CHAPTER 6

68 18 9
                                    


(Brix' POV)

Buong week na basketball practice ang ginawa namin which means na 1 week na rin akong di nakaka-attend ng klase. Pero excuse naman kaming players so no worries.



Today is the day. Makakalaban na namin ang Anderson's Academy na sya ring school ng girlfriend ko na nang-iwan. Okay. Enough with this drama.

Maaga akong pumasok para makapagwarm-up pa ko bago magsimula ang game.


Dumiretso muna ako ng canteen para mag-breakfast. Advantage na rin sakin 'to dahil wala pang students maliban sa babaeng nasa counter.






"Cream-O nga po yung chocolate at ten na choco-choco. Tsaka po bottled water."



"Shane." tawag ko dito.

Nilingon nya naman ako, pero nang makita nya na ako yung tumawag

sa kanya ay agad din nyang ibinalik ang tingin nya sa counter.


"Ano 'yon?" cold na tanong nya nang hindi man lang tumitingin sakin. *sigh* Mukhang balik na naman kami sa dati.



"Nung Saturday-."


"Okay lang. Eto po yung bayad ko."

Putol nya sa sinasabi ko at saka umalis pagkakuha ng order nya. Napasabunot na lang ako sa buhok ko. I know that it's my fault. But does she really have to ignore me like this?




"Nga pala.."

Agad akong napalingon kay Shane na nakatalikod sakin di kalayuan.




"Yung sa sportsfest. Hanggang mamaya na lang yung bayaran." tuloy-tuloy na paliwanag nya at tuluyan nang umalis.


Napangiti naman ako sa sinabi nya.


Hayy. Ba't ba ko natutuwa eh sinisingil lang naman nya ko dahil sya ang treasurer. Tss. -_-#




============*

Natapos yung game na okay naman since kami ang nanalo.


After ng awarding ay lumabas na ako ng gym at saka nagtungo sa playground sa likod ng parking lot ng school.


Dito kasi ako madalas magpahinga after class. Siguro mga 30 minutes din akong nakahiga lang sa damuhan nang bigla na lang kumulimlim at pumatak ang ulan. Mabuti na lang at nasa bag ko yung payong... Haist. Sya na naman ang naaala ko. Grabeng konsensya 'to. >_<


Palabas na ako ng gate nang harangin ako ni Chandria.



"Ano 'yon?" tanong ko dito.


"Yung sa booth natin para sa sportsfest Brix. Kasi napag-usapan na natin 'yon before ka maging busy sa basketball mo. And nailista na yung name mo. Dumating na yung mga tickets-."


"Magbabayad ako, okay?! Wait lang. Easy."

Natatawang sagot ko dito. Paano tuloy-tuloy syang magsalita.

Haist. Mga babae talaga. -_-||




Iaabot ko na sana yung bayad ko nang maalala ko na kay Shane dapat magbabayad dahil sya ang treasurer namin.


"Oh anong problema?" nagtatakang tanong ni Chandria na nakalahad pa ang isang kamay.


"Bakit hindi si Shane ang naniningil sakin?" balik-tanong ko dito.


"Choosy pa. Eh galit eh. Wala sa mood na kausapin ka. Don't worry hindi ko ibubulsa yung bayad mo."


Hindi ako satisfied sa sagot nya kaya tinitigan ko lang sya. Kaya naman napabuntong-hininga na lang si Chandria.


"K. Fine. Pansin mo naman siguro na di ka kinikikibo ni Shane eh war kung war kayo nyan. Alam mo yung, 'Silence is a girl's loudest cry'? Ang babae, maingay talaga yan. Kaya wag kang magalit kapag maingay kami, matakot ka pag tumahimik kami. Kabahan ka na, kasi it's either we're not feeling well, badtrip, mad, hurt or in deep pain.Keep that in your mind. Brix. " mahabang paliwanag nya.


"So, galit si Shane?" I asked her.


"Malamang Brix. Utak nga. Akin na yung bayad mo."


Inabot ko naman na yung bayad ko. Pagkaabot ko sa kanya ay agad din syang umalis kaya di na ko nakapagtanong ulit.


Napakamot na lang ako. Tss.


This is f*cking annoying. Eh ano kung galit sya? Wala naman big deal don. I can ask anyone to exchange seats. I have a bigger problem with my girlfriend who just left me. Damn this. Why do I keep on giving myself reasons not to worry about her being mad with me? This is f*cking frustrating. >_<#






I Don't Talk To Strangers [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon