Chapter 13

265K 5.9K 254
                                    


The book is now available. Sana po maka-avail kayo. See you tom sa mga pupunta ng MIBF. 😊 Available din po ito at iba pang stories ko(Ebook Version) sa precious page ebook store. Search niyo lang po yun then download kayo ng precious page ireader sa playstore.

--
            NATAWA si April nang siya ay bumagsak sa leather sofa. Kakatapos lang niya sa pagsasayaw kasama si Maruja at Rufus. Tinamaan na talaga siya sa iniinom. Kasalukuyan silang nasa bar ng Isla de amor hotel kasama ang ilan sa mga miyembro ng The Hunk Society; si Earth na kanina pa may kahalikan, si Loki na prenteng nakaupo katabi ni Herrick habang umiinom, si Herrick na katulad ni Loki ay umiinom subalit tila wala ito sa mood. Madilim ang anyo habang matalim ang mga matang nakapako sa kung saan ang tingin. Sinundan niya ang dereksiyong tinitingnan nito only to see Maruja dancing sexily with other man. Kasama nila ang babae at hindi man ito magsabi batid niyang may pinagdadaanan dahil sa kung inumin ng babae ang alak ay parang chaser ang iniinom. Si Kylar ay hindi nila kasama. Nagpaiwan ang binata sa suite dahil masama raw ang pakiramdam. Ayaw niya sanang sumama pero pinagkaisahan na siya ng lahat, maging si Kylar ay pinilit siyang sumama.

Binalingan niya si Rufus na tumabi sa kanya. Ewan ba niya sa isang ito't laging

nakabuntot sa kanya, kahit saan siya magpunta ay nakasunod. Kung hindi si Rufus ay si Loki. Nang magtungo sila ni Maruja sa dance floor ay agad na sumunod si Loki at Rufus sa kanila, pero sumuko si Loki at bumalik sa table nila. Napamura pa ang lalaki habang sumasayaw dahil sa parehong kaliwa ang mga paa nito. Inabott ni Rufus ang cellphone mula sa bulsa mesa at itinapat sa kanang tainga para sagutin ang tawag.

"She's fine! Mukha na nga akong asong ulol na nakabuntot, eh!" Pasigaw na pagkausap ni Rufus sa kabilang linya.

"Okay. okay." Tinapos nito ang tawag at binalingan siya.

"Si Kylar... balik ka na raw sa suite niyo. Nilalagnat raw siya."

"Ha?" Mabilis siyang tumayo at dahil nakainom ay muntik pa siyang matumba, mabuti at maagap si Rufus na naalalayan siya.

Hinatid ni Rufus si April hanggang sa tapat mismo ng suite na ukupado nila ni Kylar. Kaya naman talaga niyang bumalik ng silid pero nagpumilit si Rufus na ihatid siya. "Salamat sa paghatid, Rufus."

Ngumiti at pinisil ni Rufus ang pisngi niya. "Wala 'yon. Sige na, pasok na at baka makidnap ka pa, mapupugutan ako ng ulo ng boyfriend mo."

Marahan siyang natawa. "Hindi ko siya boyfriend." Kung boyfriend niya talaga si Kylar ay iisipin niyang pinababantayan siya nito sa mga kaibigan.

"Sige na, pasok na ako. Salamat ulit." Tumango ang binata saka siya pumihit

paharap sa pinto. Kakatok sana siya pero mas pinili niyang pihitin na lang ang seradura at bukas naman iyon. Marahan niyang itinulak ang pinto, isang mabangong amoy na hindi niya alam kung saan nagmumula ang agad niyang nasamyo. And a chilly background music filled her ears. Tuluyan siyang pumasok.

Napaawang ang mga labi ni April sa pagkamangha sa nakikitang itsura ng silid. Maraming talulot ng pulang rosas ang nagkalat sa sahig, and there's an intertwine hearts made in red rose petals on the bed. May ilang scented candles na nagkalat, iyon ang mabagong amoy na nalanghap niya kanina pagbukas ng pinto. Pero nasaan si Kylar?

Marahan niyang itinulak pasara ang pinto at ini-lock saka tinatawag ang pangalan ni Kylar. "Kylar!" Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo at pagkaraan ng ilang segundo ay niluwa si Kylar ng pinto. Halos lumuwa ang mata niya sa nakikitang itsura ng binata. Natutop niya ang kanyang bibig sa pagkamangha.

"Hey, sexy..." tama talaga ang kasabihang, "Husky voice is a key of seduction" dahil nakakaakit talaga ang boses ng binata. Gustong matawa ni April sa nakikitang itsura ni Kylar. Kylar almost naked. Isang leather boxer short lang ang suot nito na hapit na hapit at isang itim na bow tie. Tiyak na mag-aawitan ng "hallelujah" nang sabay-sabay ang mga anghel sa langit kung makikita ang itsura ni Kylar, lalo na ang napakalaling umbok nito sa harapan na aagaw ng pansin ng sino man.

The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon