DEDICATED TO:
CHAPTER 18: Stolen Moments
(Brix' POV)
Naglalakad lang kami ni Shane sa buong school buong maghapon. Mahigit isa't kalahating oras din kaming paikot-ikot hanggang sa maisipan nyang maupo sa isang bench. Tahimik lang kami. Nagpapakiramdaman, siguro. Hanggang sa ako na rin ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin.
"I'm sorry."
Napalingon naman sya sakin kaya naman tinignan ko na din sya. Nakatingin lang sya sakin na parang naghihintay ng kadugtong sa sinabi ko.
"Yung samin ni Khate. Yeah, I never said to you that I have a girlfriend. But it doesn't mean that I will keep that as a secret to you forever. I'm just waiting for the perfect timing. I never intended to two time you. I was planning, back then of breaking up with her.. pero bigla na lang syang bumalik."
"Kaya.. pinabayaan mo na 'ko." Shane stated.
"No. Shane. That time. Nung birthday ko. Aalukin na kita nun eh.. na maging girlfriend ko during my speech. Pero tang*na. Tadhana nga naman. Dumating sya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung lalapit ba ko sayo at mage-explain o hihintayin kong makalapit sakin si Khate para mag-explain sya. But in the end, nanatili lang ako sa pwesto ko."
"Pinili mo sya.. eh ba't mo nga naman ako pipiliin? Nasa choices mo ba ko?"
"Yeah. I choose to stay with my position to hear her explanation. Para pagkatapos non, pwede na ko sayo. Pwede na tayo."
Tumingala muna ako saglit para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Pero hindi ko nagawa, unti-unting naglabasan ang mga pesteng tubig mula sa mga mata ko. Damn it. This is so gay!
Ngayon, parehas na kaming umiiyak ni Shane. Mabuti na lang at madilim na kaya hindi makikita ang mukha namin. Isa pa, busy ang mga tao sa hall ng school sa mga oras na 'to dahil nagsisimula na ang awardings. Yung iba naman, busy sa rides at mga booths.
"But sh*t happened. Umiiyak sya. Umiyak sya sa harap ko. How I hate seeing girls crying. Kahinaan ko 'yun. Hindi ko kayang manakit ng babae. Kaya kahit gaano ko man kagusto na sumbatan sya mas pinili ko na lang na pahiran yung mga luha nya at tanggapin sya ulit, after all, she's still has a part to my heart."
"Eh pa'no ako? Hindi mo ba ko nakitang umiyak nung araw na 'yon? Umiyak din ako nun Brix! U-umiyak din ako. Tignan mo oh, hanggang ngayon umiiyak ako ng dahil sayo! Nasaktan ako.. at hanggang sa mga oras na 'to.. na-nasasaktan pa rin ako. So bakit di mo ko nilapitan? Kasi okay lang. Si S-Shane lang naman yan.. okay lang na masaktan sya wag lang yung girlfriend ko na nang-iwan kasi.. may parte pa rin sya dyan?!" humihikbi na pahayag ni Shane at saka nanginginig na itinuro ang kaliwang parte ng dibdib ko.
Umiiyak sya Brix. Bakit wala kang ginagawa?
"Eh kung gano'n.. nasa'n ako? Nandyan din ba 'ko Brix? O, baka naman never akong nagka-space dyan?"
Hinawakan ko sya sa mga kamay nya.
"Shane.. mahal kita." seryosong sambit ko sa kanya.
"Mahal? Wow, kelan pa? Ngayon lang? Wag ka ngang magpatawa Brix. Kasi kung mahal mo ko, hindi mo ko iiwan."
"Hindi nga kita iniwan!" sigaw ko sa kanya. Tang*na. Hindi lang naman sya ang nahihirapan saming dalawa. Hindi lang sya ang nasasaktan.
"Oo nga pala, nakalimutan ko na naman. Bumalik ka nga lang pala. Okay na. Well explained na. Malinaw na. Loud and clear na. Sige, una na ko." umiiyak pa rin na pahayag ni Shane at saka tumayo.
Nung akmang tatalikod na sya, ay hinigit ko sya pabalik sa kinauupuan nya dahilan upang mapayakap sya sakin. Na-miss ko 'to. Yung ganito kami kalapit sa isa't isa.
"A-aalis na—mmp."
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na halikan sya. Mabagal lang pero puno ng respeto.
Makalipas ang halos limampung segundo ay agad na humiwalay ako sa kanya. Agad naman syang nag-iwas ng tingin at umayos ng upo.
"Shane." tawag ko sa kanya pero hindi nya ko nilingon. Kaya naman hinatak ko ulit sya upang mayakap ko sya. Nagpupumiglas pa sya noong una pero nung maramdaman nya ang pagbaon ko ng mukha ko sa leeg nya at paghigpit ng yakap ko sa kanya ay tumigil na sya sa pagpiglas.
"Pag.. si-sinabi kong mahal kita.. *sniff* mahal kita Shane. Please wait for me.. bey." maikling pahayag ko habang umiiyak na naman. Tsk. King*na this. Nagiging iyakin na ko.
Ilang minuto rin na ako lang ang nakayakap sa kanya hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagyakap nya sakin. Napangiti na lang ako.
"Ang u-unfair mo. *sniff* Bakit pag.. hu-humihingi ka ng pabor sakin, hindi ko kayang tanggihan.. pero pag ako.. *sniff* kayang kaya mong hindian."
"Sorry."
"Lagi ka na lang sorry ng sorry. Nakakainis."
Kumalas sya bigla sa pagkakayakap sa akin. Inakbayan ko naman sya at ninakawan ulit ng halik, this time, smack na lang.
"Hoy! Nakakadami ka na ah!?" sigaw nya nang makatayo sya habang tinuturo ako. Tss.
Hinawakan ko naman yung kamay nya at piagintertwine ito sa kamay ko. I really miss this.
"San tayo pupunta?" tanong nya nang magsimula akong maglakad.
"Sakay tayo dun!" turo ko sa roller coaster.
"Ayoko nga. Ang boring kaya dyan." agad na tanggi nya.
"Bakit? Nakasakay ka na dyan?!"
nagdududa na tanong ko.
"Oo. Mga limang beses na yata. Kasama ko si Sean. Kalalaking tao dinaig pa ko nun sa pagka-excite na sumakay dyan. Eh ang boring naman pala tapos sya enjoy na—."
Binitawan ko yung kamay nya. Psh. Magkwento na lang sya sa bantay nung rides na 'yon. Badtrip.
"Hoy. San ka pupunta? Sabi mo sasakay—."
"Hanapin mo na lang yung Sean mo. Yayain mong mag-rides." bagot na sagot ko.
Naramdaman ko naman na nakasunod lang sya sakin, hanggang sa may yumakap sakin mula sa likod ko. Nataon na naman na nasa medyo madilim na lugar kami natapat kaya walang makakakita samin.
"Badtrip agad? Sorry na. Haist. Nakakainis. Para akong kabit neto!"
Natawa naman ako sa sinabi nya. Humarap ako sa kanya at piningot sya sa tenga.
"Ouch. Brix naman eh!"
"Hindi ka kabit okay? Wag mong isipin yung ganong bagay. Napalalawak talaga ng imagination mo kahit kelan. Tsk. Tara na."
Agad naman syang kumapit sa kamay ko.
Buong gabi kami naglibot ni Shane sa buong school. Di na lang kami pumunta sa party. Sinakyan namin lahat ng rides at tinry lahat ng mga booths. I even lost my 250 pesos para lang sa isang cute size na si cooper, stufftoy na baby wolf. But that's okay, tuwang -tuwa naman si Shane.
Ngayon nandito kami sa rooftop ng isang building sa school namin. We're watching the fireworks display while holding each other hands, enjoying the stolen moments that we have.
--*
NOTE:
3 chapters to go! Epilogue na.
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT GUYSS!!
SALAMAT SAYO NA NAGBABASA NITO SA MGA ORAS NA 'TO!
COMMENT LANG AND I'LL DEDICATE ONE OF THE CHAPTERS TO YOU!!
TENCHU :*
wcMVQpE A
BINABASA MO ANG
I Don't Talk To Strangers [UNDER REVISION]
Novela JuvenilThey were once just a stranger until they met each other. She fell for him and so he is. Just like in any ordinary love story, they fell in love and they fall apart. Will they be back to strangers again? Or will they meet again and make things righ...