Chapter 16

230K 5.7K 242
                                    


NABUNGARAN ni April si Kylar na tahimik na nakaupo sa sala. Nakatukod ang mga siko sa hita habang ang kamao ay nakatukod sa noo.

"Kylar," kuha niya sa atensiyon nito pero hindi man lang tuminag. Tulog ba 'to?

Tumungo na lang siya sa kuwarto at binunot mula sa saksakan ang cellphone na nakacharge. Mula pagdating nila sa masukal na gubat na ito ay hindi na niya ito nagamit pa. Binuksan niya ang cellphone at itinaas sa ere para sumagap ng signal. Sunod-sunod na text messages ang na receive niya nang sa wakas ay may pumasok na signal. Karamihan ay message mula kay Geoff. Binasa niya ang isa sa mga message na mula kay Geoff. "Babe, April, mag-usap tayo. Tawagan mo naman ako, please!" Iyon ang mensaheng nabasa niya at sa petsang naka-indicate roon ay nitong linggo lang ito. Sinamantala niyang may nasasagap na signal ang kanyang cellphone, agad niyang tinawagan si Geoff. Ang pagkakaalam niya ay may load pa ito. Nagpaload siya ng tatlong daan bago sila umalis ng Manila ni Kylar. Hindi pa man natatapos ang unang ring ay sinagot na iyon ni Geoff.

"Hello, Babe, sa wakas tumawag ka rin. Ilang beses na kitang tinatawagan pero pinapatayan mo lang ako." Naguluhan siya sa sinabi nito. Wala naman siyang natatanggap na tawag mula sa dating kasintahan.

"Geoff, babalik na ako ng Manila next week. Kailangan nating mag-usap— arg!" naputol ang tawag. Wala na namang signal. Manghihiram na lang siya ng cellphone kay Kylar. Pumihit siya para lumabas ng silid pero napapitlag siya nang malingunan si Kylar na halos isang dipa na lang ang layo mula sa kanya.

"Ginugulat mo naman ako... puwede ba akong makahiram ng cellphone? May tatawagan lang ako."

"Ang ex mo? Magkabalikan na ba kayo?" walang ka-emo-emosyong tanong nito.

"Baka nakakalimutan mong hindi ka aalis sa puder ko hanggang sa manganak ka." Tumiim ang bagang ni Kylar. Ang laging maaliwalas na anyo nito tuwing kasama niya ito ay nawalang lahat. Ano ang nangyayari? May problema kaya ito?

"Kylar, pag-usapan natin 'to pagdating sa Manila. Gusto ko munang makausap si Ma'am Katrina." Lalong dumilim ang anyo ni Kylar.

"Kung ano ang pag-uusapan ninyo may karapatan akong marinig, April!" Napapikit siya sa pagtaas ng boses ni Kylar. She had never seen Kylar so angry before as he is at this very moment. Walang-wala ang galit na nakita niya noong unang engkuwentro nila sa galit nito ngayon.

"Wala ka rin bang balak sabihin sa akin ang tungkol dito?" itinaas nito ang kanang kamay. Hawak nito ang pregnancy test na ginamit niya four days ago na isinilid niya sa kanyang short. May ilang pregnancy test siyang binaon. Bago sila nagtungo sa airport noon ay dumaan sila sa isang drug store para bumili ng pregnancy test na magagamit para mas madali niyang ma-monitor ang lagay niya. Nang madelay ang menstruation niya ay agad siyang nag-test.

"Ano ang plano mo at bakit kailangan mo itong itago sa 'kin?" Nagsimulang mamuo ang luha sa kanyang mga mata. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Halo-halong emosyon ang naghahari sa puso niya ngayon. Dinagdagan pa iyon sa nakikita niyang galit ni Kylar.

"K-Kylar... kasi..." tuluyan siyang napahikbi at nanlulumong napaupo sa gilid ng kama.

"I'm sorry... hindi ko kasi alam ang gagawin ko, eh." Nakatungo ang kanyang ulo habang tuloy-tuloy sa paghikbi. Nanatili namang nakatayo si Kylar sa harapan ni April at naghihintay sa malinaw na paliwanag ng dalaga.

The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon