"OH, babe, you have no idea how much I miss you... my life feel empty these days for some unknown reason... but now I've realized, it was because I'm missing you." Kylar keeps on talking on the phone kahit wala naman siyang kausap talaga.Sinasadya niyang iparinig kay April ang kunwa'y pakikipag-usap niya sa ibang babae. Hindi niya alam kung bakit pinatulan niya talaga ang suhesyon ni Rufus, pero wala namang mawawala sa kanya kung susubukan niya. Gusto niyang makita ang magiging reaksiyon ni April.
Sinulyapan niya si April na nakaupo sa katapat niyang mahabang sofa habang siya ay nasa pang-isahan; nasa sala sila ng kanyang cabin. Nagbabasa ang dalaga ng FHM magazine. Nag-angat ng mukha si April mula sa pagkakatungo at tumingin sa kanya. Mabilis siyang nagbawi ng tingin at masayang tumawa.
"Yes, baby, I miss you so much, I can't wait to see you."
"Kylar?" He instantly snapped her head toward April with a wide smile.
"Kanina ka pa diyan, 'oh, babe, oh, baby.' Hindi ka pa rin ba tapos?" Nakasimangot nitong tanong.A wide grin spread even more across his face sa nakikitang iritasyon sa mukha ni April. Mabilis siyang tumayo at umupo sa tabi ng dalaga. "Bakit, nagseselos ka?
Inirapan siya ni April. "Selos ka diyan! Manghihiram sana ako ng cellphone. Tatawag ako sa bahay, kakamustahin ko si tatay. Itatanong ko kung pang-ilan na siya sa waiting list."
"Iyon lang?" Dismayado niyang untag. Tumaas ang kilay ni April. Mukhang iba ang naging dating para sa dalaga ng sinabi niya. Inakala marahil nito na hindi mahalaga para sa kanya ang pagtawag nito sa ama, which is not. He was just disappointed dahil palpak ang plano niya."Anong 'yon lang? Mas mahalaga naman 'yon kaysa sa pakikipaglandian mo. Bumalik na kasi tayo sa Maynila para hindi mo nami-miss ang baby, babe mo. At least doon malaya mong makikita kung sino man iyan." Ibinaba ni April ang magazine sa centre table saka tumayo at lumabas.
Dismayadong napasandal si Kylar sa kinauupuan. Ni hindi man lang niya kinakitaan ng selos si April. Asa pa siya! Eh, wala ngang gusto sa kanya paano magseselos.
Tumayo siya at sumunod sa labas. Nakita niyang nakasakay si April sa golf cart na siyang ginagamit sa paglilibot sa buong kampo. "Saan ka pupunta?"
Binalingan siya ng dalaga. "Mamamasyal lang."
"Samahan kita."
"Hindi na, ituloy mo na lang ang pakikipag usap mo sa babe o baby mo. Basta pahiram ako ng cellphone mamaya, ah?" Wala na siyang nagawa nang paandarin na ni April ang golf cart at ang tangi na lang niyang nagawa ay sundan ito ng tingin.
Nang mawala sa paningin niya ang dalaga ay tinawagan niya ang kaibigan niyang si Kasle.
"Hey, Levesque," bungad ng kaibigan sa kabilang linya."Hey, doctor ng mga pekpek, 'zup?" Narinig niya ang pagtawa ni Kasle sa kabilang linya.
Isa kasi itong obstetrician/ gynecologist kaya iyon ang tawag nila sa lalaki. Niloloko nila itong kaya OB/GYN ang pinili nitong aralin para lang makapangboso. Miyembro rin si Kasle Valverde sa Hunk Society.
BINABASA MO ANG
The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)
RomanceThe Hunk Society book 1 (Claimed) Hunk society is an aggregated peer of young heirs who wanted to escape from their responsibilities and the life that they can't embrace. Together, in a camp...