Chapter 9

293K 6.3K 420
                                    

Hello! Sa darating na MIBF po i-re-release ang The Hunk Society 1: Claimed.

I changed the title. From the "The Major Distraction to Claimed"

Sana po makabili kayo ng copy. May mga scenes sa book na wala rito sa watty. Iba po ang ending. Since bitin ang ending dito dinagdagan ko po sa book siguro mga 3 chapters pa 'yon.

Please! Sana po suportahan niyo. Maraming salamat! BTW under LIB Bare po 'to.

----

NAKAUPO si April sa narrang upuan na nasa terrace habang nakatingin sa cell phone niya. Nakatitig siya sa pangalan at numero ni Geoff. Her heart filled with guilt. Bukod kasi sa tuluyan na siyang inangkin ni Kylar na hindi niya maamin sa kasintahan noong unang pag-uusap nila ay ang naging reaksiyon ng kanyang katawan kagabi habang nagniniig sila ni Kylar. Bawat halik at haplos ni Kylar sa katawan niya ay nagustuhan ng katawan niya. Wala siyang hindi nagustuhan sa nangyari kagabi and that brings too much feeling of guilt in her heart.

"April?" Kylar's voice woke up her trance. He looked up at Kylar, who's standing next to her.

"Are you alright?" Sinulyapan nito ang screen ng cell phone niya. Tumayo siya at isinilid ang aparato sa bulsa ng kanyang maong na short.

"Alis na tayo?" tanong niya. Tumango ito at kinuha ang kanyang kamay at pinagsalikop ang kanilang mga daliri. Bumaba sila sa mababang hagdan at magkahawak kamay na naglakad. Pupunta sila ng restaurant ni Rufus para doon mag-lunch.

Ipinasyal na rin siya ni Kylar sa buong kampo kanina. Mahigit bente ang cabin dito kaya ibig sabihin ay marami ang miyembro ng The Hunk Society. May main entrance rin ito. Doon dadaan kung transportasyon pangtubig ang sasakyan. Pero malayo raw ang kampo na ito sa bungad ng gubat kaya mas preferred ng bawat miyembro na helicopter ang gamitin. Nasa gitna na kasi talaga ito ng gubat. Maaari lang pumunta ang isang bisita rito kung ito ay imbitado ng miyembro pero sa ngayon daw ay wala pang ibang nakakarating sa lugar na ito. Pribado ito at hangga't maaari ay hindi gusto ng miyembrong gawin itong pampubliko. Dito lang daw nagkakaroon ng katahimikan ang mga miyembro.

Napakaganda ng lugar na ito. Para talaga itong isang paraiso. May natural swimming pool dito. Ang higit na nakakuha ng kanyang atensiyon ay ang malaking ilog. Napakalinaw at kitang-kita ang mga isdang naglalanguyan doon. Ang dami ring organic vegetables at doon raw kumukuha si Rufus ng mga sangkap sa pagluluto. Ang sarap-sarap tumira sa lugar na 'to.

"Are you sure, you alright?" tanong ni Kylar habang naglalakad sila, dinala nito ang kamay niya sa bibig at hinalikan ang likod ng kanyang palad na kanyang ikinangiti. Napansin niya na mahilig nitong gawin iyon.

"Hobby mo ba 'yan?" tanong niya sa halip sa sumagot sa tanong nito.

"Ang alin?"

"Ang paghalik sa kamay. Ginagawa mo ba iyan sa lahat ng nagiging girlfriend mo?" Napaisip ito at tumaas ang sulok ng labi na tila nasiyahan at the same time ay confused.

"Oo nga 'no, hindi ko rin napansin na madalas kong gawin ito sa 'yo. Sa 'yo ko lang ito ginawa actually." She rolled her eyes. Of course she knew he lied.

"Totoo. Hindi ka ba naniniwala?"

"Hindi," she honestly replied and Kylar laughed sofly.

"Believe me. Sa 'yo lang talaga— oh, and kay mom. I get used to kissing the back of her hand everytime she's sad to comfort her. Feeling ko nakakatulong kasi napapangiti siya sa tuwing ginagawa ko 'yon. And since you look sad so that's why I did."

"Okay, naniniwala na ako."

"And for your information. Hindi pa ako nagkaka-girlfriend."

"Diyan ako hindi maniniwala," aniya na sinabayan ng irap.

The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon