Chapter 11

283K 6.3K 479
                                    

Thanks, Jeralyn, sa video. love you! Muahw!!

Sa mga nagtatanong po about sa condo scene ni April at Kylar. Kasi ni-revise ko ang story na to. May add scene po sa book na wala po dito. Siguro chapter 3 or 4 yung condo scene nila. First make out nila.

Even the ending is different po sa unang version.
________

Is he really in love with April? He thinks as he gazes into the glass of scotch on the rock. He began to swirl the glass, and the contents begin to spiral. Baka naman masyado lang siyang na-cha-challenge dahil sa tahasang ipinapakita ni April na hindi siya nito tipo. Wala pang babaeng gumawa ng ginagawa nito sa kanya; fantasizing and mentioning other man's name during their intimacy. Ngayon tinatanong niya ang sarili niya. Does April even fake her moan? Does April get really aroused by him o dahil sa ibang lalaki ang iniisip nito?

Napukaw ang pananahimik niya nang may tumama sa mukha niya. Kinuha niya ang lemon na sinipsip na ang katas mula sa kanyang hita at kunot-noong tiningnan si Rufus na kaharap niyang nakaupo na tumatawa, at sigurado siyang ito ang nambato sa kanya. Ibinato niya rito pabalik ang lemon na mabilis naman nitong sinalo.

"Problema mo!" Angil niya sa kaibigan.

"Mukha ka kasing tanga. Do you even try to see your reflection in the mirror? You seem in a thorny situation na hindi alam kung paano makakaalis." Kasalukuyan siyang nasa resto ni Rufus. Sa labas, sa tagiliran ng resto sila pumuwesto at nag-iinuman kasama sina Loki at Gavril. Nailing na lang siya at ininom ang natitirang alak sa baso.

"Ano ba ang problema mo?" tanong ni Loki na katapat naman ni Gavril.

"Hindi ko rin alam." Aniya pagkatapos ilapag ang baso sa mesa at muling nagsalin.

"In love ka na, gagu, anong hindi mo alam. Ang problema mo, in love ka sa babaeng may mahal namang iba. Don't deny it, pare, you are quite obvious." Malakas na tumawa si Rufus.

"Magtigil ka, Rufus, wala kang alam." Naiirita niyang angil sa kaibigan. Wala naman siyang sinasabi sa kaibigan pero paano ba nito nahuhulaan ang nasa isip niya.

"Is it April? Akala ko ayos kayo? Wala ba siyang gusto sa 'yo?" tanong naman ni Gavril at sinagot naman ng malakas na tawa ni Rufus. Kylar looks dagger at him. Nang hindi ito tumigil sa pagtawa ay kinuha niya ang yelo sa kanyang baso at isinubo iyon at muling iniluwa saka ibinato kay Rufus. Ang lakas talaga mang-asar ng tarantado.

"Matutulungan kita, pare. Bibigyan kita ng malupit na payo at siguradong mamahalin ka ni April pagkatapos," ani Rufus nang tumigil ito sa pagatawa. His eyes narrowed, hindi alam kung papatulan ang sinasabi nito. Pero malay naman niya kung makatulong nga ito sa problema niya.

"Ano'ng payo mo?"

Inilahad nito ang palad. "Sa tamang halaga." Nakangising sabi nito. Marahas siyang napakamot sa ulo. Paano ba niya naging kaibigan ang sindikato na ito. Walang patawad. Iginalaw nito ang mga daliri na parang naiinip. Sa bandang huli ay nagpauto naman siya. Hinugot niya ang wallet mula sa bulsa ng kargo at kumuha ng lilibuhin, balak niya sana magtira pero bandang huli ay kinuha niya na lang lahat ng laman dahil magpapagod lang siya. Panigurado kasing hihirit pa rin ito.

Padaskol niyang inilagay sa nakabukas na palad nito ang lahat ng laman ng wallet niya. "Oh. 'Yan na ang lahat ng laman ng wallet ko huwag ka ng humirit."

Tatawa-tawang isinilid ni Rufus ang pera sa wallet.

"Ibang klase talaga." Naiiling na sabi ni Gavril kay Rufus.

"Now tell me the best pieces of your advice at siguraduhing mong matino 'yan, ah?"

"Make her jealous."

The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon