapon sa katapat niyang unit. Nagkamali siya. At gusto niyang bumawi sa ipinakita niyang kagaspangan sa dalaga lalo na nang puwersahan niya itong angkinin.
Napakurap siya nang may bumato sa kanya — isang empty plastic bottle na tumama sa gilid ng noo niya at bumagsak iyon. Binalingan niya si Rufus na nakaupo sa front seat at si Leon, miyembro rin ng The Hunk Society, ang siyang sumundo sa kanila sa airport sa Naga. Ito ang nagpiloto ng helicopter. May nakakalokong ngisi ang dalawa habang nakatingin sa kanya.
"Kanina pa tayo nakalapag baka gusto mo nang bumaba? Distracted," kantiyaw ni Leon kay Kylar. Napahaplos siya sa ulo at napatingin kay April na nakatingin rin sa kanya. Inalis niya ang aviation headset.
"Let's go?" Bumaba siya at inalalayan niya sa pagbaba si April.
"Rufus, ikaw ang magbitbit ng gamit ni April." Utos ni Kylar kay Rufus saka inakbayan ang dalaga saka nagpatiuna sa dalawa.
"Wow! May mga bahay sa gitna ng gubat?" Namamanghang usal ni April habang patungo sila cabina.
"Welcome to the Hunk Society Camp. This is a secret place. Only the members of The Hunk Society know this place. This is our escaping place. Ikaw at si Maruja pa lang ang tanging nakakarating dito na hindi miyembro ng society and the other staff of this small village."
"Maruja? Girlfriend mo?"
Umiling siya. "Herrick's step — kababata ni Herrick."
NAMAMANGHA si April nang marating nila ang tila maliit na village. Pulos mga log cabin ang nakatayo roon. Small village in the woods. Chopper lang talaga yata ang transportasyong kailangan gamitin para marating ito. Tingin niya ay generator o kaya'y solar powered system ang nagpapagana sa mga ilaw at appliances dito.
BINABASA MO ANG
The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)
RomanceThe Hunk Society book 1 (Claimed) Hunk society is an aggregated peer of young heirs who wanted to escape from their responsibilities and the life that they can't embrace. Together, in a camp...