Chapter 24

246K 5.1K 285
                                    

"KYLAR! Oh, God!" bulalas ni Orillia nang makita siyang pumasok ng kabahayan dala ang sanggol. Sinalubong siya ng ina. Nagtatanong ang mga matang nagpalipat-lipat sa kanila ng sanggol.

"Apo ko?" Tumango siya.

"Then where's April?" Hindi siya umimik sa tanong ng ina and that's the cue para mag-hysteria ang kanyang ina.

"Oh, God! Don't tell me na talagang kinuha mo ang bata mula sa kanya?" paghi-histerya ni Orilla.

Hindi niya nagawang umalis. Sa tuwing maiisip niya si April ay bumibigat ang dibdib niya. Parang hindi niya kayang paglayuin ang mag-ina sa isa't isa, pero hindi rin niya kayang ipaubaya ang anak niya kay April. Naiisip palang niyang ang Geoff na iyon ang tatayo at kikilalaning ama ng kanyang anak ay gusto na niyang patayin ang hayup na iyon. Sa halip na umuwi sa sariling bahay ay sa bahay ng mga magulang siya umuwi.

"You can't do this to her. Losing a child is every parent's worst nightmare, especially to a mother. A mother's love for her child is like nothing else in the world, Kylar. I beg you, son. Don't do this. Pag-usapan niyo ito."

"Kailangan na munang magpahinga ng anak ko. Dito muna kami," pag-iignora niya sa sinabi ng ina.

"Mabuti at nakuha mo ang bata." Boses iyon ng ama. Lumapit si Marcu at pinakatitigan ang bata.

"Is it a boy?" tanong nito na ang mata ay hindi inaalis sa bata.

"Yes, dad." Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa labi ng ama. Hindi niya sigurado kung saya ang emosyong nakiraan sa matapang na mukha ng ama. Saglit lang iyon at muling naging seryoso ang mukha nito.

"Sana ay hindi namana ang katigasan ng ulo niyo ni Katrina. He will be an heir of Levesque Empire someday. By the way..." Noon iniwan ng tingin ni Marcu ang bata. "... nag-usap na kami ni Efrain at sinabi ko sa kanilang ituloy ang unang napagkasunduan. Hindi pa nahahanap si Errisse hanggang ngayon pero—"

"Magtigil ka, Marcu!" angil ni Orillia sa esposo na ikinagulat ni Kylar. Her mother never raised a voice to his father. She had always been very submissive wife ever since. Kahit hindi nito gusto ang mga ginagawa ng ama ay wala siyang naririnig na reklamo mula sa ina.

"Stop meddling with my son's personal life! You haven't heard anything from me after all of your philanderings and betrayal in this family. I wanted to keep this family, destroying it is the last thing that I would do. I've remained as an obedient and submissive wife for an imperfect and arrogant man, but not this time... If you'll fuck with my son's life and I'll make sure that I'll fuck yours pretty bad, and I will make it memorable for you because you will be the headline of every newspaper and broadcasting chanels."

Umalon ang dibdib ni Marcu sa marahas na paghinga at naniningkit ang mga nitong nakatitig sa asawa. Bakas ang matinding pagtitimpi ng galit.

"Kung sa tingin mo ay wala akong alam sa mga ginagawa mo nagkakamali ka, Marcu! I know every single of your dirt! Hindi mo naman siguro gustong malaman ng lahat na kahit menor de edad ay pinatulan mo; na binayaran mo ang mga magulang ng dise siete anyos na kabit mo para lang manahimik ang mga ito. Don't dare me, Marcu!"

"Tinatakot mo ba ako, Orillia?" Mahina pero nagbabanta ang boses ng ama at matalim ang titig nito sa kanyang ina.

"I'm not threatening you, I'm only warning you piece of trash! After all these years I've lowered myself, bow down, obeyed and followed whatever you wish and speak. I did everything for my son; you've abused him, hurt him and threatened to never set any coin or dime for your own goddamn child. And right now, I don't care about the threat that you've injected in my mind, I won't even give a single fuck if you'll give your fortune to your bastard. Fuck you and your mistress!"

The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon