CHAPTER 20

241K 6.2K 380
                                    

Hi, guys! I cut the chapter 19 out. Hindi naman makakaapekto sa story kahit 'di niyo mabasa. BS lang naman yun. Bonus po sa book para hindi naman lugi ang bibili ng book. Hope you understand. Thank you!

____

"'SUS Maryosep! April!" Napabalikwas si April sa sobrang gulat sa malakas na tinig ng inang si Edith. Ang agad na pumasok sa isip niya ang kanyang ama. Ganitong-ganito ang sigaw ng nanay niya noong atakihin ang tatay niya ng sakit. Nabungaran niya ang nanay niyang nakatayo sa may pinto ng kanyang silid. Nanggigilalas ang anyo nito at pulang-pula ang mukha habang nakatingin sa kanya.

"'Nay, ano pa ang nangyari?" tarantang tanong niya.

"Anong kalokahan ito, April!" galit na tanong ng ina at matalim na lumipad ang mata sa kabilang bahagi ng kama. Agad niyang ibinaling ang tingin sa kabilang bahagi ng kama at para siyang sinikmuraan nang makita ang mahimbing na natutulog na kasintahan. His beefy torso was exposed at ang lower limb nito ay natatakpan ng hello kitty blanket. Bumaba ang mata niya sa kanyang sarili nang haplusin ng hangin na nagmumula sa electric fan ang kanyang dibdib. Nahigit niya ang kanyang paghinga at lalong nag-init ang buong mukha niya nang matuklasang wala siyang anumang saplot. Lantad ang hubad niyang dibdib. Bumagsak ang kumot sa bigla niyang pagbangon kanina. Mabilis niyang hinala ang kumot at tinakpan ang lantad na dibdib. Hiyang-hiya siyang tumingin sa sariling ina.

"'Nay," usal niya. Sa mga oras na ito ang tanging gusto niya ay bumuka ang lupa at lamunin siya. Ito na ang pinakanakakahiyang pangyayari sa buhay niya.

"Mag-ayos ka ng sarili mo at gisingin mo ang lalaking 'yan!" kung literal na may talim ang boses at tinig ay baka gutay-gutay na siya ngayon. Lumabas ang nanay niya at halos mapakislot siya mula sa kinauupuan nang pabagsak nitong isara ang pinto. Dahan-dahan niyang pinakawalan ang hiningang kanina pa niya pinipigil. Ano na ang gagawin niya ngayon?

Binalingan niya si Kylar na mahimbing pa ring natutulog. Niyugyog ang braso.

"Kylar, gising... gumising ka diyan dalian mo!" ramdam niya ang panginginig ng buo niyang katawan sa takot. Lukob siya ng matinding kaba. Umungol si Kylar at bahagyang iminulat ang mata pero ipinikit din ulit.

"Goodmorning, sweetie." Inaantok nitong sabi.

"Gumising ka diyan! Sila nanay nandito na at nakita tayo sa ganitong sitwasyon!" Muli nitong idinilat nang bahagya ang mata at ngumiti. "Talaga?" Laglag ang panga niya sa sagot nito. Ang inaasahan niya ay mapapabalikwas ito at kakabahan katulad niya. Mukhang wala pa sarili dahil sa antok.

"Kylar, narinig mo ba ang sinabi ko? Sila nanay at tatay nandito na at nakita tayo—" Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay hinila siya nito dahilan para sumubsob siya dibdib nito at ikinulong siya sa mga bisig nito. Naramdaman din niya ang paghalik nito sa ibabaw ng ulo niya.

"Narinig kita. Hayaan mo na lang muna sila nanay at tatay, inaantok pa ako, pinagod mo ako, eh." Pinilit niyang makawala mula sa pagkakayakap ni Kylar at napilitan siyang hampasin ito sa tiyan para matauhan.

"Hey, bakit?" nakangiti nitong tanong. Hinuli nito ang kamay niya at hinalikan ang ibabaw ng kanyang palad.

"Tumayo ka na diyan! Hindi ko alam kung paano kung haharapin sila nanay at tatay nito." Bumababa siya ng kama at kinuha ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Hinila niya ang kumot na nakatakip sa hubad na katawan ni Kylar.

"Tayo na, magbihis ka!" Mabilis ang kilos niyang isinuot ang lahat ng saplot habang si Kylar ay nakahiga pa rin sa kama na walang saplot. His manhood was hard and pointed toward the ceiling. Umagang-umaga gising na gising ang pagkalalaki. Relax na relax si Kylar na parang walang kinahaharap na problema.

The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon