Chapter 1

240 31 36
                                    

I don't talk to strangers

(Shein's PoV)


“Hintayin na lang kita sa labas besty.” tinapik ako ni Chandria sa balikat bago siya umalis.


Kaya ayokong umiinom ng malamig sa air-conditioned na lugar e. Bukod sa nanginginig ang buong pagkatao ko ay naiihi ako. Tapos ang haba pa ng pila sa C.R. kapag nagkataon. Tsk.

Isinalpak ko na lang sa tenga ko ang earphones ko dahil mukhang matatagalan pa bago ako makapasok sa C.R. Ganito talaga kapag sa loob ka ng fast food nakibanyo. Ayoko namang pumunta pa sa food court dahil baka mapaihi na 'ko sa pants ko. Nakakahiya 'yon.



Turn ko na sana para pumasok sa loob ng banyo nang may siraulong tumulak sa'kin at pagkatapos ay sinukahan pa 'ko. Yuck! Shems naman. Okay lang sana kaso nasukahan nya 'yung favorite Nike shirt ko na once in a blue moon ko lang sinusuot dahil pinepreserve ko ang pagkabago nito. Kainis talaga! At mas uminit ang ulo ko nang bigla na lang siyang umalis pagkatapos nyang sumuka na para bang walang nangyari. Hindi ba uso ang mag-sorry? Haist. >_<


Hinabol ko 'yung lalaki at mabuti naman dahil hindi pa siya nakakalayo. Nahawakan ko siya sa braso at saka ako pumunta sa harapan nya.


“Excuse me, nasukahan mo 'yung shirt ko.”


Ngumiti ako ng pilit sabay turo sa shirt kong nadungisan. Kumunot lang yung noo niya at saka ako nilagpasan. Aba't! Ampness talaga!



Binilisan ko ang lakad ko at sala ako humarang sa dadaanan nya.

"Excuse me. Nasukahan mo 'ko." pag-uulit ko sa sinabi ko kanina at mukhang natauhan naman na siya this time.

"I'm sorry miss, but I don't talk to strangers." sabi nung bwiset at tuluyan nang umalis. May pa-English English pa siya!

Ang kapal!

Sa sobrang inis ko ay naibato ko sa kanya yung hawak kong cokefloat na for take-out ko sana. Hindi ko na rin naman maiinom 'to dahil natalsikan na ng suka nya kanina. And since 'di pa siya gaanong nakakalayo ay tumama sa likod nya 'yung ibinato ko. Paniguradong manlalagkit siya mamaya. Dapat lang sa kanya 'yon. Walang manners. Tsk.

“Hala bro, ano'ng nangyari sa'yo?” tanong nung isang kasama niya. Bulag ba siya? Ba't tinatanong niya pa? Tss. Obvious naman na natapunan yung kaibigan niya. Haist.


“Ano ba'ng ginawa mo kasi do'n sa babae?” tanong naman nung isa pa niyang kasama. Aba't may matino pala siyang kaibigan.


Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at gano'n din ang mga taong nasa loob ng fast food chain na pinapanood kami ngayon. Wait. Mga tao? Nanonood? Shems! Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at gano'n na lang ang panginginig ng buo kong katawan nang makitang nakatingin silang lahat sa'min. 'Yung manager ng fast food ay mukhang tumatawag na ng securities dahil sa eskandalong sinimulan ko. Waaaah. Lagot ako kay mommy kapag nalaman nya 'to. Kailangan ko nang makalabas dito. Parang umurong na din naman 'yung ihi ko. Shems talaga. Nagmadali na 'kong naglakad palabas pero hindi pa man ako nakakalayong masyado sa pwesto ko kanina ay nakita ko ang galit na mukha nung lalaking binato ko ng cokefloat. Kaya naman awtomatiko aong napahinto. Mabilis siyang naglakad papalapit sa'kin kasabay nang nagpapalpitate kong puso. Sasapakin nya ba 'ko?

"Hope you're happy now. Ngayong napansin na kita, masaya ka na?” pahayag nya pagkahinto nya sa harap ko. Napakurap naman ako sa sinabi nya. Tama ba ang narinig ko? Ako? Nagpapapansin? Sa kanya?  Wow. Ang kapal talaga!



"Hoy bwiset na lalaki. Gusto ko lang namang sabihin na sinukahan mo 'ko at na hindi ka man lang nag-sorry sa ginawa mo. At bakit naman ako magpapapansin sa'yo? Korean Actor ka ba?” halos magdugtong na ang kilay ko sa pagkakasalubong nito. Naiinis talaga 'ko ng sobra sa lalaki na 'to.

Nanatili lang siyang nakatitig sa'kin ng ilang segundo nang bigla na lang siyang yumuko at halikan ako. Narinig ko pa ang pag-gasp ng mga tao sa paligid ko sa ginawa nya.


O.o


What the heck? Did he just kissed me? Shems talaga! Nang mag-sinked in sa'kin ang ginawa nya ay hindi ko na naiwasan na iangat ang kanang palad ko at sampalin siya.


*slap*

"Bastos! Bakit ka nanghahalik!" I said. Ah. No. I protested.


Mukhang nakainom pa siya. Ang baho niya! Tsk. Pero foul pa din ang ginawa niya!

"To say sorry, I guess? Wasn't that enough? Do you want me to kiss you on your lips to make you accept my apology?”


This time ay itinulak ko na siya. Walandyong lalaki 'to. Ang lakas ng trip! Amp! Sino ba siya?


"Can't you just say the word ‘sorry’? I think you can't. So, will you just atleast compensate for my shirt?" akala nya siya lang ang marunong mag-English. Tsk.


"Here. Take everything that you can get.” kinuha nya sa pocket ng pants nya ang wallet nya at saka ito ibinigay sa'kin. Bukod sa ang hilig nyang mag-English ay likas na napakayabang talaga nya.

"So pinagyayabang mo na branded ang wallet mo ha?" inis na sabi ko.

“Kinakausap mo ba ang sarili mo? Tignan mo nga 'yang suot mo. Kailangan ang laki ng NIKE? Tss.” hinatak nya sa kamay ko 'yung iniabot nyang wallet nya kanina. Marunong naman pala siyang mag-Tagalog. Parang siraulo lang. Tsk.


“Na-realize mo ba na wala kang pera kaya binabawi mo 'yang wallet mo?” biglang nag-boost ang confidence ko nang dahil sa ginawa nya. Wala naman yata syang dalang pera. Huh! Akala nya!

“Here. Take this. Mukha namang ukay lang ang damit mo. You're taking so much time from me, miss i don't know. So, let's just end this scene here.” naglabas sya ng 100 peso bill mula sa wallet nya at saka ito itinapal sa mukha ko. And he just left me there hanging my mouth wide-open.

“Pasensya na Miss, nakainom kasi 'yong kasama namin.” pahabol nung nakasalamin na kasama nya.


“Wala akong paki!” sigaw ko sa mga bwiset na 'yon.

Napapadyak na lang ako nang maalalang maraming tao ang nakakita sa nangyari kanina. Nakakahiya talaga. Tinakpan ko na lang ng dalawang kamay ko ang magkabilang side ng mukha ko para hindi ko makita ang mga tingin na ipinupukol nila sa'kin ngayon. At saka ako naglakad ng mabilis palabas kaya lang ay hinarang ako ng mga security sa may exit ng fast food chain. Ano ba 'tong pinasok kong gulo?

“Teka lang po. Bakit ako lang ang huhulihin nyo? Dapat hinarang nyo din po 'yung lalaki kanina.” wala na 'kong nagawa nang kaladkarin nila 'ko papunta sa office ng manager nitong fast food chain.





Edited
Revised

I Don't Talk To Strangers [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon