She gaped in antonishment at the revelation. Her heart hammered inside her chest, she even felt a fluttering in her stomach. Parang nagsisirko ang puso niya at ang batang nasa sinapupunan niya. She swallowed the lump down in her throat and slowly released
the breath she had been holding, unable to find a words to respond."Wala kang sasabihin sa sinabi ko?"
"Imposible!" siyang lumabas sa bibig niya. Nagtagpo ang makakapal na kilay ni Kylar."Paano mo nasabing mahal mo na ako? Ni hindi mo pa nga nararanasan magmahal. Ang batang nasa sinapupunan ko ang mahal mo at hindi ako." Pinagtagis niya ang mga ngipin niya para pigilan ang luhang gustong umalpas mula sa kanyang mga mata.
Nagsigalawan ang mga muscle ni Kylar sa panga, maging ang mga buto roon ay nagsisilitawan sa pagtatagis ng bagang nito. Kylar stepped closer to her. Tinuro nito ang dibdib kung nasaan banda ang puso.
"This is my fucking heart. Ako ang nakakaalam kung ano ang nilalaman nito. Ikaw mismo ang nagsabing hindi pa ako nagseryoso sa isang babae. Kaya alam na alam ko ngayon kung ano ang nararamdaman ko dahil hindi ko pa 'to naramdaman sa kahit na kaninong babae!" That made her heart beat faster even more. Nalilito siya sa sinasabi ni Kylar. Dapat ba niya itong paniwalaan?
"Hindi ko alam kung dapat kitang paniwalaan. Kylar, malay mo nagkaka-crush ka lang sa 'kin, turn on ka lang sa 'kin kasi virgin ako nang makuha mo ako! Ano ang basehan mo para sabihing mahal mo nga ako, sige nga sabihin mo?" hamon niya.
Kylar laughed humorlessly. He ran his hands through his face frustratedly. "I've never been insecure in my entire life but you made me feel insecure all of a sudden. I felt the need to exert more effort para pantayan ang ex mo. Gusto ko na ngang gayahin ang baduy na porma ng ex mo para lang mahalin mo rin ako, eh."
Nakagat ni April ang pang-ibabang labi at hindi malaman kung matatawa sa panglalait nito kay Geoff. Nanglait pa talaga! Kahit naman tiangge lang ang mga damit ni Geoff hindi naman baduy.
"At sa tuwing may mga lalaking lumalapit sa 'yo, selos na selos ako, kahit kay Rufus! I have a momentary urge to wrap my hands around their fucking necks and squeeze the life out of them... you made me discover a part of me I didn't even know existed. I'm not afraid to be overly affectionate towards you, but I'm afraid of losing you. And why does my heart skip a crazy beat everytime I see your face in the morning? Now, tell me that I'm not fucking in love with you."
Napabulalas siya ng iyak. Tuluyan na niyang hindi napigilan ang pinaghalo-halong emosyon. She didn't expect hearing those words from him but a part of her still in doubt.
"Echos ka! Ganyan rin naman ang sinabi mo sa baby o babe mo, ah?" Huwag mo akong paglaruan, Kylar, babasagin ko talaga mga itlog mo, eh!" Pinahid niya ang luha sa pisngi. Nagugulahan naman si Kylar na napatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)
RomanceThe Hunk Society book 1 (Claimed) Hunk society is an aggregated peer of young heirs who wanted to escape from their responsibilities and the life that they can't embrace. Together, in a camp...