CHAPTER 4

268K 5.9K 251
                                    

Revising story. Hindi na ito ang next scene, chapter 5 na ito sa revised version.


____

"SORRY, Ate, sa mga nasabi ko!" Hinging tawad ni Jeralyn habang nakasunod ito sa kanya sa pagbaba ng hagdan. Binitawan ni April ang traveling bag sa sahig at hinarap ang kapatid.

"Ayos lang 'yon, naiintindihan ko. Ikaw na muna ang bahala kila Nanay at Tatay, ah?" Sinulyapan niya si Gerard na nakaupo sa lumang sofa habang abala sa ginagawang homework saka bumulong kay Jeralyn.

"Tandaan mo, wala silang alam dito. Ang sabi ko sa kanila na-assign ako sa branch sa Davao."

"Hindi mo na ba sila hihintayin?"

"Hindi na. Nagpaalam na ako sa kanila kanina bago sila pumunta ng ospital." Schedule ng dialysis ng tatay niyang si Nestor ngayon.

"Paano, mauna na ako." Muli niyang binalingan si Gerard.

"Gerard, magtino ka, ah?"

Nag-angat ng tingin si Gerard. "Opo, ate. 'Di hamak naman na mas matino ako kaysa riyan kay Ate Jeralyn."

Hinubad ni Jeralyn ang isang tsinelas at ibinato sa kapatid na maagap naman nitong nasalo at tumawa.

Binuhat niya ang bag. "Sige na, mauna na ako. Huwag kayong mag-aaway, ah? Huwag niyong bibigyan ng sakit ng ulo sina nanay at tatay." Bilin niya sa dalawa na mabilis na sumagot ng 'oo' na sinamahan pa ng pagtango.

Ngayon siya pupunta sa condo ni Kylar. Nakatanggap siya ng tawag sa lalaki noong isang araw at sinabi nitong maaari na siyang magpunta sa condo nito ngayon. Pero bago siya magpunta ay kailangan niya munang puntahan si Geoff. Hindi pa nito alam na ngayon na niya gagawin ang bagay na ito.

Alam ni Geoff ang tungkol sa plano niya at hindi ni Geoff gusto ang ideya na iyon. Pinagtatalunan nila hanggang ngayon ang bagay na ito pero nakapag-desisyon na siya. Kung may ibang paraan lang sana ay hindi niya ito gagawin. Kung mayroon man lang sana silang kahit isang property na maaaring ibenta o isanla ay iyon na lang sana ang ginawa nila pero wala. Nangungupahan lang sila sa maliit na bahay na ito, isa pa sa buwang-buwang alalahanin niya ang upa sa kanilang bahay. Ang daming dahilan para ituloy ito. Una ay ang mga utang niya kay Katrina. Paano niya iyon babayaran kung aatras siya? Pangalawa ay ang determinasyon ng kapatid niyang ito ang pumalit sa kanya kung aatras siya at higit sa lahat ay ang buhay ng tatay niya.

Lumabas si April ng bahay na bitbit ang traveling bag at isang shoulder bag. Tinungo niya ang hanggang baywang na gate saka lumabas. Tumayo siya sa silid ng kalsada at inilapag ang bag sa tabi niya para maghintay ng jeep. Nang matanaw ang jeep ay itinaas niya ang kamay para parahin ito pero may um-over-take sa jeep na isang magarang itim na kotse, at huminto iyon sa mismong harapan niya. Bumaba ang salaming bintana sa passenger's side. Agad na tumaas ang kilay niya nang makita si Kylar na nakaupo sa driver seat. Ano ang ginagawa ng lalaking ito rito?

Sumenyas ito sa kanya na sumakay.

"Sabi ko ako na lang ang pupunta ng condominium mo 'di ba? May pupuntahan pa ako." Bumababa si Kylar mula sa driver's side at umikot sa gawi niya. Walang anumang salitang kinuha ang bag na nasa tabi niya at inilagay iyon sa backseat. Binuksan ni Kylar ang frontseat.

"May pupuntahan tayo. Hindi tayo sa condo tutuloy. Now, hop in without any question."

Lalong umarko ang kilay ni April sa pagiging bossy nito. Wala na siyang nagawa kundi ang sumakay dahil tiyak na wala rin naman siyang magagawa kahit na magreklamo pa siya.

The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon