chapter 14

241K 5.6K 341
                                    

 MALAPAD na nakangiti si April habang tinatanaw si Kylar at Rufus na naghaharutan sa swimming pool habang siya ay nakaupo sa pool chair. Ilang araw na rin silang nananatili ni Kylar sa Isla de Amor. Mukhang wala pa namang balak bumalik sa kampo si Kylar na ipinagpapasalamat naman niya dahil mas na-e-enjoy niya ang mag-stay dito sa resort. Isa pa ay gusto niya talagang sulitin ang pananatili sa isla. Once she gets pregnant ay babalik na sila ng Manila at siguradong malabo na siyang makabalik sa lugar na ito. And once she has given birth ay mawawala na rin sa kanya si Kylar. Napahugot ng isang malalim na hininga si April sa katotohanang iyon.

Her heart sank at the thought of not seeing Kylar after this. Magkakalayo na sila ni Kylar. Napahawak si April sa kanyang tiyan. Sa isipang ipamimigay niya ang sariling anak ay parang pinipiga ang kanyang puso. Kaya ba niya? Napukaw ang malalim niyang pag-iisip nang tumunog ang cellphone ni Kylar na nasa ibabaw ng maliit na mesang nasa tabi ng poolchair na kinauupuan niya. Ibinaba niya ang dalawang paa na nakaunat at kinuha ang cellphone.

'Old Levesque' ang pangalan ng caller. Tumingin siya sa gawi ni Kylar na ngayon ay nakikipag-unahan sa paglangoy kay Rufus. Muli niyang ibinalik ang tingin sa screen ng cellphone. Hindi naman siguro mamasamain ni Kylar kung sasagutin niya ang tawag. Baka importante. Sinagot nga niya ang tawag.

"Kylar, where the hell are you?" April flinched upon hearing a loud discordant voice of a man. She even pulled the phone a few inches away from her ear and heard the distant squawking of the man's voice on the line.

"Kylar!" pasigaw na tawag ng lalaki sa panglan ni Kylar nang wala itong marinig na sumagot sa kanina pang pagsasalita nito. Reluctantly, ibinalik niya ang aparato sa kanyang tainga.

Nagtanggal muna siya ng bara sa lalamunan bago nagsalita. "H-hello," nauutal niyang wika. May hatid na kilabot ang boses ng nasa kabilang linya.

"Who are you?" bagamat humina ang boses nito ay naroroon pa rin ang tigas at awtoridad sa boses nito.

"Ahm... ako po si—"

"Isa sa mga babae ng anak ko!" Muli niyang nahigit ang kanyang hininga sa narinig. Kung ganoon ay ang kausap niya ay siyang ama ni Kylar.

"Where's that man?" matigas pa rin ang boses nito.

"Ahm..." parang nawalan siya bigla ng kakayanan mag-constract na pangungusap

"Tell my son to return my call. Huwag niya kamong binabaliwala ang mga tawag ko!" mabilis na tumango-tango si April na akala mo'y nakikita siya ng kausap.

"And one more thing. A piece of advice, hija. Stay away from my son as much as you can dahil sasaktan ka lang niyan. Baka isang araw ay susugod ka sa opisina na naghahabol sa anak ko katulad ng mga iba pang babae." Kasunod niyon ay isang tunog na senyales na binabaan na siya ng kausap.

Ipinaling niya ang tingin sa kinaroroonan ni Kylar habang walang buhay na ibinaba ang cellphone. Nakaahon na ang binata at ngayon ay nakatayo sa gilid ng pool habang masayang nakikipag-usap sa dalawang babae. Bigla ang malakas na pagtahip ng kanyang dibdib nang hawakan ng isang babaeng may pulang buhok ang mukha ni Kylar at halikan ito sa labi. Mabilis siyang nagbawi ng tingin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone at bigla ay parang may hikbing namuo sa kanyang lalamunan. Bakit siya nasasaktan ng ganito?

"April?" tiningala niya si Rufus na bakas ang pag-aalala sa anyo nito. Hinila nito ang isang pool chair palapit sa kinauupan niya at umupo ito roon paharap sa kanya. Nakakulong ang mga hita niya sa pagitan ng hita ni Rufus. Nagulat siya nang supuhin ng binata ang magkabilang pisngi niya ng medyo basang kamay nito.

"Bakit ka umiiyak? May nambastos ba sa 'yo? Tell me and I will send whoever it is in hell." Marahan siyang natawa. This hunk is very protective at masuwerte ang babaeng makakatuluyan nito. Inalis niya ang kamay ni Rufus at pinahid ang luhang hindi man lang niya namalayang tumulo na pala.

The Hunk Society book 1: Claimed (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon