Chapter 8

305K 6.9K 726
                                    



  INIWAN ni April si Kylar na mahimbing na natutulog sa cabina. Nagising siya kagabi nang muling pumasok si Kylar ng silid at amoy ito ng alak. Hindi niya alam kung paano kumakain ang mga tao rito. Tanging refrigerator na punong-puno ng beer lang ang nasa kusina ni Kylar at walang lutuan. Naglakad-lakad siya sa labas pagising niya at nakita siya ni Rufus. Dinala siya nito sa cabinang pag-aari nito— restaurant pala. Bali nasa taas ng resto ang kuwarto ni Rufus ayon sa binata. Katulad ng mga cabin dito ay native rin ang kabuuan ng restaurant. Napakaganda ng pagkakayari ng restaurant. May mga parte ng restaurant na pribado at ang ilang bahagi ay open and she loves the native ambience of the restaurant.

"Halika, sa kusina tayo. Magluluto ako ng almusal para sa mga unggoy na nakatira rito," nakatawang sabi nito. Nagtungo sila sa kusina. Kompleto ang mga kagamitan sa kusina at halos lahat ay makabagong kitchen tools.

"Ikaw talaga ang nagluluto para sa kanilang lahat?" tanong niya. Pinaupo siya ni Rufus sa high stool na nasa harap ng island counter.

"Kapag nandito lang ako. May cook talaga rito pero natutuwa sila kapag nandito ako. They love my recipes," may pagmamalaking ani nito.

"Masarap nga ang luto mo," komento niya. Napakasarap naman talaga ng luto nito. Iyong natikman niya sa Hunk Society Mansion ay talagang napakasarap.

"Thank you. Maiba ako, nasaan nga pala si Kylar? Tulog pa ba?"

"Oo, gusto ko sanang magluto ng almusal kaso walang lutuan ang kusina niya."

Tumawa si Rufus na tinungo ang refrigerator at binuksan iyon.

"He doesn't need that. Hindi naman iyon marunong magluto." He picked out several ingredients before closing the fridge door. Ipinatong nito sa counter ang mga iyon. Elevated ang breakfast counter at connected iyon sa mas mababang counter kung saan naroroon ang sink.

"Moody siya 'no?"

"Paano mo nasabi?" Rufus asked as he prepares the engredients.

"Minsan ang sungit tapos magiging mabait at... sweet. Tapos balik sa pagiging masungit katulad kagabi, bigla na lang akong nilayasan." Tumigil sa ginagawa si Rufus at tumingin sa kanya.

"Ano ba ang nangyari? Mukha ngang badtrip ang loko kagabi. Inaya kong mag-shot pero hindi raw puwede, but he came over late at night at nagyayang uminom. Ano ba ang nangyari?"

"Ahm..." Dapat ba niyang sabihin ang nangyari kagabi? Ang dyahe naman. Pero gusto niyang makilala si Kylar nang husto para naman magkasundo sila nito habang magkasama sila. Baka naman kasi abutin na sila ng isang buwan at wala pa rin sa kanilang nangyayari paano siya mabubuntis.

"Ano ba ang tipo niya sa babae? Tingin mo hindi niya ako type? Ibig kong sabihin... Alam kong hindi niya ako magugustuhan biglang girlfriend. Pero iyong... ahm.. alam mo namang surrogate ako 'di ba? So, kailangan namin gumawa ng babay." Marahang natawa si Rufus nang makuha nito ang ibig niyang sabihin.

"Maka-sex," derestsahang sabi nito at ramdam niya ang pag-init ng pisngi niya dahil sa hiyang naramdaman. Nag-iwas siya ng tingin sa binata.

"It's okay. Wala kang dapat ikahiya. I know what you are going through." Bigla namang napayapa ang loob niya sa sinabi nito. Mukhang hindi naman judgemental si Rufus katulad ng kaibigan nito.

"What makes you think na hindi ka gustong makasiping ni Kylar? You are gorgeous and have a perfect figure that men die for to touch, and I know Kylar was tempted to do that." Umiling siya. Noong una masasabi niyang mukha namang may pagnanasa sa kanya si Kylar. Pero hayagan nitong sinabing hindi siya nito type. Tapos kagabi bigla na lang umalis.

The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon