CHAPTER 11: Uh-oh.
(Shane's POV)
Nang makarating kami sa mall ay dumiretso agad kami sa Goldilocks para mag-meryenda.
"Brix, san na tayo pagkatapos nating kumain?" tanong ko dito habang kinakain yung flower sa cake.
"Tambay muna tayo sa bahay. Hatid na lang kita pauwi. Bumili na lang tayo ng kakainin natin dito." sagot naman nya.
Di bale, ako na lang yung kumakain. Tapos sya, naglalaro naman sa cellphone nya.
"Ah sige. Pwede bang yung fries na lang sa Jollibee tapos burger at float sa McDonalds?" suggest ko.
"Hindi ka naman gutom nyan?" kumento nya habang naka-focus pa rin sa cp nya.
"Hindi. Tara na. Tapos na kong kumain."
Tumayo na kami non at saka naglakad palabas ng Goldilocks.
Binili lang namin yung sinabi ko kanina at nagtungo na kami sa subdivision nila.
Itinigil nya yung kotse nya sa labas ng bahay nila at pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto.
"Iiwan mo na 'yan dyan?" takhang tanong ko.
May garahe naman sila sa loob ng bahay nila pero iiwan nya lang sa labas yung kotse nya.
"Oo. Tara na." pahayag nya at saka naunang maglakad.
Hawak nya sa magkabilang kamay nya yung mga binili namin.
Agad ko naman syang hinabol para tulungan syang magbitbit ng mga pagkain. Nakakahiya naman kung sya lang ang magbibitbit eh sya na nga yung bumili. V ^_^V
"Brix, tulungan na kita." sabi ko at saka kinuha yung Mcfloat sa kaliwang kamay nya.
Medyo may kalakihan din yung bahay nila Brix. Pagpasok mo ng gate ay bubungad sayo ang isang malawak na garden at ang garahe nila. Sa bandang likod naman ng bahay nila ay yung swimming pool nila. Tatlong floors yung bahay nila, pero rooftop nila yung pangatlo. Basta, malawak talaga sya.
Naglalakad lang kami nang maalala ko si Chandria at yung bag ko.
"Sh*t. Yung bag ko! Tapos si besty pa. Waaahhh!!! Brix balik tayo sa school." nagpa-panic na pahayag ko.
Naghy-hysterical na ko't lahat, samantalang si Brix nakatayo lang at nagpipipindot sa phone nya.
"Hoy, sabi ko—."
"Chandria, padala na lang ng bag ni Shane and sorry kung di ka na nya nabalikan. Yes. Don't worry, she's with me. Okay. Bye. Thanks." tuloy-tuloy na kausap ni Brix sa phone nya.
"S-si Chandria ba 'yon?"
paninigurado ko.
Tumango naman sya bilang sagot.
"A-anong sabi? Galit ba? Sana hindi sya galit. Ayokong magalit sakin si bes—."
Napatigil ako sa pagsasalita ko nang maramdaman ko na hinawakan ni Brix ang kamay ko.
*Dug.Dug.*
"Oh? Bakit ka tumigil?" tanong nya nang hindi ako nililingon.
Damn. Not now.
>///<
B-bakit hindi ako maka-imik? Ano Shane? Nasan na ang pagkamadaldal mo ngayon?
Maya-maya pa narinig ko na lang sya na tumatawa ng mahina.
"B-bakit?" naiilang na tanong ko.
Thank God. I found my voice again.
"I just find it cute when you're blushing." he said while grinning.
Packing tape. Nakakahiya ka Shane.
I'm trying to stop myself from exasperating, pero mas lalo pang dumoble ang kabog ng dibdib ko nang i-lock nya ang fingers naming dalawa.
Pakshet talaga. Parang anytime magco-collapse ako dito sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
>///<
"Stay here. May kukunin lang ako sa loob."
Dun lang medyo kumalma ang puso ko. Iniwan nya muna ako dun sa pool nila, not literally kasi pinaupo nya ko dun sa parang stretcher na matigas. Ah ewan. Basta yun na yon.
Maya-maya pa ay bumalik na si Brix ng naka swimming trunks na lang may dala din syang dalawang bathrobe.
Nilampasan nya lang ako pagkalapag nya ng bathrobe sa may table at pagkatapos ay dumiretso sa pool.
"Bey. Halika dito." tawag sakin ni Brix.
Lumapit naman ako sa kanya na nakatayo lang sa pool. Inilahad nya yung mga braso nya sakin, agad ko namang inabot 'yon at sa katanghan ko, di ko naisip na hihilahin nya ko sa pool. Kaya ayun, nahulog na naman ako. Pero this time kumapit agad ako sa balikat nya.
Ang posisyon namin ngayon, ako nakayakap sa kanya sya naman inaalalayan ako. Nararamdaman ko din na umuusod kami papuntang gitna ng pool dahil pataas ng pataas yung tubig.
Tinitigan ko naman sya ng masama non kaya naman tumigil na sya sa pagtangay sakin. Nanatili lang kami sa may gitna ng pool nila habang nakatitig sa isa't isa. Almost inch na lang ang pagitan ng mukha namin.
*Dug.Dug.*
"I like you Shane."
Bago pa man ako maka-react ay naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi nya sa labi ko.
*Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.*
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko ng mga oras na 'yon. After some seconds ay bumitaw na rin sya and then he flashed a smile na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.
I know that it's too early for Us, but atleast, I've given a chance to say this to him.
"I like you too... Brix."
He just hugged me tight by that time and I'm already contented with that knowing that we have the same feelings.
Umahon naman na kami non at umupo muna dun sa gilid ng pool habang nakababad yung mga paa namin sa tubig at kumakain nung mga binili namin kanina.
*Bzzt.Bzzt.Bzzt.Bzzt.*
Chandria calling...
"Hello, besty?"
"Si Chandria?" tanong ni Brix.
"Oo."
[Nandito ako sa bahay mo. Pa-sleep over naman oh! Nag-away na naman kasi parents ko. Teka... nasan ka ba?]
"Ah— na kayna Brix ako." sagot ko.
Napatingin naman ako non kay Brix na patuloy na nilalaro yung kamay ko.
[Sus. Sige na. Hihintayin na lang kita! Bye Besty! Labyu.]
"Labyu too." I said and ended the call.
"Brix, uwi na ko." paalam ko dito.
"Hatid na kita."
Nakapagpalit na rin kami ng damit at pagkatapos ay dumiretso na kami sa bahay. Nadatnan namin si Chandria na nakadukdok yung mukha sa tuhod. Natutulog na yata. -_-||
"Ah, salamat sa paghatid.Goodnight."
"Yun na 'yon?" naguguluhang tanong nya.
Ako din naguguluhan eh. Anong 'yun na 'yon'?
"Ang LR mo talaga. Tsk. Sige na, goodnight."
Nagulat na lang ako nang halikan nya ko sa pisngi at saka mabilis na sumakay ng kotse nya. Pero mas ikinagulat ko nang magsalita si Chandria.
"So, what's with the kiss?"
Uh-oh.
<<滢
A\N; comment lang po :)
BINABASA MO ANG
I Don't Talk To Strangers [UNDER REVISION]
Teen FictionThey were once just a stranger until they met each other. She fell for him and so he is. Just like in any ordinary love story, they fell in love and they fall apart. Will they be back to strangers again? Or will they meet again and make things righ...